This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Press Conference with Vice President Leni Robredo

    Quezon City Reception House

    Opening statement:

    Magandang umaga. Ilang linggo na din po tayong nanawagan sa ating pamahalaan na agarang gumawa ng hakbang para tugunan ang tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin, lalong lalo na ang bigas. Noong nakaraang linggo, tila magkakasalungat po ang narinig nating pahayag mula sa ba’t ibang opisyal ng ating pamahalaan ukol dito.

    Alam naman po natin, ang bigas ngayon umaabot na mula 46 hanggang 80 pesos kada kilo. Ang galunggong yata ay 170 pesos na? Ang pasahe sa jeep, umaabot na din ng siyam na piso sa ilang parte ng ating bansa. Napakabilis po talagang magtaasan ng mga presyo; hindi na makasabay ang karaniwang mga Pilipino.

    May mga bagay po na dapat gawin, at madaling iatas ang agarang pagpapatupad, kung seryoso ang ating pamahalaan sa pagtugon sa lumalalang sitwasyon ng mga tumataas na presyo.

    Naririto po kami ngayon upang maghain ng ilang mungkahi:

    Una, ayusin ang NFA. Resolbahin sana agad ang isyu ng kakulangan ng supply ng bigas. Magtalaga po ng pinunong mahusay at mapagkakatiwalaan. Siguruhin na ang bawat desisyon, lalo na ukol sa pag-angkat ng bigas, ay tunay na pinag-isipan, pinagplanuhan, at pinagkasunduan ng NFA Council at ng liderato ng NFA. Samakatuwid: Gawing patas, malinis, at tapat ang proseso ng NFA, upang tunay itong tumutok sa pag-stabilize ng presyo ng bigas, at hindi magamit lamang para lamanan ang bulsa ng iilan.

    Pangalawa, i-suspend ang probisyon ng TRAIN—TRAIN 1 pala, TRAIN 1—ukol sa excise tax sa krudo, at i-review ang unconditional cash transfer. Sa simula pa lamang po ng taon, ramdam na ng ating mga mamamayan ang pagtaas ng presyo. Inamin din naman ng DOF na hindi nila inasahan ang ganito kalaking pagtaas ng inflation. Mula sa kanilang pahayag, malinaw na panahon na para tingnan… tingnan na… tingnan—tingnan muli kung nararapat pa ba ang buwis sa krudo. Kailangan din nating tingnan kung sapat pa ba ang 200 pesos na unconditional cash transfer, at kung kailangan itaas pa ito.

    Pangatlo, palawakin ang mga social protection initiatives. Paramihin po ang saklaw ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, at ayusin din ang mga institusyong tulad ng GSIS, SSS, OWWA, at Philippine Crop Insurance, Inc., na kasama dapat sa makakapitan ng mga nasa laylayan sa panahon ng pangangailangan.

    Bilang mga opisyal po ng pamahalaan at hinalal ng taumbayan, obligasyon po namin maghain ng mga panukala na maiibsan ang hirap ng ating mga mamamayan. Mayroon na po—alam po natin na mayroon nang finile si Sen. Bam Aquino ukol dito na Bawas Presyo Bill sa Senado. Pagkatapos po nitong ating press conference, si Cong. Miro Quimbo, kasama na iyong mga LP members sa House of Representatives, maghahain din po ng counterpart bill sa House.

    Umaasa po kami na seryosong tingnan ng pamahalaan ang mga panukalang ito. Lahat po tayo, lalo na iyong mga mahihirap, nararamdaman talaga iyong pagtaas ng presyo ng bilihin. At panahon ito para umaksyon at maghanap ng konkretong solusyon.

    Ito pong paghahanap ng solusyon, matagal na nating hinihingi ito, at iyong pakiramdam po natin isa itong bagay na napaka-urgent na kailangan na talaga.

    Q&A:

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: We’ll be taking questions, pero magse-setup muna kami para makaupo iyong iba nating resource persons ngayong umaga.

    [set-up of table for panel]

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Okay, we’ll start with the Q&A. Si Mara ang unang magtatanong.

