This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Press Briefing of VP Leni in Lapu-Lapu City, Cebu

    Press Briefing

    September 13 evening

    Q: Anu po ang pinunta ninyo rito, Ma’am?

    VP Leni: Actually in transit ako galing ako sa Zamboanga del Sur and Samboanga del Norte today, tapos tomorrow pupunta akong Eastern Samar. Kaya lang matagal ko na talagang gustong dumaan ng Cebu para magpasalamat sa inyo and we think it’s a very opportune time na rito na lang mag-overnight and squeeze in sometime with you tapos bukas na lang kami punta sa Eastern Samar. So instead of going straight to Tacloban dito kami dumaan.

    Q: Are you going to Cebu City or just…

    VP Leni: Hindi dito lang, near the airport only kasi bukas paalis na.

    Q: Will there be a short walk to the market ba or…

    VP Leni: Wala na, kayo lang talaga ang sadya ko.

    Q: So as pasalamat po sabi ninyo po diba..

    VP Leni: Oo, kasi I was really planning to meet with you the last time I was here pero nagkulang iyong oras, so I told Gabby na kapag nagkaroon ng opportunity i-rereschedule namin and we saw the opportunity today.

    Q: Anong trip to Zamboanga and then saan mas related…

    VP Leni: Oo, kasi its Zamboanga del Sur is celebrating their fiesta this week, tapos they invited me over, I decided to visit also two other places iyong Siayan, Zamboanga del Norte saka Dipolog. Instead of flying out of Pagadian to Cebu, nag-fly out of Dipolog kami para tuhog na lang.

    Ang problema hindi kami nakahinto sa Siayan kasi sobrang lakas ng ulan at baha na. Kaya sayang nga kasi nag-prepare din doon pero ano talaga, zero visibility iyong roads. Tapos iyong pupuntahan namin na may bibisitahin sana kami kasi iyong Siayan matagal ko nang gustong bisitahin.

    Kasi from 2003 -2009 it was the poorest municipality in the entire country, pero now, it’s 2nd class municipality already. I’ve met the mayor many times, multi-awarded so gusto ko sana bisitahin iyong mga nagawa niya para iyon ang ginagawa natin ngayon.

    Parang nag-cecreate ng partnerships iniisip namin bibisitahin din namin iyong ibang mga mahihirap but get lessons from those who were able to turn things around. Mayroon kaming isang gustong bisitahin sa Zamboanga del Norte, iyong Sibuko. Sabi nila napakahirap din doon pero i-seschedule namin pero gusto sana muna naming tingnan ang mga success stories sa malapit kasi. At least sila medyo similarly situated.

    Hindi kasi puwedeng magkaroon na parang template for all eh parang ang solusyon niya hindi one size fits all. So tinitignan namin ang mga models na mga best practices kaya ang mga lakad namin lagi kaming naghahanap ng isang best practice tapos iyong isa naman sobrang hirap.

    I think last month, galing din kami ng Lanao del Norte saka Lanao del Sur, iyong best practice naman na tiningnan namin doon iyong sa Kausawagan, Lanao del Norte mayroon siyang programang Arms to Farms.

    Parang iyong dating napakagulo na parang giyera doon na-convert through good governance, na-convert into flourishing the farming community iyong lugar, so tinitingnan namin iyon para ang ibang mabibisita naming naghihirap.

    Halimbawa iyong ibang lugar sa ARMM baka iyong model na iyon puwedeng ma-replicate with the help of our Office and private partners. So ayun talaga iyong tinitingnan ngayon and tomorrow iyong sa Hernani.

    Actually iyong Hernani may invitation sila kasi fiesta din sa Hernani, Eastern Samar. Naisip ko rin na opportune time din na gamitin ang pagkakataon bisitahin ang mga housing projects, kasi madami yatang problema iyong housing projects sa Yolanda areas.

