This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Q&A with Vice President Leni Robredo & Sen. Bam Aquino

    Conversaccion: Youth Participation in Development

    Ateneo de Zamboanga University, Zamboanga City

    delivered on 05 September 2018

    SEN. BAM AQUINO: Noong time ni Bam Aquino, nagkaroon ng sabon saka toilet paper sa banyo, okay? At to be fair, kami nga iyong unang taon na nagkaroon ng toilet paper sa banyo at sabon, ‘di ba? Now, to be honest, any student would appreciate that; that’s a big thing. Mayroon na ba kayo niyan? Ewan, hindi ko alam. Sa mga student council dito, iyan ang gawin niyong project, hindi kayo makakalimutan. [laughter]

    Now, as a senator, parang ganoon pa rin iyong challenge. We have bills like the Competition Act, which will be very important in the next 30 years of our development. Unfortunately kakaunting tao lang ang nakakaintindi ng Anti-Trust Laws sa Pilipinas. But we also have… we also have the Free WiFi. We now have the Bawas Presyo Bill, which probably bring a bigger impact for the people today. So I think that’s one thing na puwedeng pagkakaparehas: kailangan niyong balansehin iyong current needs and iyong long-term needs ng mga constituents ninyo.

    MODERATOR: Okay, salamat, Sir—Kuya pala, Kuya Bam. [laughter] Ma’am Leni, okay lang po ba—

    VP LENI: Ate.

    MODERATOR: Ate. Ate Leni. Tita Leni—okay lang po ba iyon? [laughter] Okay, Ate Leni… Gusto ko lang pong tanungin din—ako iyong nagtanong? hindi iyong students?—with our recent engagements with Angat Buhay Youth in Cagayan de Oro, grabe iyong bilib sa mga kabataan, na puwede silang mag-forward ng projects nila, ng initiatives nila na nagko-concentrate sa social development. And at the same time, with TAYO Awards, which with Sir Bam—with Kuya Bam—we have two entries from Ateneo de Zamboanga University: one for disaster risk management, and one is for help for the senior high school football team. Ang area po nila ay iyong na-affect ng Zamboanga Siege. So iyong question ko po: Saan po kayo humuhugot noong paniniwala na iyon, na gusto niyo talagang i-forward iyong youth sector? Gusto niyo po talaga na ma-elevate kung ano-ano iyong mga projects ang youth sector?

    VP LENI: Ako, actually, hindi lang youth sector ang may programa tayong ganoon, pero all sectors in general. Siguro ito, galing kasi ako sa NGO nang matagal, matagal akong nag-NGO. When I was a lawyer, I was working for an NGO called SALIGAN—Sentro ng Alternatibong Lingap Panligal—na iyong paniniwala iyong empowerment ng sectors. Iyong paniniwala, kapag iyong mga sectors naiintindihan kung ano iyong mga karapatan nila, they will be in a better position to fight for their rights. It’s creating an environment where everyone is empowered. It’s creating an environment where everyone—gaya noong sabi mo—naniniwala sa sarili, that you are never too young, too poor, too old, to make a difference.

    So iyong sa akin, noong pumasok na ako sa gobyerno—iyong pagpasok ko sa gobyerno, iyong pinakauna po, although I was also with PAO… Right after I passed the Bar, I worked for PAO, so iyon iyong gobyerno ko. Then I was in the NGO for so long. Then namatay iyong asawa ko. Iyon iyong biglang napasok ako sa politika; I became a member of the House of Representatives. Para sa akin, iyong lahat na ginawa ko doon, including the bills that I passed, were all for pushing for empowerment. Ito iyong empowerment in the sense na iyong paniniwala na if you create an environment na iyong mga sektor binibigyan ng pagkakataon na maniwala sa sarili, at binibigyan mo ng bala para magawa iyong paniniwala nila, o iyong kanilang gustong gawin, okay na sila.

    Gaya halimbawa, iyong ginawa natin for Angat Buhay Youth. Iyong pinaka-konsepto talaga ng Angat Buhay Youth is to create a hub for students to have deeper and more meaningful conversations para makapag-isip ng mga proyekto na matutugunan iyong pinakamalaking mga problema sa ginagalawan. Halimbawa, iyong Angat Buhay Youth for Mindanao was all about thinking, pitching for projects that will promote a culture of peace and stability in the region.

    Iyong sa akin, ganoon din, iyong paniniwala na mag-create ka lang ng environment na ganoon, i-capacitate mo iyong lahat, and mag-i-step-up lahat. Hindi iyong naniniwala na… ako iyong politiko—even my husband was of the same belief—na karamihan kasi sa mga politiko, lalo na iyong local, ‘di ba, iyong parang masyadong grabe iyong patronage. Parang iyong binibigay iyong lahat to get, you know, to get the trust and paniniwala ng constituents. Pero iyong paniniwala kasi namin, kapag ganoon na klase ng politika ang ipinairal mo, kapag wala ka na, wala na din. Pero iyong paniniwala namin na habang nandiyan ka pa, ika-capacitate mo na iyong sektor kasi dadaan ka lang. Hindi mo titingnan ito na pangmatagalan mong gagawin. Na pagkatapos ng term na binibigay sa iyo ng batas, freely makakabitaw ka kasi alam mo na iniwan mo iyong mas lasting na, ano iyon, na legacy. Na kinapacitate mo iyong sectors. So kahit wala ka na, kaya na nila. Naibahagi mo na iyong paniniwala mo.