    REPORTER 1: Good morning po. Mara Cepeda from Rappler. Yesterday, Vice, President Duterte said that he won’t be firing NFA officials and Sec. Emmanuel Piñol. He’s blaming the rice crisis on our weak laws, but not on the officials. And may I also quote the President as saying that hindi daw… wala naman pong… it’s not a serious offense and the rice crisis is just an “aberration.” So kumbaga parang dino-downplay po ng Pangulo. Your reaction po dito?

    VP LENI: Hindi tayo sang-ayon na hindi seryosong offense ito. Iyong pagtaas ng presyo ng bigas, napaka-seryoso nito, lalo na sa pinakamahihirap nating mga kababayan. Madalas kaming bumaba. Madalas kaming bumaba hindi lang sa mga probinsya, pero lalo na sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila, at iyong bawat baba namin, iyong reklamo talaga sa atin iyong nagtataas na presyo ng bigas. Kasama ko nga si Senator Bam noong pumunta kami sa Baseco, mayroong doon isang nanay na— Ito, earlier on… [technical difficulty] Ayon. Ito, earlier on, parang, early part of this year pa, hindi pa ganito kataas iyong presyo ng bigas, iyong sabi ng isang nanay, “Dati nakakakain kami tatlong beses sa isang araw. Ngayon hindi na parati. Masuwerte na kapag nakakakain kami nang tatlong beses dahil sa pagtaas ng presyo ng bigas.” Kaya ito, tingin ko, malaking insulto din sa ating mga kababayang naghihirap kapag sinabi natin na hindi ito ganito kaseryoso.

    REPORTER 1: Follow up lang, Ma’am: you were advocating for the passage of the Bawas Presyo Bill of Senator Bam. Perhaps, sir, you can elaborate on the bill and how it will really help the situation of the rice crisis.

    SEN. BAM AQUINO: Salamat. Iyong Bawas Presyo Bill po, na-file na natin noong nakaraang buwan. It addresses our concern sa inflation. Ang tinutukoy po niya iyong pag-suspend at pag-rollback ng excise taxes natin sa diesel, gasoline, at kerosina. Kapag mataas po iyong ating inflation—lumampas sa 4%, na siyang target po ng Bangko Sentral, within 3 months—mataas po siya sa 4% and right now, maraming buwan na pong tayong lagpas na sa 4%. In fact ang prediction ng ING is we’re going to be at 6% this month, ay kailangan na pong ipreno muna iyong TRAIN.

    At specifically iyong hinahabol po natin dito, iyong pag-suspend ng pagtaas ngayon Enero, na nakita naman ho natin kasama sa TRAIN 1. Tatlo po iyong pagtaas sa TRAIN 1 – January 2018, January 2019, January 2020. So it’s already -ber months ngayon.

    Malapit na po mag-Christmas. Alam ho natin kapag Christmas tumataas iyong presyo ng biliin. Kapag Enero, ubos-ubos po iyong pera natin. Doon po tayo tatamaan ng pagtaas ng diesel at gasoline muli. So I think urgent na po ito na ma-suspend natin ang pagtaas ngayong Enero at mabawi, ma-rollback iyong mga tinaas ngayon 2018. Nakita ho natin na itong pagtaas ng diesel saka gasoline, isa ito sa nagpapataas ng presyo ng bilihin. So, marami hong sinusuggest na mga measures, mga moves, but ito po, nasa harap na po ng ilong ng ating mga economic managers ang siyang pwedeng maging solusyon dito sa kataasan ng presyo ng bilihin.

    So I think, kung hindi man ito nagiging urgent sa administrasyon, na tinatawag po nilang hindi naman seryoso iyong nangyayari, palagay ko po sa taumbayan napakaseryoso na po ng nangyayari ngayon. Kapag nag-iikot po kami ni VP, ang sinasabi po ng mga nanay na kausap namin, “Senator Bam, VP Leni, parang nalulunod na kami sa presyo ng bilihin.” So ganun po iyong pakiramdam ng ating mga kababayan.

    Kailangan po natin itong aksyunan at itong Bawas Presyo bill po, simpleng solusyon sa isang napakalaking problema na ginawa rin naman ng administrasyon dahil po sa TRAIN. So, we’re hoping na kapag nag-file na sina Congressman Miro mamaya, ma-aksyunan po ito ng kongreso at ng senado, at mabigyan-lunas po tayo dito sa problema na ito.