    Q: Ma’am iyong budget ng OVP na-approve ng Lower House in 3 minutes, can you discuss-

    VP Leni: Oo nga eh! Siyempre masaya, masaya kami. Last week I was in the Senate to defend it, iyong sa House kasi naka-set na iyong trip na ito, hindi ko ma-cancel.

    Nakahanda na ang mga local government units so iyong Chief of Staff ko was the one who went, USec. Boyet Dy. Ano naman, handa kami.

    Iyong OVP budget naman talaga parang we already foresaw na hindi siya magkakaroon ng madaming problema, kasi mas mababa ang budget na hinigi namin this year compared to last year, so that alone siguro hindi na mapapahirapan.

    Iyong siguro talagang paghahandaan namin ang Housing budget kasi iyong housing talaga ang madaming problema. In fact, the last time I was in Cebu, I visited a community mortgage program of SHFC.

    Pero I want to visit more eh. On the 20th I’m going back to Leyte, I’m also visiting iyong Yolanda housing areas.

    Q: Magkano ang budget sa Housing?

    VP Leni: Mahirap siya tingnan ngayon kasi diba ang housing is six agencies. Bale, each of the six agencies, iba-iba ang budget. Iyong HUDCC itself ang budget niya lang is administrative eh.

    Kasi we can’t implement. Parang Coordinating Council only, although there’s a move now both sa Senate at sa House na gawin na talaga siyang department.

    Kasi yung problema namin ngayon, hirap kami to keep the ball rolling kasi walang mandate masyado iyong HUDCC. Gaya ngayon, iyong shelter agencies, wala pang na-appoint na tao so iyong dami namin gustong gawin kailangan pa namin mag-go through the Office of the President to ask for an Executive Order. Eh ang dami ding load ng OP.

    Pero pag ginawa kaming department, mayroon na kaming, mayroon na kaming mandatong sitahin ang mga agencies kasi in the past, wala talaga. Kahit, parang kung titingnan natin ngayon, anim ang shelter agencies pero nag-ooverlap ang functions na kailangan i-streamline pero wala talaga magawa ang HUDCC dahil very limited iyon.

    Pag tiningnan iyong budget namin, pangsweldo lang at pang-operating expense ng opisina. Pero wala talaga siyang for, to push for housing programs.

    Q: Ma’am I’d like to ask in particular about PAG-IBIG, the repossessed units are being bided out to another owner but according to their kuan, 10% of the total amount will be en-cashed. But when others were considered for their kuan, they were told 50% cash and the other 50% will be…is that…

    VP Leni: Pero PAG-IBIG mismo ang kausap?

    Q: Yes, is that particularly… is that really….

    VP Leni: I’m not aware that there’s a policy like that. Kasi diba, the shelter agencies are there to make things easier for ordinary people to have houses of their own. Pag ganoon ka-prohibitive ang arrangement, parang it defeats the mandate.

    If I can get the details after this, I can get into it, pero hindi siya dapat ganoon. Maraming existing na problema, parang ang ginagawa namin ngayon, we’re auditing the programs kasi tingin ko din, sayang kasi may resources ang mga shelter agencies.

    Nandiyan iyong PAG-IBIG, nandiyan iyong NHA, nandiyan iyong SHFC. Kailangan tingnan nang maayos para hindi nagsasayang ng pera iyong gobyerno because we don’t have enough.

    Parang historically, mula noon, iyong budget for housing, parati siyang less than 1% of the total budget. Naging more than 1% ito from 2011-2016 kasi iyong gobyerno, in that period of time, nagbaba siya ng 50 million for relocation of informal settlers in Metro Manila.

    Pero the program, balik na tayo sa 1%. Pero we have talked about it in the Cabinet, the DBM Secretary, Secretary Diokno is very supportive of giving more priority to housing, in fact being supportive of converting HUDCC into a department.

    Si Presidente mismo, si Presidente mismo nagsabi kung ano ang kailangan para ma-boost ang problema sa housing, he will be very supportive.