    My husband was like that. When my husband was still alive, I used to hear him say, “Dadaan lang tayo, kaya siguraduhin na natin na iyong mga institusyon na iiwan natin, maayos. Na iyong mga tao naturuan natin na mas maging mahusay pa sa atin.” Parang ikaw iyong leader na naniniwala na iyong nakapaligid sa iyo, mas mahusay sa iyo. Na ikaw iyong matututo sa kanila. Na hindi lang ikaw iyong matututo sa kanila, pero sila iyong may maibabahagi sa iyo. Kasi iyon iyong klase ng constituency na susulong sa atin; hindi iyong constituency na “ako lang iyong mahusay, kayo lesser mortals.” Dapat ganoon iyong klase ng leader, na “siguro mahusay ako kaya niyo ako hinalal, pero mas mahusay kayo. Mas marami kayong alam kaysa sa akin, kaya pagtulungan natin itong lahat para mapabuti.”

    So iyon iyong hugot. Iyon iyong hugot kaya iyong mga klase ng proyekto ganoon din.

    MODERATOR: Senator Bam?

    SEN. BAM AQUINO: Well, for TAYO, we’ve run tayo since 2003, so it’s a long-term program. Ma’am has, of course, helped us with TAYO in the last few years. Iyong experience ko kasi bilang isang youth leader—I’m putting myself in your shoes—kahit noong nasa student council pa ako, lagi na lang… grabe kasi iyong bias sa kabataan. If you look at the news, it’s always—but Ma’am, even noong time ko in the ‘90s, ha—I think the youth is a favorite punching bag ng media, sa totoo lang. It’s about drugs, it’s about video game addiction… sa mga mahihilig mag-DOTA dito, palagi tayong tinatamaan. It’s always consumerism. Very few positive news about the youth. Even now, ‘di ba? Very few.

    Pero in my experience as a youth leader, eventually in NYC, lahat ng sulok ng Pilipinas—kahit kasulok-sulukan ng Pilipinas—may youth group na tumutulong. May youth group na nag-o-organize. Even if it’s just seven young people, working on something very simple, you’ll find… in fact, some of them don’t even think of themselves as organizations; barkada lang. Pero may ginagawang mabuti. At iyong mga natutulungan nila, malaki iyong impact doon sa mga natutulungan nila. And I just felt, at the time we were doing TAYO, hindi iyon nakikilala. In fact, even now na may social media tayo, I still think hindi pa iyon nakikilala, because many of the groups here are doing great projects, pero kilala lang iyon sa Ateneo de Zamboanga, kilala lang sa Zamboanga City. But iyong mga ganoong klaseng kuwento need to be told all over the Philippines, and to be honest, all over the world dapat. So iyong simpleng hugot lang doon was that I know for a fact that in almost every area in the Philippines, mayroong youth organization na gumagawa ng proyekto na maganda. And when we put up TAYO, we felt that there are too many awards for individuals, there are too many awards for the single leader or talented person or intelligent person, but no one is giving enough credit or recognition doon sa mga grupo na nagsama-sama para may gawin na bagay na maganda.

    Lastly, about TAYO, if you look at the profile—kasi we’ve been studying this for the past, I think, 15 years na—iyong profile ng mga kabataan sa TAYO, definitely magaling sila, but to be honest—and I mean this in the best way—they are average young Filipinos. Hindi sila iyong necessarily—of course mayroon naman, pero hindi sila iyong necessarily lahat mga valedictorian, hindi lahat mga athlete, hindi lahat super talented. They are composed of your average Filipino, and that’s what we love about it, because ibig sabihin noon kahit sino sa atin, kung gusto talaga nating tumulong, makakatulong tayo. And we wanted to highlight that—that if these young people can do so much in education, in agriculture, in peace-building, in youth and sports, in health, then I think everyone can also be the same way. Iyon iyong aming hugot when we put up TAYO many years ago.

    MODERATOR: Again, Sir—ay, Kuya Bam—I repeat: we have two entries for TAYO Awards.

    SEN. BAM AQUINO: Have you passed the area finals? Hindi pa?

    MODERATOR: Hindi pa po kasi kaka-deadline pa lang.

    SEN. BAM AQUINO: So I don’t judge the area finals, guys, so if ever, hope to see you in the national finals.

    MODERATOR: Yes… Ma’am Leni, mayroon din po tayo from the Ateneo Center for the Culture and Arts, mayroon din po tayong nanalo sa Angat Buhay Youth.

    Ayon. With every leadership journey, I believe mayroong challenges, it’s inevitable. So sa pag-come up niyo with programs like Angat Buhay, TAYO Awards, what are the challenges na na-encounter ninyo with conceptualizing the program, looking for stakeholders, possible people that will help the program, etc.?

    VP LENI: Kami, parang iyong challenges sa amin, mula umpisa. Kasi iyong pinakaunang challenge, kung titingnan natin iyong nature ng Office of the Vice President, wala talaga siyang mandato to do programs; ceremonial lang talaga siya. Talagang iyong sinasabing “spare tire,” totoo iyon. Spare tire. Walang— Kung titingnan mo ang budget, wala siyang budget for programs. Pero we didn’t want to do just ceremonial work for six years, so even before the inauguration—ewan ko kung napansin niyo lahat na staff ko, bata; pareho kami ni Sen. Bam, staff namin bata, ako lang ang matanda sa opisina [laughter]—kinausap ko na sila. Sinabi ko na we can’t do six years doing just ceremonial work, so let’s conceptualize a program. Iyong sa akin, parating anti-poverty kasi that is where I was coming from, iyong SALIGAN work.

    So gusto namin anti-poverty, pero wala kaming pera. So kailangan… Paminsan iyong kahirapan, iyon iyong makakabuti sa atin, kasi we’re forced to innovate, we’re forced to be creative, we’re forced to think out of the box. Wala kang suporta, so paano mo gagawin? So we decided to position our office as a sort of a conduit between communities needing help and organizations wanting to help.