    REPORTER 2: Follow-up. Follow-up lang po: ano iyong worst case scenario kung sakaling hindi mapakinggan iyong mga suggestions niyo?

    SEN BAM: The worst case scenario is magtutuloy-tuloy itong pataasan ng presyo sa Pinas. By the way, March pa lang of this year, naghi-hearing na kami sa Senado, pinagbibitiw na namin si Jason Aquino. Matagal na naming pinagbibitiw iyong NFA administrator. Na-predict na rin natin na magkakaroon ng problema dito dahil hindi talaga maganda iyong management ng NFA.

    So kapag hindi ho alam ng mga tao doon sa liderato ng NFA iyong ginagawa nila, uulit-ulit po itong problema na ito. Kaya iyong panawagan po ni VP Leni na palitan na po iyong liderato, palagay ko mahalaga pong aksyon iyon.

    Pangalawa, ito pong tataasan po ng inflation: ano bang paraan ang pinag-uusapan ng TRAIN? Na-raise na ito, na potentially, baka magtaas-taas po ang presyo ng bilihin. Tinuloy pa rin po iyong TRAIN 1.

    Nandito na tayo ngayon, 8 months later. Nakikita po ng taumbayan ang pagtaas ng presyo. Ang laki talaga. Sa mga magsasaka, iyong fertilizer nila, noon 800 pesos iyong sako, ngayon, 1,100, 1,200 na. Iyong mga mangingisda, iyong lambat nila, nagtaasan din iyong presyo. ‘Pag punta mo sa palengke, sabihin ng mga vendors “wala na po bumibili kasi ang taas na po ng presyo ng bentahe namin.” So we need to address the problem with inflation. I think the four of us here, five of us here, nandito kami para sabihing ito po iyong pinaka-urgent na kailangan tugunan na ng ating gobyerno, and we’re hoping that these solutions, mapakikinggan, mapagkaisahan natin ang mga solution na ito para sa taumbayan.

    SEN KIKO PANGILINAN: Let me just add, sir, doon sa usapin nung pagbabago o pagpapalit ng NFA leadership: ang NFA Council, nakaupo diyan ang Secretary of Finance, ang Secretary of Trade, ang Secretary ng NEDA. So immediately, ang puwedeng gawin ng Pangulo ay i-instruct ang NFA council to create a Task Forc: Rice Emergency, headed by Secretary Dominguez who used to be Secretary of Agriculture, therefore he understands this problem, together with Secretary Lopez and Secretary Pernia. At sila na ang magbalangkas ng mga next steps sa rice procurement—importation ba ito—sa allied procurement from our farmers, dahil nandiyan naman ang budget. Sila na ang… baguhin itong naging direksyon na palpak ng administrasyon under NFA administration. So this is a concrete step or several next steps na dapat sana pakinggan ng ating gobyerno at administrasyon para masulusyunan ang problema ng supply ng bigas.

    REPORTER 3: Ma’am, Rowena Salvacion po ng DZBB. Sabi po niyo kanina magtalaga ng mas maayos na officials sa NFA. You are categorically asking for pagsibak or resignation ng mga NFA officials?

    VP LENI: Actually po, matagal na itong panawagan, kagaya ng sinabi ni Senator—Senator Bam? Senator Kiko?—na mula March pa, hinihingi na natin iyon kasi nakita na natin iyong hindi maayos na pamamalakad. Kaya iyong sa atin, gaya ng sinabi ni Senator Kiko, mas very defined na suggestion kung paano at sino iyong haharap dito sa emergency na ito.

    SEN. BAM AQUINO: Iyong problema po kasi dito sa problema sa bigas, there is no leadership. Wala pong leadership sa issue na ito. Ang problema po natin sa presyo ng bigas, dalawang taon na po iyan na bumaba iyong ating buffer stock. We had our hearing in March—in March, one and a half years nang bumababa iyong stock ng NFA. Hindi sila nag-procure sa mga Pilipinong magsasaka, hindi sila nag-i-import. Walang leadership na pinapakita. Noong Marso pa lang, sinabi na natin—sinabi po ng marami sa amin sa Senado—malaki ang problemang ito, magkakaroon ng problema ‘yan, mas lalaki iyong problema. Nakapag-import nga po sila, ano naman nangyari? ‘Di naman na-distribute. Nagka-bukbok dahil hindi po maayos iyong pamamalakad noong importation at distribution.

