This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Press Conference of VP Leni Robredo

    3 August 2016

    Office of the Vice President, Quezon City

    Q: Reaction on Supreme Court…

    VP LENI: ‘Yong order naman… ngayon kasi wala pa kaming natatanggap parang every Tuesday yata ang deliberation ng Supreme Court. Yesterday, finally na-deliberate na ‘yong kasong na-file.

    We expect that in a matter of days mare-receive na namin ‘yong formal notice requiring us to submit an answer.

    Ano naman ito, normal course ng kahit na anong kaso, kahit sa regular courts ito talaga ‘yong ginagawa na pinapadalhan talaga ‘yong respondent ng kopya, and requiring them to answer.

    Pag natanggap namin ‘yon I think we have 10 days to answer.

    Q: Now that there’s progress sa kaso, may kaunting kaba ba?

    VP LENI: Wala. Actually mas gusto ko nga na parang swiftly maasikaso na. Para wala na siya sa usapan.

    Mas makakabuwelo tayo sa trabaho pag wala nang inaasikaso. Kasi isa pa ‘yon sa pro-problemahin dahil napipilitan tayong mag-hire ng services ng abugado, siyempre ang wino-worry ko pa ‘yong pambayad.

    Baka ‘yong arrangement hindi na tulad ‘nong… ‘nong canvassing kasi talagang para sa bayan, TY ‘yon.

    Siyempre ngayon ibang usapan na. So, kung may worry man, nandoon. Magkano ba aabutin ‘yong legal fees, saan ko ba ‘yon kukunin, hindi naman ‘yon puwedeng i-charge sa opisina, wala naman akong personal na pambayad. So siguro ‘yon ‘yong kaba. Pero as far as ‘yong kung may substansya ba ‘yong kaso, mayroon bang basehan, walang kaba doon.

    Q: Si Atty. Macalintal pa din po?

    VP LENI: Oo, until now siya pa rin. Pero siguro pag natangaap namin ‘yong summons ng Court, siyempre mag-uusap na kami nang mas pormal kung papaano ba ‘yong engagement.

    Kasi ‘yong Atty. Macalintal, parang carry over ito ‘nong pag-volunteer n’ya noong canvassing. ‘Yong canvassing kasi para sa bayan talaga, wala pang pinag-uusapan na fees.

    Siyempre ngayon iba ito kasi full-blown na kaso. So, ‘yon din ang inaalala ko. Magkano ba aabutin, saan ko ba iyon kukunin?

    Siyempre nakakahiya rin na parang forever na humihingi ka ng para sa bayan.

    Q: Estimate na cost?

    VP LENI: Tingin ko magiging mahal masyado. Ang alam ko ‘yong initial na deposit ata sa Court ni Senator BongBong 200,000.

    Pero habang nag-dadrag-on ‘yong kaso, siyempre ‘yong bayad ganoon din. Kaya mahirap iyon para sa akin kasi wala naman akong pagkukunan.

    Q: So mas nag-woworry kayo sa pambayad kaysa sa presentation?

    VP LENI: ‘Yong presentation kasi alam naman namin na baseless ‘yong accusation. So siguro sa mas ano na lang, ili-leave ko na lang iyon sa abugado ‘yong pagsagot. Hindi naman kami nag-aalala sa pag-explain ng sarili kasi wala namang tinatago.

    Mas gusto ko sana makapag-concentrate sa trabaho lalo na ngayon na dalawa na ‘yong assignment ko hindi nalang ‘yong Office of the Vice President pero pati ‘yong HUDCC.

    Na ‘yong HUDCC sobrang dami talagang problema sobrang daming aasikasuhin. Parang gusto ko na din to get it out of the way.

    ‘Yong abogado na lang ‘yong mag-asikaso pero siyempre maraming trabaho iyon. Kahit pa baseless ‘yong accussation siyempre kailangan mong sumagot, kailangan mag-file ng pleadings, kailangan mag-submit ng ebidensya. So, ‘yon ‘yong mas worry ko.

    Q: Considering to replace Atty. Macalintal kung sakaling mataas ang singil niya?

    VP LENI: Baka pag siningil n’ya ako ng sobrang mahal [laughs].

    I think si Atty. Macalintal alam naman niya ‘yong limitasyon. Hindi ko pa siya nakakausap ngayon. ‘Yong pag-represent n’ya talaga sa akin mas extension ng dati. Pero baka pakiusapan uli natin, Atty.