    Mahirap din siya. Mahirap siya because of my position sa political landscape. Halimbawa, maraming gustong tumulong, pero ayaw makita kasama namin, kasi baka mapag-initan. Iyong ganoon. Mahirap iyon for us because we don’t want to implement by ourselves; gusto namin kami lang iyong nag-aayos, kami iyong nagga-groundwork, pero iyong organisasyon pa din o iyong kumpanya pa din iyong bababa with us to implement the programs. Masuwerte din kami na kahit maraming ayaw ma-identify sa amin, mas marami gustong tumulong. So without any government support, we were able to—after one and a half years—we’re able to implement 252 million [pesos] worth of projects in the poorest of the areas that we’re in. Pero marami pa rin talaga iyong “tutulong kami pero huwag sasabihin na tumutulong kami sa opisina niyo, kasi ayaw namin…” Iyong mga ganoon. Ayaw na makikita.

    Halimbawa— Problema din namin, kasi sometimes kahit nandiyan iyong private organization, kailangan mo pa din iyong ahensya ng gobyerno. Kailangan mo pa din iyong DSWD, kailangan mo pa din iyong DA. Kapag nalalaman na na opisina ko iyong humihingi ng tulong, ayaw nang tumulong. Ano iyon, hindi lahat. Mayroon din namang mga ahensyang tumutulong, pero halimbawa… sulat ako nang sulat sa isang ahensya ng gobyerno, kasi marami akong nakikitang problema sa mga pinupuntahan—ang pinupuntahan namin malalayo. Halimbawa dito sa area ninyo, ang area namin dito iyong Lamitan saka Sumisip in Basilan. Area namin iyong Siayan in Zamboanga del Norte. Area namin iyong Ipil in Zamboanga Sibugay. Marami kaming nakikita na dapat sana tulungan ng gobyerno, kasi hindi na kaya ng tulong ng private. Ang dami na naming sulat, pero hindi kami pinapansin. Iyong mga ganoon.

    Pero ang sabi kong dapat mindset sa office, sige lang tayo nang sige. Parang hindi natin gagawin iyong mga setbacks na ito para wala tayong magawa. Kung nasa daan tayo at mayroong roadblock, hanap na ng ibang daan. Pero huwag nang magsayang ng panahon na umiyak kasi mayroong roadblock. Kung mayroong roadblock dito, hanap na ng iba.

    Iyong sa akin naman, iyong focus. Iyon iyong parati kong sinasabi, na kahit naman nasaan ka parating may kahirapan. Pero kung iyong focus mo iyong end, parati kang maghahanap ng solusyon. Parating kinakausap ko iyong staff namin na, “Huwag tayong puro emosyon, ha. Sa trabaho natin hindi dito puwede iyong feelings. Hindi dito puwede iyong ego.”

    Kasi ako, Vice President nga ako, pero maraming beses hindi ako welcome. Maraming beses na hindi ako imbitado. May mga beses na imbitado pero dini-disinvite ako. Pero gagawin ko ba iyon na dahilan para magmukmok ako? Siyempre hindi, kasi mas marami iyong nangangailangan sa atin.

    So iyon iyong gusto nating mindset, na sa buhay ganoon naman, marami kang gusto na hindi mangyayari, pero paminsan, parang, with the benefit of hindsight, parang, iyon pala iyong nakabuti sa iyo. So iyon iyong gusto nating ipa-impart na klase ng mindset sa mga bata, na bahagi na ng buhay iyong kahirapan pero kapag hindi puwede ito, hanap na lang ng iba. Huwag nang mag-dwell sa mahirap.

    SEN. BAM AQUINO: So ibig sabihin, Ma’am, may niligawan kayo, tapos nabasted kayo, good iyon for you?

    VP LENI: Oo, kasi gustong sabihin baka may mas okay na naghihintay. [laughter; audience cheers]

    MODERATOR: All right , guys…

    SEN. BAM AQUINO: Ano nga iyong tanong ulit? [laughter] Iyong challenge, tama. I guess to keep this short, iyong biggest challenge sa TAYO is ang tagal na niya—15 years na, I think magsi-16 years na—How old are you? 16? Ibig sabihin noong TAYO 1, one-year-old ka. That’s how long the program is, and in many ways, iyong development ng TAYO is a… para siyang talambuhay ng kabataan ng Pilipinas. Noong first year namin, everything was done through paper. Karamihan ng programa were on education and health. Now everything is done electronically; mayroon ka nang category na social enterprise, mayroon ka nang category na access to technology. A lot of the work has a lot of online component now. In 2003—oh, wow—as in hard, lahat old-school organizing. Mayroon pa rin niyan, but you can see there are so many changes. Ang takot namin is we would not be able to evolve with the times, so the challenge of TAYO is always being relevant, because the youth is also evolving. Kailangan nasasabayan mo siya.

    For example, before—I think TAYO 4—mayroon tayong programa about students teaching teachers how to use the computer. Ngayon I’m sure lahat ng teachers niyo alam kung paano gumamit ng computer, more or less, so hindi na iyon relevant. But now, two years ago, it was young people helping PWDs na maging call center agent or outsource agents, because hindi issue iyong kapansanan doon sa ganoong klaseng trabaho. So may mga similarities pa rin, but it’s just very different. So that’s really more of the challenge now.