    So hinahanap po natin dito, konting leadership naman sa isyu na ito. Mabigat na ho ito sa mga kababayan natin. Pumipila na po sila para sa bigas. Hindi pa po iyon nangyayari, if I’m not mistaken, since 2008 or 2009. Iyong pila—1995, and again, I think in 2008, 2009. So, naghahanap po tayo ng leadership sa issue na ito and I think, magsisimula po iyong solusyon sa pagpapalit po ng liderato. Maghanap tayo ng mga taong kayang gawin iyong trabaho nila. I think iyon po iyong pinakauna.

    ‘Di man kailangan kumuha sa labas. I think si Senator Kiko already mentioned pwede naman within the Cabinet. Pero mahalaga po na mabigyan na ‘to ng lunas dahil malaking isyu po ito. Kapag BP ho yan—Bigas at Presyo—kapag masyadong mataas iyong BP, talagang malubha na tayo diyan ‘di ba? So kailangan po pababain itong BP na ‘to. Iyong bigas, kailangan pababain, iyong presyo, kailangan pababain. Ang hinahanap natin dito, konting leadership naman para makita po ng taumbayan na sineryoso iyong mga problema po nila.

    REPORTER 3: What about—

    REP. MIRO QUIMBO: Balangkasin natin tulad nga ng sinasabi ng mga kasama is kailangan ng malawakang pagbabago doon sa sektor ng agrikultura na maaring makatutok doon sa usapin ng bigas. Kami, as members of Congress, na araw-araw namin nakakadaupang palad ang aming mga nasasakupan, ramdam talaga namin ang problema ng bigas. Kapag may nagsasabi pang hindi totoo iyang problema, sa tingin ko ay hindi nila nakikita ang katotohanan na hinaharap ng bawat ginang, ng bawat maybahay na sa bawat umaga ay hirap makahanap ng bigas o hindi kaya napakamahal na presyo ng bigas. So talagang malawakang pagbabago at dito, ang pinagkaiba ngayon sa ibang (inaudible), hindi lang kami humihingi ng pagkakaroon ng bagong pamumuno sa buong agricultural sector. Bagkus, ay nagbibigay din ng konkretong mga hakbang paano ito sosolusyunan. Sabi nga ni Senator Kiko at Senator Bam na mayroon namang sigurong mga competent members ang gabinete na maaaring may alam o may karanasan na rito sa nakaraan na iyon ang mga taong mamuno. Hindi iyong mga kasalukuyang namumuno na hindi naging effective na sa tingin natin ay talagang kailangan palitan.

    REPORTER: Magandang umaga po. Doon po sa isyu ng incompetence … pati po isyu ng corruption—

    SEN. KIKO: Hindi lang kasi issue ng incompetence. Pati iyong issue ng corruption. Kung talagang… at lumabas iyong sa mga hearing natin, iyong mga issues sa rebagging na may fake na (inaudible) na nilabas ng report ang COA, na may favored traders na sobra sobra ang allocations sa kanila at ang ibang mga trader o accredited retailer, wala. So nakikita mo na iyong allegations, hindi lang ang incompetence pati na corruption. Kung talagang ang basehan po natin sa paghingi ng pagbabago dito sa liderato, ipaliwanag.

    REPORTER: Good morning po. Are you supporting—

    VP LENI: Iyong sa akin, nagbigay na tayo ng pahayag. While supportive tayo doon sa rice tariffication sa Senado, mayroon tayong pangamba. Isa sa mga pangamba, iyong kulang sa paghahanda sa ating mga magsasaka. Iyong sa atin, pakiramdam kasi dito, kailangan ihanda hindi lang iyong programa pero pati iyong pati pag-i-implement noong programa. Kasi kung ang ating pinaka pangitain natin na meron tayong pangamba, itong implementation ng social safety nets ng TRAIN 1. Ito, iyong TRAIN 1, mayroon tayong unconditional cash transfer na 200 pesos a month para ito iyong magsasalo sa ating mahihirap doon sa pagtaas ng presyo.