    So tingin ko, temporary hump lang ito kasi dala pa ito noong dating polisiya, pero pag maging department na yung HUDCC at mayroon nang commitment from the President, walang dahilan kung bakit hindi at least man lang lumiit ang gap natin.

    Kasi ang backlog natin ngayon is at 5.6million. Eh we’re only producing 200,000 socialized housing units a year. So, with that amount, iyong nadadagdag na demand is more than 200,000 a year so pag ganon pa din, pag status quo pa rin, palaki nang palaki ang backlog.

    So, pero pag nagkatotoo iyong commitment ng Senado, ng House, ng DBM, ni Presidente, ako, give us a few months, ano ‘to, aarangkada siya. Sana lang matuloy.

    Q: I wanted to ask you, we saw your post when you visited the victims in Davao. Can you share with us how you felt when you met them and what did you take away from that experience?

    VP Leni: Sobra talaga iyon. Very depressing in the sense na I wasn’t able to visit everyone, nabisita ko lang dalawang funeral homes. There were 7 dead bodies there and iyong isang ospital na I think more than 30 people were brought there.

    Pero medyo pareho iyong kuwento ng lahat, na halos lahat sa kanila, mahihirap. Karamihan, tagamasahe. Mga therapists, tapos may mga barbecue vendors, iyong isang barbecue vendor na nakausap ko, iyong asawa niya, iyak siya nang iyak when I went.

    Iyong asawa niya nakakulong, pito ang anak niya, iyong panganay niya, 14 year old, mayroon pa siyang 2 year old, siya lang ang breadwinner sa family, iyak siya nang iyak kasi nadurog iyong kanyang intestines and she will be in the hospital for a longer time.

    Umiiyak siya kasi sabi niya paano mabubuhay ang kanyang anak. Buti na lang, nandoon Nanay niya. Maranao ang nanay niya, nandoon, parang sinasabi niya sa anak niya, “Huwag mo na iyang intindihin kasi ako na ang bahala.”

    Pero noong tumalikod kami noong Nanay, parang umiiyak din. Sabi niya hindi niya din alam kung ano gagawin kasi siya lang yung breadwinner.

    So iyong sa akin lang, I think the city government of Davao has been very supportive in the sense na wala na silang aasikasuhing expense na related sa bombing. Pero iyong iniisip ko lang kawawa ang families na walang income.

    Tapos paano sila magsisimula ulit?

    Mayroon doon tricycle driver, na huminto sa pag-aaral kasi iyong lolo saka lola na nag-aasikaso sa kanila mayroong TB. So napilitan siyang mag-tricycle driver para may panggamot.

    Tapos ganon ang nangyari, iyong tama sa kanya sa ulo. Mayroong six months pregnant, tapos until the day I visited, unconscious. May mag-asawa, iyong isa, iyong kabiyak, seriously wounded, nasa ospital.

    Iyon ang parang magagalit ka sa terorismo. Napaka-senseless. Napaka-senseless na gawain na parang iniistorbo mo ang mga tao na nagsusumikap, diba? Pang-araw-araw ang pangbuhay na pinagdadaanan, iyong pakikibaka.

    Iyong pulis doon, after a hard day’s work, nagpahilot lang. Iyon ang mga kuwento na parang, ano talaga, parang heart wrenching. Tapos hindi mo nga alam kung paano ka tutulong.

    Kasi tumulong naman kami nang kaunti pero alalm namin na hindi nga iyon. Parang hindi nila mararamdaman, iyan lang ang kaya namin.

    Pero ako naman, ako’y naniniwala na hindi sila pababayaan ng ating Pangulo, iyong lahat ng pangangailangan, pero ang nangyari doon, hindi lang iyon problema ng victims pero problema nating lahat.

    Kasi if it happened there, it can happen elsewhere. So kailangan talagang hanapan siya ng permanenteng solusyon, pero nakakagalit.