    MODERATOR: So I think… thank you, Ma’am and Sir, for your answers. Let’s open the floor—the floor—for our students to ask questions kay Ma’am Leni and kay Sir Bam. I think it’s fitting, since nabanggit ni Sir Bam iyong part ng student council, having the magna carta, let’s call the president of the El Consejo Atenista student government to ask for tips kung paano nagawa ang Magna Carta. Okay, go, Alex.

    SEN. BAM AQUINO: Hi, Alex.

    STUDENT 1: Hi po, good afternoon, VP Leni and Sen. Bam. Currently our main challenge po is the drafting of a magna carta, and the content, because we would really like to cater to the needs of every student, make sure that their rights will be protected by that document. Iyon lang po, Sen. Bam, maybe tips lang po on drafting it, and how to connect with the students, so that we know what to do.

    SEN. BAM AQUINO: Is it harder to connect to the students, or to connect to the admin?

    STUDENT 1: To the admin po. [laughter]

    SEN. BAM AQUINO: Ayan si Father. [laughter]

    Well, parang legislation iyan, you have to be open to compromise. So going into negotiations, dapat alam mo iyong non-negotiable. But everything that is negotiable, try to find a middle ground, because all your teachers naging student rin naman iyan, naging student leader rin naman iyan at some point. Maybe just a few years ago? [laughter] Ah, last year lang. Hindi pa nakakalimutan iyong pagiging student leader, so marami kang kakampi sa admin. And you know, my take is, most everybody—iyong inyong student affairs, COSA, even the priests—they all came from the same line of student activism, so hindi mahirap kausapin iyan. There are just some things, for example, when we were crafting the magna carta back in 1998, mayroong mga suggestions iyong mga admin na tinatanggap namin, na kapag usapin ng pera, may transparency, but because it’s a private school, iyong board iyong nagde-decide. Kapag usapin na anything na concern ng mga students, aside from the tuition—like mga kapag may nasu-suspend o naki-kickout… ano nga iyong tawag doon… disciplining, even curriculum—mayroong role iyong student council in governing body. But we agreed, na dahil nga private school, hindi kami kasama sa usapin ng tuition pero may transparency. So that was something we were willing to negotiate towards.

    If I’m not mistaken, that was the only big thing na kinailangan namin mag-compromise. But everything else, more or less, alam naman nila. And to be honest, it’s also better for the school kapag malinaw sa mga estudyante iyong rights nila. Like any law, kung mas alam mo iyong mga batas, kung mas alam mo iyong mga hangganan, hindi magiging arbitrary iyong mga bagay-bagay. So my suggestion is try to find out what are your non-negotiables, what are the things that you can talk about with the admin. I think you’ll find out that 99 percent of the document, you can agree on right away, and there’s five percent na baka kailangan niyo lang ng mas masinsinang usapan.

    And second practical tip: get the support of some of the teachers who, you know, medyo nanggaling rin sa sector, to help you also bridge iyong mga concerns. But don’t go into it na contentious kayo kaagad, kasi it won’t work kung nag-aaway. Mas maganda kung klaro sa parehong panig na, “Mayroon tayong gustong maabot dito, para sa eskuwelahan, para rin sa mga estudyante.”

    May I ask, are you willing to share with us, ano iyong pinaka-contentious na part? Or gusto mo pag-usapan na lang natin mamaya?

    STUDENT 1: Maybe the contentious parts would be able the financial aspect…

    SEN. BAM AQUINO: Tama ako doon sa financial…

    STUDENT 1: Kasi mahirap on our part to demand, and yes, you’re right when you said this is a private organization. Iyon lang po, financial.

    SEN. BAM AQUINO: So what we agreed on back then, and I think… in fairness hindi pa rin nagbabago in 18 years, ano? [laughter] I guess we can ask for transparency. So at least alam noong mga tao. But my take is, since it’s a private university, it has its own board, the board will decide on those matters. So that’s my simple suggestion.

    STUDENT 1: Thank you po.

    MODERATOR: Any more questions sa likod? May mga gusto kayong tanungin?

    SEN. BAM AQUINO: Maybe we can open the questions also to the teachers who are here. Baka the teachers want to ask questions also?

    STUDENT 2: So this question is for Senator Bam, out of all the laws that you have passed, what is your most favorite part? [laughter]

    SEN. BAM AQUINO: What is my favorite or most important one? [laughter] Magkaiba iyon e. Iyong favorite ko was my first law—iyong Go Negosyo Act of 2014. Favorite because it’s your first law, ‘di ba? We wrote that, we consulted with the sectors. As some of you may know, iyong background ko kasi after NYC, I went to social enterprise. In fact, I gave a few talks here on social enterprise. So a lot of the campaign promises ko was fulfilled through that law, which is to create centers all over the Philippines to help Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs). Zamboanga City nasa Negosyo center, if I’m not mistaken. So sa mga aspiring entrepreneurs, puwede kayong humingi ng tulong doon. It’s probably at the DTI office of the City Hall. So that’s my favorite because it’s your first, noong napasa siya, noong na-pirmahan siya, parang, “Wow. May nagawa na ako!” Iyon ang feeling mo ‘di ba. [laughter]

    But the most important one, I think, is the one that will affect iyong AdZu, which is the free tuition for SUCs. Bakit? Because as we were going around the country, iyong lahat ng binabanggit sa akin when we go to school communities, laging binabanggit, “Senator Bam, iyong pangarap ng pamilya namin ay may isa kami na maka-graduate.” And when you go to our SUCs, you will find out that many of them there ay first in their family na nakatuntong ng college. And I think, it’s still the common dream of many Filipinos na mayroong isa sa pamilya na makalampas o maka-graduate. Up to that point, we were already subsidizing 80—75 to 80 percent—of the cost of our public school system college and iyong natitirang 25 percent, hirap na hirap pa rin iyong parents. We had cases na iyong parents na kapag kulang iyong tuition, uutang sa 5-6, mga estudyante—mayroon ba ditong mga part-time student? Wala? Okay, isa. Iyong nagbebenta ng bagay bagay na patago na… [laughter] Si Ma’am noon. Halo halo iyan, from load to pirated CDs and DVDs. [laughter] We will find different ways just to be able to pay for school. So nasabi rin nila, “Senator Bam, hindi na kami naka-focus sa pag-aaral. Ang focus na namin papaano mag-raise ng pera para hindi kami ma-kick out.” So I think that would probably be the most important law that we’ve passed.