    Number one, sinabi natin… sinabi ng pamahalaan na mayroong ten million Filipino families na tatanggap noong 200 pesos. Alam natin hanggang ngayon hindi pa nga six million ang nakakatanggap.

    Pangalawa, matagal na nating hinihikayat na balikan iyong 200 pesos a month, dahil iyong perceived na pagtaas ng presyo ay napakaliit kumpara sa actual na pagtaas. Hindi pa rin siya nababalik. Natatakot tayo na ma-implement itong rice tariffication pero hindi… iyong makukuhang benefits galing doon, hindi naman siya mapupunta sa pinakamahihirap nating mga magsasaka. Kapag ganoon kasi, parang double whammy sila. Hindi mo sila binigyan ng pagkakataon na makapag-compete nang maayos dito sa mga papasok na bigas. Marami tayong kahilingan dito.

    Una, sinasabi natin na iyong assistance sa kanila, siguraduhin na mapapababa iyong production cost ng bigas para makapag-compete sila sa presyo. Pangalawa, iyong capacity ng ating magsasaka, mapangalagaan para binibigyan natin sila ng armas na makipag-kompetensya.

    Pangatlo, matagal na talagang hindi naaasikaso iyong kapakanan noong maliliit na mga magsasaka at nakakabahala iyong proposed budget ngayong 2019 na lalo pang bumaba iyong inilalaang pera para sa magsasaka. So ito, while sa konsepto, sang-ayon tayo. Pinapangunahan natin na kailangan yatang ayusin hindi lang iyong polisiya pero lalong lalo na iyong implementation.

    REPORTER: Sa pag-stabilize ng presyo— Kayo ba satisfied sa performance ng Central Bank?

    VP LENI: Ito kasi iyong pagtaas kasi ng interest rates, ‘di ba ito kasi iyong trabaho ng Central Bank as far as itong problemang ito is concerned. Effective siya kapag demand driven iyong nakaka cause ng inflation. Kasi dito sa sitwasyon natin ngayon, mas supply side iyong driver ng inflation. Halimbawa, iyong pagtaas ng presyo ng langis sa world market. Iyong karamihan sa mga drivers nasa supply side, so iyong pag-react ng Central Bank can only do so much. Ngayon, mayroong pangamba kasi nasa 4 percent rate na iyong interest rate natin. Mayroong pangamba na baka makaapekto ito sa growth rate na tinatamasa natin na napaka-ganda in the past years. Mayroon tayong assurance galing sa economic managers natin na very minimal ang magiging epekto nito. Pero mayroon kasing general sense na iyong assurances ba na binibigay sa atin, pwede ba itong asahan? Kasi halimbawa, kapag implement nitong ang TRAIN, mayroon bang assurance na 24% lang iyong magiging epekto nito sa inflation pero alam natin na so much more?

    Halimbawa, humingi palang tayo ng briefing galing sa Central Bank. For example, parang sinasabi niya na nagse-stabilize na iyong inflation. Back in June, ang inaasahan nila, magte-taper off na pero alam natin iyong nangyari na mas lalo pang tumaas. So iyong general feeling ngayon na ito bang assurances na ito, pwede ba natin itong asahan? Kasi ito, hindi natin puwedeng maasahan, baka kailangang mas revolutionary yung isiping na mga paraan para siguraduhin na ma-a-arrest iyong mga whatever na (inaudible) na puwedeng maramdaman ng—

    SEN. BAM AQUINO: How can we expect na bababa iyong inflation sa January kung magtataas na naman tayo ng presyo ng krudo, diesel, ng gasoline at kerosene? Aminado po iyong mga economic managers na hindi nila inaasahan itong kalaking pagtaas. So tanggapin na natin iyon, sige, sabihin na nating tama iyon na hindi nila inasahan. Pero iba na iyong sitwasyon ngayon kumpara noong— It’s a different situation already. Iyong inflation natin mataas, if I’m not mistaken, nine year high ito. May nagsasabi na baka tumaas pa this month. Lagpas-lagpas na po doon sa target. The target that’s 2 to 4 percent is already at 5.9 percent last month. So ang tanong, ano iyong response natin sa sitwasyon natin ngayon. Kasi kung pinagpipilitan pa rin na tama naman iyong mga ginawa noong Enero, noong December 2017, hindi ka na responsive sa mga nangyayari ngayon especially sa mga mahihirap nating kababayan.