    Parang secondary iyong awa, mas nakakagalit iyong parang, bakit may mga taong nakakaisip gumawa ng ganito na ang affected ang mga mahihirap.

    Q: Under your leadership how many housing units do you intend to build, kasi 200,000 yung-

    VP Leni: Ako, I would have wanted na by the end of, kung ako pa rin ang housing until 2022, sana man mawala ang gap. Ano iyon, very ambitious pero sa akin kasi, iyon din sabi ko sa opisina namin na mas mabuti na mag-ambisyon kami nang malaki kasi may pinepresent sa akin na… may isang ahensya under us and the target for 2019 na ma build na houses 50% of what was…

    Q: 5.6

    VP Leni: Hindi nga 5.6 kasi 50% of 2011 figures, sabi ko it’s not good enough. Dapat kung mag-tatarget kami, dapat mataas. And government cannot do it alone.

    So iyong sa akin naglagay ako ng tao just to take care of private partnerships. Walang opisina sa amin na mag-tatake care ng private partnerships at binibuild ko iyan ngayon kasi tingin ko its the only way to go.

    Q: Parang PPP, Ma’am?

    VP Leni: Parang PPP pero, ang magandang model ngayon iyong ginagawa sa Quezon City. Iyong sa Quezon City government nag-partner sila with PHINMA, PHINMA properties.

    Iyong ginagawa nila pinapa-donate nila ang mga landowners pero iyong stake doon libre kasi donation. Pero iyong harap ginagawang commercial para sa landowner.

    Iyong likod socialized housing na kinakagat naman ng land owner kasi ma-up ang value ng property. Sa akin titingnan din iyong ibang mga modalities kasi for the longest time, iyong tina-take on lang ng gobyerno ownership. Iyong Gawad Kalinga mayroon siyang usufruct and it is working.

    Nagsimula na ang Valenzuela and ang model nila public rental and it was the modality used in Singapore, Hongkong and Thailand.

    We are looking closely sa model ng Thailand kasi iyong sa Thailand mix siya ng public rental at ownership. Mayroon siyang income threshold na kung hindi mo maabot ang threshold, doon ka sa public rental.

    Parang transition housing lang until such time na ready ka na to own a house. Tinitignan natin iyon.

    Palagay ko lang dapat tayo open sa lahat. Hindi tayo dapat mag-impose na kung ano ang okay sa Manila, iyon ang okay sa probinsya. Halimbawa sa Manila, ang preference namin ay on-site, in-city.

    Kasi iyong offsite relocation iyong binisita ko nang binisita noong first week ko sa HUDCC. Hindi siya successful. Hindi siya successful in the sense na maraming nabigyan ng relocation na bumabalik din sa Manila. Marami din na unoccupied.

    Actually may mga housing project ako na very low ang occupancy rate. Nasayang kasi pinagkagastusan iyon ng pamahalaan.

    So parang sabi ko mag-chachange na kami ng mindset. For the longest time ang metric ng accomplishment ay number of houses built.

    Sabi ko hindi dapat iyon sukat. Dapat sana iyong sukat, ilang pamilya ba ang nahango mo sa kahirapan dahil nabigyan mo siya ng pabahay.

    Impose namin iyon sa lahat at mag-iimpose din kami ng charter for all. Marami kasing horror stories na katagalan ng proseso. Ngayon nag-umpisa na kami.

    Iyong SHFC, from 27 documents, SHFC lowered it to 9. Pero I am not contented kasi bumaba man ang number of documents pero ang proseso naman 2 years din.

    Kasi right now ang average processing for housing is two years. So grabe. Kaya hindi lang iyon sa side ng informal settlers pero pati sa side ng investors kaya kaunti ang gusto mag-invest kasi pahirap talaga ang…

    Kaunti na nga ang kita, ang tagal pa magbayad ng gobyerno kaya paano tayo makakaaya?

    Iyong isa din, ang problema ng mga urban poor groups kapag naglalakad sila ng papeles, pabalik-balik sila sa Maynila. Nag-cocollect sila ng contributions from members para may magastos iyong presidente na maglakad.