    The most urgent law is the bill that VP Leni is also supporting, which is the Bawas Presyo Bill. Ano ito? Simple lang. We had the TRAIN Law passed in December of 2017. One of the provisions of the TRAIN Law or the Tax Reform Act is the increases now in excise tax on fuel. So tatlong beses na pagtaas ng ating buwis sa diesel, sa gasoline, sa kerosene. We had the first increase in January. We will have a second increase in three months—in four months—tama ano? Four months. And we will have another increase in 2020. Now, magtanong-tanong kayo sa mga kasama niyo sa bahay, kasama niyo sa community, magtanong-tanong kayo sa ibang personnel, sila mismo magsasabi: sobrang taas na ng presyo ng mga bilihin. Dito nakita niyo sa bigas. Earlier, sinabi sa amin ni VP Leni, iyong sardinas daw na 12 pesos…. nagulat ako kasi alam ko na dapat mura ang sardinas sa Zamboanga ‘di ba? Iyong 11 [pesos] nasa 15 [pesos] na. Sa Manila, 18 to 19 pesos iyon—apat na piso iyong difference. Mayroon bang management students dito? Economics students? Okay, so you know that a 40 percent increase, 11 to 15 [pesos], that’s like a 35, 37 percent increase within a few months’ time, you know that’s not normal, ‘di ba? Usually magtataas ang presyo sentimo-sentimo iyan. This year, we experienced a 40 percent increase, sardinas pa lang iyan. Iyong gulay mo, dumoble. I mean, ganiyan iyong paglaki ng presyo, ano.

    So iyong Bawas Presyo Bill, hopefully, will address that by stopping or suspending the increases in our taxes. Because iyong taxes po, that’s up to us, that’s up to our government. Huwag na nating dagdagan pa iyong problema ng tao by increasing the taxes again in four months habang wala pa tayong solusyon dito sa batas sa presyo. So that, I think, is the most urgent and hopefully, we will be able to find a way to get a version of this passed before the increase in January.

    Ikaw, Sir, ano ba ang pangalan mo, Sir?

    STUDENT 2: Edgar.

    SEN. BAM AQUINO: Edgar. Nabasa mo iyong aming pamphlet diyan na may passed laws diyan, although 16 pa lang ata iyan. Ano sa tingin mo, may paborito ka ba diyan? [laughter] Ngayong alam mo na iyong paborito ko, ano ang paborito mo?

    STUDENT 2: Iyon po, iyong sinabi niya sana i-implement po, I think that’s very useful po.

    SEN. BAM AQUINO: Kung mayroong batas na puwedeng mai-pasa, kung mayroong batas na gusto mong ma-implement ngayon, ano iyon? O isang pagbabago na gusto mong makita? Ano iyon?

    STUDENT 2: Siguro po as… since marami naman pong binigiyang ano po… I think, much better po kung mas i-empower po iyong mga… iyong for visiting sites sa mga islands of the Philippines, not just Zamboanga, but other places as well. Mas maganda po kapag pinapalaki iyong… I think, mas mainam pona pino-protektahan iyong bansa para mas tataas po iyong employment rate, bababa po iyong unemployment rate.

    SEN. BAM AQUINO: So tourism. Yes, thank you, thank you for that.

    That’s something very good, ano. In fact, one of the thrusts now is really a sustainable tourism. Thank you, Edgar. Salamat.

    MODERATOR: Okay, so, we have a question from the debate union President.

    STUDENT 3: Good afternoon po. I have questions for both. First to Senator Bam, you mentioned earlier that the climate na mayroon tayo ngayon in terms of discourse is not really productive per se. So coming from the AdZu debate union, and as a member siguro of the debate community, we just want to ask siguro, since we advocate in certain levels na, of course, we believe sa power of discourse and we advocare for people to actually engage in a productive sort of conversation. But despite what’s happening right now, do we still find relevance in our existence as a debate organization or parang how do we persist with the, which I think also, affects… parang can we still persist with the kind of discussion that we want to push?

    SEN. BAM AQUINO: Ipapasa ko sa abogado iyong tanong. [laughter]

    VP LENI: Ang sagot ko, of course, we have more reason now than before. Kasi in an atmosphere where free speech and iyong discourse [have] been curtailed, we have more reason na dapat iyong mga kagaya ninyo, mas nilalakasan iyong loob na kumontra sa agos. Kasi ito, hindi lang sa akin pero historically, iyong mga authoritarian regimes, iyong mga dictatorship, nangyayari iyan kapag ayaw na nang tao mag… kumontra. Ayaw nang ipaglaban kung mayroong mga paniniwalang maayos, ayaw nang bumoses. Sa ganitong mga panahon, ito iyong mga kailangan natin—iyong mga malalakas iyong loob, na despite the unfavorable conditions, hindi pa din nagpapatalo—hindi naman makikipagaway—pero sinisiguro mong magiging relevant pa rin iyong boses at magiging relevant iyong discourse. Kasi kapag umayaw tayo, lalo nating in-e-embolden iyong mga gustong i-curtail iyong mga boses na lalong binibigyan ng dahilan na, “Effective pala iyong pagpapa-takot. Kaya lalo nating gagawin kasi dahil doon sa ginawa natin, hininaan nila iyong mga boses nila. Hindi na sila umimik. Ito pala iyong effective na paraan.”