    Iyong hearing po namin sa Senado nung nakaraang buwan, mayroong professor from UP na nagsabi na, “Kung mahirap ka, ang inflation para sa iyo, ‘di hamak mas malaki ang epekto. Kung mahirap ka sa isang mahirap na lugar sa ating bansa, ‘di hamak mas malaki na naman iyong epekto nito.”

    So kung ikaw ay mahirap na tao sa Bicol, kung ikaw ay mahirap na tao sa Mindanao, iyong pakiramdam po ng 5.7 percent is closer to 8 percent. So ang taas po nito sa ating mga kababayan at hirap na hirap na po sila. So wala nang point kung magmatigas ka at sabihin na, “Eh kasi noong December iyong mga assumptions natin…” Aminado sila na iba na po iyong sitwasyon ngayon. Kailangan mas responsive tayo. Now paano bababa iyong inflation kung magtataas na naman sa Enero? In fact, this week may pagtaas na naman na medyo malaki-laki. Kung sa Enero magtataas na naman, parang magsu-suicide ka na niyan. And I think it’s incumbent upon the officials, kami ho dito, hindi naman namin ito mapapasa na kami lang. Sa totoo lang, nananawagan ho kami na magkaisa tayo upang mabigyan ng solusyon ang problemang ito. We all come together to solve this problem and again, ito pong bigas at presyo ng bilihin, manmade po ito. Hindi po ito natural calamity. Ito po ay nangyari dahil sa maling polisiya, dahil sa maling liderato, andiyan ho iyan but we can still solve it. And I think before the year ends, bago po natin makita natin ulit iyong pagtaas na naman (inaudible). Kailangan na po natin itong aksyunan. Iyon po iyong panawagan namin.

    REPORTER: (Inaudible)

    VP LENI: Inaasahan natin na talagang it will remain high e, kasi ramdam na ramdam natin. At ito pa, Sen. Bam, nakita ko kasi iyong on income per region basis. Actually sa Bicol, nasa 7.87 percent na. Yung ARMM, iyong number one ‘di ba. So gustong sabihin, iyong mga kababayan natin doon, mas ramdam kaysa doon sa mga kababayan natin na nandito. Gustong sabihin na yung burden na parang tinatamasa nila, mas grabe sa burden na tinatamasa ng mga nakakaramdam dito. Natatakot tayo sa dadating. Natatakot tayo sa dadating. Kaya nga itong paulit paulit na sinasabi ni Sen. Bam at ni Congressman Miro din, na iyong tinitignan natin iyong January na taasan, kasi under TRAIN 1 kailangan tataas siya ulit siya sa January. E isa iyon sa hinihingi natin na huwag muna gawin iyon habang ganito pa kataas iyong ating inflation.

    REP. MIRO QUIMBO: Idagdag ko lang… Ang panawagan talaga pagdating doon sa bill ni Senator Bam pagdating doon sa presyo, na magfa-file kami ng counterpart later doon sa Central Bank. Isa talagang panawagan na pagdating doon sa… mayroon talagang scheduled increase. So bawat taon, sinabi na ni Senator Bam, bawat taon ay magtataas iyong dating walang excise tax, particularly all gasolines except for gasoline or premium. Lahat wala namang excise tax iyan dati. Because of TRAIN, nagkaroon ng excise tax ang diesel, kerosene, ang aviation fuel, lahat po effective January 1. So sa January 1, 2019, mayroon na naman ulit. So ang panawagan po dito sa bill is magkaroon diyan ng moratorium dahil nga sa patuloy na pagtaas ng inflation above our heads. So konektadong konektado siya sa bigas dahil ang gasolina ay isang main component ng ating rice production. Nagkaroon na ng 10 porsiyentong pagbaba ang kanilang kinikita, primarily because they utilize a lot of gasoline pagdating sa produksyon sa mga mangingisda. Nasabi nga po ni Sen. Bam that more than 50 percent of their expenses are gasoline or fuel-related. So unless hindi natin ito sosolusyunan iyong sa gasolina, partikular itong sa excise tax, iyong increase na paparating sa January 1, the price of rice and agricultural products will continue to increase and will push the inflation over the next 12 months. Kaya imperative na— Again, babalik ako doon na hindi tayo tumutuligsa. Humahanap tayo ng konkretong solusyon na tingin namin ay dapat pagkaisahan namin ng majority, minority, opposisyon or supporter ng administration. This is all intended to make prices of basic commodities more affordable at tingin ko napaka-imperative at napaka-immediate iyong pangangailangan ng solusyon dito