    Baka para sa bayan kauntian mo ‘yong… [laughs] Alam naman niya na baseless ‘yong accusation, pero again, kahit nga baseless, mayroon tayong mga prosesong kailangan i-comply.

    Q: On charter change.

    VP LENI: Ako sa akin ideally Con-Con ang gusto ko. Pero naiintindihan ko kasi ‘yong reservations ng ating Pangulo. Pag Con-Con, malaking budget ang kinakailangan.

    Magba-budget sa eleksyon, magba-budget sa entire process. Pero para sa akin, pag gusto talaga natin people participation, makapag-concentrate sa trabaho ng pag-aamyenda ng Konstitusyon, mas maigi ‘yong Con-Con.

    Kasi ‘yong Con-Ass parang over and above ito sa regular duties ng members ng Congress.

    Pero again, ito kasi naiintindihan natin na balancing act ito, merong ideal pero baka too costly for the government ‘yong ideal. Pero until now mas gusto ko pa din sana ng Con-Con. Pero bukas tayo sa isipan na, dahil sa budget.

    Napanood ko kahapon sa balita na kung Con-Ass man, nagbabalak ‘yong Congress na magbuo ng parang Constitutional Committee na siya ‘yong mag gaganap na parang Council of Elders na mag-aadvice sa Congress, okay naman ito.

    Kaya bukas naman tayo sa usapan. Pero ‘yon nga, ‘yong ideal kasi Con-Con talaga.

    Q: Problema sa HUDCC, alin ang priority?

    VP LENI: Actually dapat lahat siya i-prioritize. Unang-una, ‘yong inventory ng lahat na properties na available for housing. Wala tayong ganoon.

    Ayon ‘yong una kong hinanap pero wala tayong ganoon. Apparently, mayroong kinonduct na ni-request ‘yong LRA na isang study na magkaroon ng ganoon. Mayroon ng isang study na ginawa pero di pa nababayaran kay ngayon ito ang nilalakad ko ngayon sa DBM na i-approve na iyong budget para mayroon na tayong pag-uumpisahan.

    Iyong sa akin kasi while puwede na na may magawa ngayon, ayokong gawin na parang piece meal na —- kasi iyong HUDCC naman hindi lang housing kundi urban development.

    Mas gusto ko sana iyong pagplano integrated at comprehensive. Kaya iyong pinakauna mayroon na bang listahan na available for housing, pangalawa, updated ba ang listahan ng mga walang bahay kasi ngayon wala ding ganoon.

    Mayroong dating listahan pero mukhang naiba na iyon. Ang ginagawa namin ngayon parang ina-add add namin iyong mga reports ng mga LGUs at iyong LGUs hindi lahat ng LGUs mayroong ganoon.

    Iyong Las Pinas mayroon, Quezon City mayroon, Valenzuela mayroon pero di ko alam kung updated ang kanilang listahan.

    We are trying to reach out to them kumukuha din, iyong pinakamahirap iyong walang isang integrated databank ng lahat ng kailangan.

    Dapat sana nasa HUDCC iyon. Hindi ko alam kung bakit yong HUDCC wala pero I was expecting na mayroon dahil siya iyong coordinating council pero parang pag may hinahanap kami ang sagot nila mayroon niyan ang NHA, mayroon niyan ang SHFC, mahirap.

    Mahirap kasi iyong terms of office ng mga officials ng shelter agencies nag-end noong Sunday. Iyong NHA mayroon nang acting pero wala pang appointed kaya mahirap to move forward.

    We are making do with what is there.

    Pero iyong isa kong sinusubukan ngayon ay masiguro na sa HUDCC lahat ng kailangan nating data nandiyan kasi we can never really plan for a comprehensive and integrated way iyong wala iyon.

    Q: Iyong pagpunta ninyo po sa Thailand part po iyon ng official budget ng OVP?

    VP LENI: Hindi. Iyong pagpunta ko sa Thailand, sagot iyon ng National Council for Women ng Thailand sila iyong sponsor ng event. Iyong pagpunta ko sa US, dalawa ang sponsors ng event.

    Iyong NAFAA, nalimutan ko iyong pangalan pero federation siya ng Filipino American Associations in the US siya iyong sponsor ng Philadelphia trip.

    Iyong San Francisco naman, asosasyon din ng mga Pilipino sa Bay area. Sila iyong sasagot ng trip.