    Iyong pinaka… ang parati ko diyan, ito, alam ito ni Senator Bam, iyong parati kong frustration iyong mga pulitiko e. Iyong parang, kapag nagsasalita ako, hindi ako pulitiko. [laughter] Iyong kami, iyon iyong biggest frustration ko kasi ang pakiramdam ko, tayo sana iyong nasa posisyon para bigyan ng boses iyong mga maliliit. Tapos tayo pa iyong nanghihina iyong loob na makipaglaban. Makipaglaban in the sense na… hindi makipaglaban na makikipaglaban. Pero iyong makikipaglaban na hindi hinahayaan na hindi maririnig iyong boses. Kasi iyon din iyong pinaka… siguro iyon din iyong pinaka-lesson ko na… lesson because of the example na nakita ko before from my husband and from many other people na nakasalamuha ko, na may mga pagkakataon na hinihingi sa akin na magpakatatag e. Ang pinaka-madali kasing gawin ay iyong sumabay sa agos. Iyong pinaka-mahirap na hindi mo naman lalabanan iyong agos pero just to stay put kapag iba iyong direksyon, mahirap iyon e kasi marami kang nari-risk na mga bagay. Pero again, historically, makikita natin na iyong mga taong hindi nagpadala sa agos, iyon din iyong mga nagsalba sa atin. Dumadaan lang siguro iyong pagkakataon kasi it takes a while for things to be ripe. Mayroong mga pagkakataon na madaling… parang nakakahina din siya ng loob minsan na parang, “Ano ba iyan. Ang dami nang kasamaan na nangyayari tapos walang bumoboses.” ‘Di ba parang ang bigat sa pakiramdam? And the easiest thing to do is just to be quiet.

    Pero iyon nga e, my children are also debaters. Tingin ko, ito iyong panahon ninyo e. Ito iyong panahon ninyo na… ‘di ba, iyong sinasabi ni Senator Bam kanina noong activity na iyong mga bata iyong tutulong sa mga teachers? Feeling ko ito rin iyong panahon para iyong mga bata iyong mag-turo sa aming matatanda na… to set an example na iyong pagmamahal sa bayan pinapakita sa standing up for what you think is right. It is just so easy to be quiet and just wait for things to unfold. Iyon iyong madali e. Pero to stand your ground, that’s the more difficult thing but… we need you now in times like this. Kaya sana hindi kayo mawalan ng pag-asa. Ganoon din iyong mga abogado… iyong mga law students ngayon, kapag naiimbita ako, ito din iyong tinatanong: may saysay pa ba iyong inaaral namin? na nakikita namin na niyuyurakan iyong rule of law, at bakit pa kami nag-aaral? Pero iyong sagot nga doon, kaya nga kayo nandiyan para kayo iyong, alam niyo iyon, kayo iyong umiba—kayo iyong maging iba sa agos na nangyayari. Kaya sana, sana ano, sana huwag kayong mawalan ng pag-asa.

    SEN. BAM AQUINO: What’s your name again, sorry?

    STUDENT 3: Devora.

    SEN. BAM AQUINO: Okay, Devora. Kung hindi mo gusto iyong sasabihin ko, nagj-joke lang ako. Pero kung gusto mo, seryosohin mo. [laughter] Hanap ka ng puwede mong gawin. Why not sa next debate competition niyo mayroon kayong category na troll debate? Okay. Tapos gamitin niyo lahat noong style ng mga trolls to each other para ma-expose niyo sa mga tao iyong ginagawa ng mga trolls ‘di ba? So you can make it like an add on to competition. So kunwari, may topic kayo tungkol sa—ano bang magandang topic ngayon—kunwari ano, education, ‘di ba, education. Iyong isa magsasabi, start ako na, “Education should be free for everyone.” Iyong isa sasabihin niya, “E paano iyong livelihood?” iyong mga trolls ‘di ba? na parating “E paano iyong ganiyan?” [laughter] Tapos, “Ito, bayaran naman ng mga private school e,” mga ganoon. So gawa kayo ng part ng debate competition just to expose it, ‘di ba? So people will know ano ba iyong ginagawa ng mga troll para manlinlang, ‘di ba? Maybe you can do it for laughs but I think the audience will be educated kung ano ba iyong mga falllacious arguments na ginagamit nila online. So it will be your first debate competition na iyong may pinaka-maraming fallacy iyong mananalo, hindi matatalo, ‘di ba. Before you know it, ako ang magja-judge diyan. [laughter] Na-master na namin iyan, na-master na namin iyong panlilinlang nilang iyan.

    Pero you know, honestly ha, there was a study that came out. Iyong age group na pinaka-susceptible to fake news is not the youth. It’s actually 35 to 50 [years old], ‘di ba? 35 to 50. Iyon iyong pinaka-susceptible sa fake news. Iyong mga kabataan, mas mataas iyong pang-amoy ninyo sa peke. I mean.. and it makes sense ‘di ba? So tama si Ma’am. Baka nga it’s time na iyong mga kabataan na iyong magtuturo sa mga matatanda na, “O wala, style lang iyan to divert iyong usapan. Style lang iyan para malihis iyong totoong topic at malihis iyong… ad hominem attack iyan. Ad hominem attack iyan. Hindi talaga logic iyong ginagamit natin.” So maybe, through your organization… In fact, your organization would be in the best position para mag-roadshow tungkol sa social media literacy, anti-trolling, ganiyan, because kayo talaga iyong may alam kung ano iyong tamang paraan ng pagdi-diskurso.