    REPORTER: (Inaudible)

    SEN. KIKO PANGILINAN: I don’t think so. Puwede naman siyang tumawag, kausapin si Secretary Dominguez at sabihin kay Secretary Dominguez na tutal miyembro ka naman ng NFA Council, kayo ni Secretary Mon Lopez, kay Secretary Fernan, “Kayo ngang tatlo, mag-usap nga kayo. Kayo na ang task force na ibubuo natin para harapin itong krisis sa bigas. Ayusin iyong tamang procurement. Hanapan ng solusyon itong hoarding, etcera. Makipag-tie up na kayo sa NBI. Basta kayo ang in-charge.”

    So hindi naman kailangang absolute, tumawag ka. Nandiyan naman iyong mga tao. Palagay ko naman mapagkakatiwalaan niyo iyong tatlong… So, it’s… I think that is the solution—interim solution, immediately, so that we can correctly address itong supply ng bigas sa atin.

    SEN. BAM AQUINO: Make no mistake, urgent po ito. Hindi na po ito puwedeng pahintayin ng next year, kasi kumbaga may time constraint po tayo. Ito pong time constraint natin itong January 1. Sa totoo lang, dito po sa ating bansa, kapag pumalo na po iyong Christmas, usually wala namang gaanong nagagawa sa Senate saka sa Kongreso. Kung may panahon po na puwedeng aksyunan na iyong Bawas Presyo Bill, itong mga changes na kinakailangan pong gawin, kailangan na po siyang gawin agad agad. A bill needs at least a month or two para mapasa iyan—of course may magtatanong pa diyan, mare-refine pa iyan. Kailangan na po siyang aksyunan. And I said this doon sa hearing po namin sa Senado, sinabi ko po doon sa economic managers, “Alam niyo, mamimilipit kayo sa inyong upuan para maghanap ng paraan para ma-suspend iyong January 1 increase. Mamimilipit kayong maghanap ng solusyon kapag palapit na nang palapit iyong January 1.”

    Because, for me, social justice issue na po ito. Na habang napakaraming naghihirap, magtataas ka ng buwis. Parang hindi ho yata iyan tama, hindi na ho iyan moral, hindi na ho iyan makatarungan. So kailangan ho natin ng mekanismo para matigil iyong pagtaas ngayong Enero, para mabawi ang lahat ng itinaas ngayong 2018.

    And this is the time to do it. Hindi iyong last week gagawa-gawa ng mga solusyon, mag-i-scramble iyong mga tao, you end up with a law na baka in the end makasama pa. So we need to act on this now. Kailangan na po siyang bigyan ng pansin ngayon, kailangan na pong mag-decide ngayon kung totoo nga bang papayagan nating mag-increase ulit iyong mga presyo ng bilihin dito sa ating bansa ngayong Enero. We need to make a decision already. Ang sa atin po, iyong batas ho na ito, maybe now hindi ito pinapansin ng administrasyon, pero ako na ang nagsasabi—I think iyong taumbayan na po ang nagsasabi—certified urgent na po ito sa taumbayan, kasi araw-araw na po itong hinaharap ng mga kababayan natin. Habang naghihirap po sa bigas, habang pumupunta po sa mga palengke at wala pong mabiling karne, wala na pong mabiling gulay. Pumupunta sa grocery, iyong 500 pesos mo doon dalawang supot, ngayon hindi na magkasya kahit isang supot lang. Urgent na po ito at kailangan na itong bigyan ng pansin.

    And we are here, doing our best to reach out and saying, please, aksyunan na natin ito. Pagtulungan na natin ito dahil ito iyong kailangan ng taumbayan.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Siguro okay na tayo, unless mayroon pang pahabol? Okay na? Maraming salamat!

