This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Statement of Vice President Leni Robredo on Recent Spate of Killings

    Nitong mga nakaraang linggo at buwan, kaliwa’t kanan ang balita ng patayan. Tila wala na itong pinipili, mula sa mga pari, mga kawani at opisyal man ng pamahalaan, hanggang sa mga tambay at kabataan. Nakababahala kung iniisip na ng iba nating mga kababayan na pangkaraniwan na ang ganitong karahasan sa ating lipunan. Papayag ba tayong tuluyang maghari ang dahas sa ating bayan?

    Buo ang paniniwala kong marami sa atin ay nakakaramdam na ng galit at pagkasuklam tuwing may bagong balita ng pagpaslang. Kaisa ako ng bawat Pilipinong naghahangad sa isang bansang malaya mula sa tahasang paggamit ng karahasan; isang bansa kung saan abot-kamay ang hustiya para sa mga biktima ng walang saysay ng pagpatay, anuman ang katayuan sa buhay.

    Mariin akong nananawagan sa mga awtoridad, lalo na sa ating kapulisan, na paigtingin ang imbestigasyon sa mga krimeng ito at gumawa ng agarang mga hakbang upang matigil ang tila sunod-sunod na patayan.

    Huwag nating hayaang humantong sa sukdulan ng kaguluhan ang kalagayan ng ating bayan. Sa panahon na ito, ang ating nagkakaisang boses ang panlaban natin sa kultura ng karahasan at patayan. Sa ating mga salita at gawa, ipakita natin ang tunay na mukha ng Pilipino: mapagkalinga, hindi marahas; may pagpapahalaga sa buhay ng kapwa, at hindi sa pagkitil nito.

    Posted in Press Releases on Jul 04, 2018