    Lastly, sana we can transition from discourse to dialogues kasi in our world, it’s not really discourse that works e kasi iyong iyong discourse, especially today, may panalo at may talo. Iyong dayalogo, we try to end up na lahat panalo. So I know that the format of a debate comepetition is really discourse but maybe you can also try to push for better dialogue, especially among people who don’t agree… We can disagree with someone and still respect the person. That used to be the norm. “Kahit hindi ako nag-a-agree sa iyo, magkaiba tayo ng panig sa education, mas gusto mo na ang gobyerno ang nagbabayad ng lahat, mas gusto ko na ang private sector.” For example, puwede tayong mag-disagree pero may respeto. When we put it to a vote, Congress man o Senate ang manalo, we will work towards the winning policy to be (inaudible). Ngayon, masamang tao ka, mas masamang tao ako. So maybe that’s also something you can look at—how does dialogue… usually sa mga conflict resolution, peace-building, it’s not discourse, it’s dialogue that we need.

    STUDENT 3: Thank you.

    MODERATOR: Last but not the least, question po from my fellow faculty. Okay, Ms. (inaudible).

    FACULTY MEMBER: Hello, magandang hapon po sa inyong dalawa. Ito pong tanong ko ay maaring sa inyong dalawa. Actually, dalawang tanong po, oo, totodohin ko na ito. Anyway, so iyong una is mayroon ba tayong batas o aksyon dito sa mga taong PWD na, OSY pa, tapos marginalized pa. Alam niyo iyon? Parang ganoon po. Pangalawang tanong is, napakaganda po na batas na free education law, napakaganda po talaga. At nagpapasalamat po kami na mayroong ganoon. Ang tanong ko po ay kung mayroon po sa mga state universities, mayroon din po ba ito para sa mga private schools? So parang free tuition and free miscellaneous for students who are studying in private schools? Maraming salamat po.

    SEN. BAM AQUINO: Sige, ako na sa national education tapos si Ma’am na po doon sa laylayan question. [laughter] Iyon na nga, PWD, OSY, laylayan.

    Actually, iyong batas po natin—Universal Access to Quality Tertiary Education Act—may two components: there’s the free tuition and miscellaneous fees for SUCs and then an allocation of almost 17 billion [pesos]. So the free tuition is about 24 billion [pesos] for SUCs, allocation for scholarships for private students, private schools, 17 billion [pesos]. So hindi ho lang

    ho iyon para sa SUCs. The problem is that the distribution noong 17 billion [pesos] is usually done through the congressmen, senators, and the politicians. What I would prefer and this is something we will be proposing sa budget is allocation siya per school. Much like in the US and other countries, scholarship programs are not allocated to politicians but are allocated to the schools. So may sila i-compute kung papaano iyong scholarship rate, iyong amounts per school, and if the maximum amount matches that total allocation for SUCs. So kunwari si SUC mo ay 8,000 [pesos] iyong makukuha—let’s say, 8,000 pesos tuition and 8,000 miscellaneous—mayroon kang 300,000 [pesos] na puwedeng i-avail ng schools and that’s already in place. And there’s 17 billion pesos allocated for that, 24 [billion pesos] for the SUCs and 17 [billion pesos] for the private schools. Iyong problema ko sa 17 [billion pesos] is how it is distributed kasi naka-allocate pa rin siya through the congressmen’s office, through the senators, mayors, and governors, etcetera. I would prefer that allocated siya per school so that the school standards—the government and the school standards puwedeng magsama para mapili talaga iyong mga estudyanteng deserving.

    So when we crafted the law, we worked with the private sector and there was an allocation there. I’m guessing hindi niyo nararamdaman iyong allocation na iyon sa AdZu and that’s probably the problem. But it is budgeted and the 17 billion [pesos] that the private sector can avail. So kailangan lang sigurong ayusin iyong distribution.

    VP LENI: Laylayan. [laughter] Ito, gusto ko siyang sagutin sa… mayroon siyang mga batas pero hindi sapat. Hindi sapat iyong mga batas na mayroong mga tinututulak, maraming mga batas na tinutulak. Pero tingin ko kasi more than the dearth of the laws on PWDs, OSYs, and the marginalized, mas iyong problema talaga iyong mindset ng gobyerno. Halimbawa, maraming mga programang ginagawa iyong gobyerno. May template iyong kanilang mekanismo. Halimbawa, example ko nito iyong mga feeding programs for malnourished children. Kapag pumunta ka sa isang LGU, lahat ng LGU mayroon siyang feeding program e. Mayroong feeding program pero tingnan mo kung ano iyong metric niya to measure accomplishment. Ang parati mong makikita, “1,000 children fed.” Para sa akin, nandito iyong mali e. Kasi iyong activity should not be the metric. Iyong metric, ilan ba iyong natanggal mo doon sa mga malnourished, ‘di ba? Same with PWDs. Kapag pumunta ka sa isang LGU, hindi lahat pero karamihan, marami siyang programa actually for PWDs pero very cosmetic. Again, kapag tiningnan mo iyong accomplishment report, kapag tiningnan mo iyong metric, parating nakalagay na iyong activities pero hindi nila sinasabi kung nai-ahon niyo ba iyong PWD sa kahirapan or natulungan niyo ba iyong PWD sa kaniyang mobility? Nabigyan ba iyong PWD ng pagkakataon na ma-enjoy iyong karapatan na kagaya ng hindi PWD. Hindi mo iyan makikita sa metrics e. Parating iyong accomplishment, kung ano iyong activity na ginawa and I think, this is where… this is really the reason why many programs are failures. Kasi gumagastos tayo ng pera, ang dami nating activity, pero hindi tayo after sa baselines, hindi tayo after sa nasusukat ba iyong accomplishment kung saan napupunta iyong… hindi lang iyong pera ng gobyerno pero iyong energies ng mga gumagawa noon, hindi e. Parang mas after tayo sa iyong nasa ginawa. And I think, this is where it has to change. It’s not, kahit pa mag-pasa tayo ng sobrang daming batas, kung hindi naman nababago iyong mindset, wala talaga e.