    REPORTER: Other matters! Kunan lang namin ng statement si Vice President on the statement of the President na, “kapag maraming maganda, maraming rape.”

    SEN. KIKO PANGILINAN: Pasensya na kasi… baka mamaya sa ambush, puwede na lang tanungin si VP, because we want to really focus on the primary issue on rice and prices. Mayroon akong sasabihin sa iyo na off-the-record. [laughter] But I hope you understand. We’d like to make sure to focus first on this issue. And the other issues and the other questions on other matters, we are more than willing to answer later on.

    [reporter raises hand]

    SEN. KIKO PANGILINAN: On the issue?

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Sige.

    REPORTER: The President warned that he would not hesitate in using the military and police for raids. Do you think there is a need to declare a state of calamity on this?

    SEN. KIKO PANGILINAN: Iyong pag-raid ng mga warehouse alone will not solve the problem. We’ve gone beyond that already because obviously, when your supply is this low because you did not preposition your procurement, kahit na anong raid mo, hindi malulutas iyong problema ng pagtaas ng presyo ng bigas, number one.

    Number two, kung ang magre-raid ay incompetent at corrupt, baka lalong maging source na naman ng pangingikil at kung ano pa.

    Number three, kung may sabwatan ang mga top management ng NFA sa mga nagho-hoard, sa mga rice trader, ano iyong mangyayari sa mga raid na iyon?

    So that alone will not solve the problem of price increases in rice. Precisely why we are recommending the overhaul of your leadership in the NFA, to be led by members themselves of the NFA Council. I think that is the most doable approach to addressing itong problema.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Okay, so diyan nagtatapos—

    VP LENI: Siguro dagdagan ko lang. Unang una, iyong pag-raid, siguro dapat hindi na ina-announce, ‘di ba? [laughter]

    Sunod, dapat ginawa ito yesterday. Kung naaalala natin, even during the SONA, mayroon nang ganitong warning.

    Pangatlo, sang-ayon naman ako doon sa sinabi ni Sen. Kiko na that alone ay hindi makaka-solve. Parang madali lang kasing mag-speculate, pero malalaman natin kung totoong nangyayari ito kapag may nasampahan—kapag may nahuli at nasampahan na ng reklamo.

    Kung maaalala natin sa Zamboanga, nagkaroon ng surprise inspections, at mayroong pahayag si Mayor Beng Climaco na sa kanilang surprise inspections, talagang wala namang supply—walang supply ng bigas sa mga warehouses. So at least in Zamboanga hindi iyon ang dahilan. Iyon ang pahayag ng mga local officials.Pero ito nga, kung mayroong ganitong speculation… parang matagal na kasi iyong speculation? Dapat sana may nahanap na tayo. Kung seryoso tayong maghahanap, dapat may nahanap na tayo.

    SEN. KIKO PANGILINAN: Noong nag-hearing kami sa rice situation noong March, dalawang hearing yata iyon, doon pa lang may allegations na ng diversion, ng re-bagging, at favoring of favored traders over others—in other words mayroong mga pinapaborang mga… Ang allegations, si Sen. Grace Poe pa nga ang nagbanggit ng mga pangalan. Mula noon hanggang ngayon, may nangyari ba? Wala. Mayroon bang nasampahan ng kaso sa NFA? Because the NFA, as the administrator, can file administrative and criminal cases against traders who are in cahoots with NFA managers, in terms of re-bagging, diversion. Walang nangyaring ganoon. In 2014, when we were with the chairman of the NFA Council, we filed charges against—administrative and criminal charges against—private rice traders and NFA managers in Pampanga, Iloilo, Surigao, and Camarines in Bicol.

    So wala namang ganoong nangyayari nitong nakaraang isang taon na, so how do we expect this to result in a positive outcome kung napakatagal na? It’s, iyon na nga, dapat matagal nang ginawa ito, at kung anuman man ang magagawa ngayon, hindi iyon ang magiging strategic solusyon.

    ATTY. BARRY GUTIERREZ: Okay, so that concludes this morning’s briefing. Maraming salamat sa inyo.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Sep 03, 2018