    Q: Sa inyong foreign trips, na-haharness po ba ang Filipinos overseas to help fund our housing projects?

    VP LENI: It’s too early to tell kasi iyong unang trip ko ay iyong kahapon sa Thailand. Iyong sa Thailand may sumalubong sa akin sa airport na mga Filipino associations pero iyong tingin ko na aside from the awarding, ang tigin ko na very helpful sa atin ay iyong humingi ako ng meeting with the Ministry of Social Development and Human Security.

    Siya iyong nagpapatakbo ng community housing program ng Thailand Ban Man Kong ang pangalan, very successful, feeling ko replicable dito.

    Marami akong materials na nakuha from them. Binigyan nila ako ng briefing, iyon ang inaral ko while nasa eruplano.

    Iyong Thailand in 10 years naayos niya ang problema niya sa housing. Kung pupunta ka ngayon doon, iyong mga dating nakikitang blighted areas di mo na makikita. I think marami tayong lessons na makukuha doon.

    Itong trip to the US, mas pagbisita upon the invitation of the Filipino communities. Pero ito kasi, bago pa pumunta, mayroon nang engagement with them at marami na sa kanila nagtatanong how they can be of help.

    In fact this afternoon iyong Filipino-American Chamber of Commerce sa Saturday iyong okasyon sa Philadelphia pero iyong representatives nila nandito ngayon.

    We have a meeting 4:30 dito sa office. Pag-uusapan na namin iyong engagements. Mas gusto nilang dito mag-meeting kasi mas okasyon ata, parang iyong pupuntahan ko keynote speaker ako sa gala nila kayasabi nila bago ako pumunta, mas mabuti kung mayroon ng initial na pag-uusap.

    Iyong sa San Francisco, matagal na silang tumutulong. In fact may mga ina-adopt na silang communities na binibigay natin sa kanila iyong information.

    So hopefully mas ma-sosolidify. Tapos iyong kagandahan sa San Francisco kasi maraming groups na nag-iinvite, parang inayos ng Consulate na lahat ng groups na nag-iinvite pag-iisahin. Sana maging fruitful ang kalalabasan.

    Hindi pa natin sure kasi hindi pa tayo pumupunta pero iyong sasalitain natin doon, iyong laman ng ating speech, pag-update sa kanila kung ano iyong advocacies ng Office of the Vice President with the hope na makakuha tayo ng partners from them.

    Q: May estimate na po ba kayo ng list ng mga pumasok para sa projects ng OVP?

    VP LENI: Wala pa. We’ve been talking to different groups pero we’re starting on August 5. Ang gagawin natin, kasi I identified 5 core advocacies di ba?

    Sa August 5 kakausapin na namin lahat ng groups na may programa sa hunger at food security. Di ba two days a week nag-iikot ako, iyong data na nakakalap natin doon i-pepresent na natin sa kanila giving them a sense of how it is on the ground tapos mag-lilink.

    Tingin ko ang budget di na kami makikialam doon. Wala kaming mandate doon. Hindi naman kami puwedeng kumuha kahit pledges for donations.

    Ang role ng OVP parang conduit kami iyong mag-poprovide ng information sa nangangailangan tapos sa kabilang banda naman sa supply side, sila ang naghahanap ng proyekto, kami iyong nagmamatch.

    Pero pagdating sa pondo di na namin papadaanin sa amin. Mas kami lang ang nag-lelegwork kami iyong nag-sesecretariat pero sila iyong didirekta sa tutulungan.

    Q: Nag-usap na daw po kayo ni Sec. Diokno for the OVP to be more advocacy based.

    VP LENI: Nakausap ko na siya. Ang problema kasi natin nakahanda na iyong net for 2017. Pero may mga ni-request kami sa kanya na bawasan ang item na ito, dagdagan ito, very receptive si Sec. Diokno kasi pumayag siya sa mga request natin.

    Mas movement lang to kasi iyong amount nakatakda na pero tingin ko mas magiging maluwag sa 2018. Mas maluwag in the sense na kabahagi na kami sa plano kung saan mapupunta iyong budget.

    Kasi for the 2017 budget, nagplano pa nito iyong dating opisina. Halimbawa sa rentals, malaki na-save natin sa rentals, pinalipat natin sa ibang item at pumayag naman ang DBM so very hopeful.