    Ngayon pagbabawal na namin iyon, iyong sa amin isang punta lang dapat to submit documents tapos government to government na.

    Iyong opisina namin we have to make sure na gumagalaw ang papers even without the representative kasi parang hindi makatarungan ng mga proseso na nandiyan.

    Hindi naman kasalanan ng just one agency pero hindi kasi coordinated so lahat ng agency under us, pinipilit ang mandates nila. Marami kaming kailangan sa BIR, sa DENR.

    I-organize namin ang council na dapat one stop shop. It will take time pero ang deadline ko nito until the end of the year para maayos na lahat.

    Hindi siya ganoon kadali kasi kung internal sa amin, I can impose right away pero hindi kasi maraming ibang agencies na nakakabit.

    But it is very encouraging kasi we had a meeting with DENR, kay Sec. Gina mismo at nag-commit siya na makipag-coordinate sa amin to make things easier.

    Pareho din kami ng paniniwala na hindi talaga nag-wowork ang off-city relocation. Ang problema naman sa Manila, mahal ang lupa at walang available.

    Mukhang midrise ang way to go. Nagpapa-inventory din kami ng government properties na puwedeng i-convert to government housing kasi kung bibili sa private hindi kaya ng homeowners.

    Ngayon, kinotract out ng Land Registration Authority ang pagpapa-inventory. Ako hihingin natin iyon na special concern na madaliin na kasi when we get the inventory, kailangan na i-identify ang kailangang isyuhan ng proclamations kasi marami ding puwedeng gamiting sa housing.

    Kaya lang iyong iba, income generating din sa offices pero if the President says that it is a priority, we will make things happen.

    Q: On President Duterte’s order for Moratorium on land conversion…

    VP Leni: Actually magiging problema pero ito kasi… Ako nga nag-declare ng moratorium pero it is for us to be given time na walang problema ang relocation. Kasi ang problema namin ay maraming relocation na not fit for housing.

    Halimbawa sa Bulacan, marami pang walang tubig doon. Iyong fit for agriculture, not necessarily fit for housing.

    So gusto din nating hanapan ng proper balance. Iyong kay Presidente, naghahanap lang ng panahon para walang haphazard na conversion kasi in the past marami.

    Dapat iyong metric parating pangmatagalan hindi lang magkaroon ng bahay pero iyong bahay dapa i-occupy ng family until the day they die.

    Q: Reaction sa pull-out ng forces sa Mindanao

    VP Leni: Isang bagay ang dapat pag-aralan nang maayos lalo na ngayon na may giyerang nangyayari doon.

    Actually galing ako sa Zamboanga at isa itong bagay na pinaglalaanan ng resources ng military ngayon.

    Tingin ko pinag-aaralan ng pangulo ito ngayon and the president will decide accordingly.

    Tingin ko part ito ng independent foreign poicy at sana lang ito ay produkto nang mahaba at masusing pag-aaral.

    Q: Last na po, iyong impeachment daw po…

    VP Leni: Hindi ko alam kung saan galing iyon. Sana ma-discuss ko din iyon kay Presidente just to assure him of our support kasi alam naman natin na ang LP members sa House at LP members sa Senate made an alliance and vowed to support the President.

    I always told the President na kahit na may difference kami sa opinions and policy, it does not diminish my support sa kanya.

    Iisa lang ang ating Pangulo and he deserves our support. Sana maging tahimik at maging supportive tayo.

    Hindi naman ibig sabihin noon na nag-aagree tayo all the time. Sometimes we have to agree to disagree.

    I have been very vocal about the decision doon sa burial but I think he has not taken it against me.

    Patuloy pa din. I will continue to be very supportive of him and the success of his presidency will be a success for our nation.

    Everything in my means to be supportive gagawin ko kasi iyon ang madato sa akin.

    Posted in Transcripts on Sep 14, 2016