    Kaya iyong sa akin lang, iyon iyong parati kong in-e-emphasize sa aming Angat Buhay program na huwag niyo akong bilangan ng number ng na-feed natin. Sabihin niyo sa akin ilan ba iyong natanggal natin out of malnutrition at ilan iyong na-sustain natin. Now, after six months of feeding, ilan ba iyong bubuti? After one year of feeding, mayroon bang nag-retrogress? Mayroon ba talagang nai-ahon na? Iyon dapat iyong sukat. Pero until hindi natin napapalitan iyong sukat na iyon, wala talaga. Halimbawa, kapag nakita mo, ano iyong usual na programs for PWDs? Bibigyan ng wheelchair, bibigyan ng assisted devices, okay naman iyon. Okay iyon. Pero ‘di ba dapat that should be just the means of achieving the end that you want. Ano iyong end na gusto mo? Ang end na gusto mo, na tulungan mo iyong PWD na maging mas normal iyong, despite the disability na mayroon siyang equal access to education, mayroon siyang equal access to employment, ‘di ba? Na iyong kaniyang mobility hindi hindered ng kaniyang disability. Dapat iyon iyong sinusukat natin.

    So ito, matagal na namin, as a family, matagal na naming in-a-advocate ito kasi iyong asawa ko, ang pinanggalingan niyang pamilya, mga bulag. My father-in-law is blind, every other sibling in the family is blind, pati iyong mga pamangkin namin. So sa amin, it is very personal to us. Pero very frustrating lang parati na parang hindi natatanggal iyong mindset na iyon. Even when my husband was still in the DILG, gumawa siya ng mga programa na parang in-i-incentivize iyong mga local government units na iba iyong mindset tungkol dito. Hindi lang siya nabigyan ng mas mahabang panahon. Pero ito din iyong gusto natin sanang i-push na hindi lang for PWDs, pati for pagtulong sa mga marginalized. Halimbawa, kapag tinanong mo iyong LGU, parati siyang maraming programa for livelihood. Napansin niyo iyon? Kung familiar kayo sa mga activities. Tignan niyo kung ano iyong mga programa sa livelihood, kadalasan mga training ‘di ba? Pero iyong accomplishment doon hindi iyong 1,000 women trained. Hindi iyon e. Ang accomplishment, ilan ba because of the training iyong nagkaroon ng sariling kabuhayan at naahon sa kahirapan, ‘di ba. Dapat iyon iyong sukat. Kasi kung iyon iyong gagawin mong sukat, hindi ka makukuntento na hindi siguruhin8 na maha-handhold mo iyong mahirap na maiahon siya sa kahirapan.

    So iyon iyong… babalikan ko lang iyong una kong sinabi: it’s all about empowerment e. Iyong tutulungan mong makapagsarili, hindi iyong ife-feed mo sila kasi hindi naman iyon makakatulong sa kaniya. Iyong ganoon. Pero you will create ang environment na kaya niyang… halimbawa, Mayor ako, kahit hindi na ako Mayor pero na-create ko iyong institutions, na-create ko iyong environment na binubuhay iyon, iyon iyong accomplishment. So iyong sa akin lang, halimbawa for livelihood trainings, kung mayroon man tayong mga kakilala na gagawa ng programa, sana hindi sukat iyong number of women trained, ‘di ba? Dapat iyong number of women na after natin ma-train, nabago mo iyong buhay nila kasi naiahon sila sa kahirapan. So sa akin, it’s all about mindset.

    Halimbawa sa OSYs, marami din. Organized lahat ng LGUs iyong mga OSYs—mga out-of-school youth—ano ba iyong mga programa for them? ‘Di ba? Ano ba iyong pinaka-target natin? Makabalik ba sila sa school? Makahanap ba sila ng employment? Pero iyong sukat, iyon. Hindi iyong nai-organize mo sila at tinrain mo sila, ‘di ba? Kasi kapag ganoon na iyong… kapag na-stuck na kayo sa mindset na iyon, hanggang sa katapusan nandoon lang tayo hanggang training lang tayo.

    MODERATOR: Okay, Ma’am Leni and Sir Bam, salamat po sa pagbigay oras—pag-laan ng oras para sa amin para mai-pahayag namin kung ano iyong mga aming nai-ambag na at iyong puwede pa naming i-ambag. Very meaningful sa sinabi ni Ma’am Leni iyong hindi sukatan kung ilan iyong pinakain mo pero sukatan kung ilan iyong nabago mo iyong buhay niya out of that program… At the same time, Sir Bam, very fitting and very connected iyong stories natin because you were once a student leader in AdMU and was once a part of the student government. So nandoon iyong… iyong simpleng ganitong conversation na-engganyo sila to step up their game, to move forward collectively, and not just as a single organization na, “Sige, mayroong advocacy tayo. Bahala na kayo.” Collectively, that when we connect these stories together, maganda iyong magiging outcome ng lahat ng ginagawa natin. So with this, maraming salamat for your time.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Sep 06, 2018