    Q: Marami pong sumugod sa NHA…

    VPLR: Hindi ko alam kung saan nanggaling ang balita pero hindi iyon totoo. Hindi naman tayo parang, iyong housing natin deliberate ang pamimigay, hindi naman tayo parang raffle style siya na bibigyan mo.

    Ngayon bago mo bigyan magkakaroon muna ng census. Mayroon tayong mga naka-set na qualifications kung sino ang puwede doon.

    Nakarating din iyon sa atin. May mga nagsasabi na nag-announce daw ang pangulo pero wala naman tayong nahahanap na announcement.

    So baka misinformation kasi ang tao kapag may ganoong balita, ang dami kayang nangangailangan ng bahay.

    Q: Nakapag-usap na po ba kayo ng bagong head ng NHA?

    VP LENI: Hindi pa, hindi pa kami nakapag-usap pero meron na akong briefing galing sa 6 shelter agencies.

    Pinahuli talaga namin, inuna namin iyong pag-build ng HUDCC pero nagpa-schedule na ako ng briefing. Ang hinihintay namin is sana may ma-appoint na din sa ibang mga shelter agencies para yung mga mag-bibriefing sa amin ang sino na ang uupo.

    Ngayon, maraming maraming ginagawa ang NHA, marami, ang bulk ng P50B na binaba ng dating administrasyon, nasa NHA iyon. Marami silang tinatapos.

    Pero marami din akong gustong itake-up with them, nakita ko sa pag-ikot ko na ang daming ginawa ang NHA na housing for AFP and PNP, ang dami dito parang white elephant.

    Walang nag-ooccupy, ang daming units, doon lang sa amin, sa Del Rosario Piling Camarines Sur, ang laki laki ng ginawa, walang occupants.

    Nandito si Cong. Apple Pancho ng Bulacan, sabi niya din sa akin, madami din ang ganyan nila sa Bucaue. Iyong sa akin, gusto natin i-take up ito sa NHA dahil NHA project ito na parang, sayang, ang daming perang hinulog doon, hindi naman siya nag-ooccupy, pero ang dami-daming pamilyang nangangailangan ng bahay.

    Q: Isang target ng bagong GM ng NHA na ipagbawal na ang pagbebenta doon sa mga pabahay na bigay ng gobyerno gusto ata ng Duterte admin parentahan na lang which is adopted like Singapore.

    VP LENI: Actually ngyaon mayroon na tayong model ng public rental, successful ito, sa Valenzuela. Isang bagay na tiningnan natin.

    Tiningnan din natin, ang Singapore nag-start sila sa public rental pero eventually naging ownership na din.

    Ang Thailand ganoon din, pero maganda ang model ng Thailand. I-nexplain nila sa akin kahapon, ang sa kanila may both public rental and ownership, sa kanila parang may threshold income.

    Pag naabot mo ang ganitong level ng income puwede ka sa ownership, pag ganito ang income then rental ka muna.

    Pero ang rental tinitingnan siya, parang stepping stone lang towards ownership, hindi ang buong buhay mo mag-rerent ka.

    Nag-meeting kami ni Senator Win Gatchalian at si Mayor Rex Gatchalian. Pinresent nila sa akin iyong model nila, napakaganda. Napakaganda kasi nag-rerent lang sa City Government ng P300 a month, very very affordable.

    Iyong kabutihan, dahil rental lang, nakaka-impose ang city government ng regulations na gusto nila. Halimbawa ang mga housing project nila may paaralan, mayroon clinics sa loob so ni-rerequire nila ang tao na dapat ang occupant na lahat ng anak nag-aaral, lahat ng anak may monthly check up, mayroon silang random drug testing, so pag na-find out kang ganoon, puwede kang tanggalin.

    Maganda iyon kasi na-cocontrol, pag tinitingnan natin ang mga programa nila, kahit na napakatagal na ng mga buildings napakaayos ng pag-maintain, hindi gaya na pag-natuturn over kaagad na hindi naayos ang maintenance. Pero ngayon dahil city government iyong nag-mamaintain.

    Q: What is more attainable in the Philippines in general?

    VP LENI: Pinag-aaralan natin iyon kasi palagay ko hindi natin ma-gegeneral. Mayroong iba na mas mabuting public rental lalo na sa mga walang wala talaga. Mayroon din na mas mabuting ownership.

    Sa Pilipinas naman may konsepto parati gusto nila ownership kasi diba napapapunta sa wala ang hinuhulog nila. Iyong downside ng public rental, ito din shinare sa atin ni Rex Gatchalian, talagang mag-bebleed ang gobyerno.

    Kasi halimbawa ang sa Valenzuela, iyong nag-finance ng paggawa ng buildings, NHA.

    Siyempre iyong rental na P300, iyong bulk noon napupunta sa NHA, kaunti lang napupunta sa city government pero city government nag-mamaintain. Mabuti iyong Valenzuela kasi mayroon silang pantustus pero paano yung mga LGU na hindi kaya?

    Kahit si Mayor Rex nagsabi na kailangan ng programa na eventually ma-turn over sa association yung upkeep. Ang tanong lang, pag na-turn over sa association, kaya niya ba ma-sustain ang pag-ayos? So ano talaga ito, balancing act, siguro depende din sa capability ng associations.

    Q: Sa National Security Council last week were you able to discuss the EJK?

    VP LENI: Hindi, hindi siya naging kabahagi sa discussion in the sense na ang bulk talaga noon iyong desisyon ang arbitration. Although na-discuss pa rin ng pangulo iyong programa sa anti-drugs pero masyadong mahaba iyong meeting, actually nag-umpisa kami 3:00, natapos kami 8:00.

    Actually nag-break na ang meeting after nagsabi iyong iba na mayroong ibang commitments. Hindi na-discuss ang EJK pero hopefully ma-discuss iyon sa ibang Cabinet meetings.

    Q: With the battle against illegal drugs ano exactly ang na-discuss about it?

    VP LENI: Mas ano lang, mas updates. Siguro mas mabuti iyong Malacanan tanungin kasi ang alam ko we are not authorized to divulge what were taken up during the meeting.

    Q: May personalities bang pinag-usapan?

    VP LENI: Wala, wala, wala. Mas ano ito, mas update sa anong nangyari at anong direksyon.

    Q: Sa private plane po may bumabatikos sa inyo?

    VP LENI: Ano iyon? Iyong private plane, iyong Rotary Club of Naga ang nag-rent noon dahil hindi na kami nakahanap ng tickets.

    Nag-aano sana kami, nag-reregrets na sa imbitasyon, dahil mahirap, alam ninyo yung bus na sinasakyan na-aksidente. The week before, Jan. 22 yata, umuwi ako noong July pala, ang bus na sinasakyan namin na-aksidente nabangga siya somewhere in Quezon.

    Nabangga siya ng isang truck, wala ako doon dahil nag-eruplano ako pero nabangga siya ng isang truck puno ng gin. So nagkaproblema sa paghanap ng tickets, basta, mahirap ang paghanap ng tickets so nag-reregrets na kami dahil hindi na ako makaka-attend, sila naghanap ng paraan.

    Pero I think hindi maiiwasan in the course of our work na talagang gagamit ng private plane, whether kami babayad ng rent, or may babayad for us kasi marami talagang okasyong kailangan mo dito at this particular place tapos kailangan mo dito sa hapon tapos wala namang flight.

    Tingin ko, wala namang masama, mangyayari at mangyayari iyon. Basta hindi mo lang palaging ginagawa.

    Q: So kinokompare mo sarili mo sa pangulo na gumagamit ng commercial plane?

    VP LENI: Ako nga bus nga ako eh. Bus ako, alam niyo naman, nakakasabay ko kayo, 90% of the time, I take the bus.

    Nag-cocommercial lang ako pag alanganin sa oras. Halimbawa noong Saturday, nag-commercial plane ako dahil ang okasyon ko ay hapon, nag-parents meeting pa ako sa Pisay sa umaga so wala nang bus para makarating ako ng hapon nag-commercial plane ako.

    Iyong sa akin, iyong private plane exemption to the rule. At palagay ko hindi iyon fair kasi ang presidente nag-piprivate plane and sometimes commercial plane.

    Ano naman ito, nakita ninyo naman kung sino nagtutuligsa. Talagang may axe to grind against our family. Buhay pa ang asawa ko talagang paborito niya na.

    Q: (inaudible)

    VP LENI: Oo naman. Actually kumukontra sila. Kelan ba ako last nag… July. Iyong ano, iyong last after the inauguration, diba nagkaroon kami ng celebration in Naga right after the inauguration. June 30 was the inauguration, July 2.

    Posted in Transcripts on Aug 03, 2016