This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Sumilao farmers, nangako ng suporta para sa kandidatura sa pagka-Presidente ni Robredo

    Sumilao farmers, nangako ng suporta para sa kandidatura sa pagka-Presidente ni Robredo

    Noong 2016, tumulak ang Sumilao farmers mula Bukidnon papuntang Quezon City sa pamamagitan ng magkahalong pagmartsa at caravan sa 3,750-kilometrong rutang dumaan sa iba’t-ibang probinsya sa bansa para suportahan ang kandidatura ni Leni Robredo sa pagka-Bise Presidente. Nitong Miyerkules, ika-23 ng Pebrero, muling naghayag ng suporta ang parehong magsasaka mula sa Higaonon tribe para naman sa pagtakbo ni Robredo bilang Pangulo ng Pilipinas.

    Sa bungad ng Sitio Fatima sa Brgy. San Vicente sa Sumilao, makikita ang isang babaeng hawak ang banner na may pink na mga letrang nagsasabing: “Sumilao farmers for Leni to Malacañang”. Nakapila naman ang ibang mga magsasaka, suot ang mga pink na t-shirt at sumbrerong may pink na palamuti, para abangan ang pagdating ni Robredo, na talagang malapit sa kanilang puso.

    Pagdating ng presidential candidate, sinalubong siya ng mga kababaihan, at magkaakbay silang naglakad. Sumayaw ang mga bata para kay Robredo, habang ikinuwento ng ilang mga magsasaka kung paano umangat ang kanilang pamumuhay mula nang maging katuwang si Robredo sa kanilang mga suliranin.

    Noong 2007, naghanda ng Grand Salubong para sa mga Sumilao farmers ang yumaong si Jesse Robredo, na noo’y mayor ng Naga City, kasama ang kaniyang misis na si Leni. Nasa gitna ang mga Sumilao farmers noon ng kanilang paglalakad mula Bukidnon patungong Malacañang para ipaglaban na maibalik sa kanila ang kanilang ansestral na lupain. Bahagi naman ang Bise Presidente ng non-government legal group na Sentro ng Alternatibong Lingap Panligal (SALIGAN) noong panahong iyon.

    Tiniyak ng mag-asawang Robredo na nakakain nang maigi ang mga magsasaka at nabigyang lunas rin ang mga sugat na tinamo nila mula sa mahabang paglalakad. Sa pagkalingang iyon sa Naga nagsimula ang malalim na pagkakaibigan ng Sumilao farmers at ng Bise Presidente ngayon.

    Sa panunungkulan ni Robredo bilang Panglawang Pangulo, naglunsad siya ng 1.2 milyong pisong inisyatibo, katuwang ang Pilipinas Shell Foundation, Inc., na Integrated Farming and Bio-Systems Training para malinang ang 244 Sumilao farmers mula sa sampung barangay na mapalawak ang paggamit nila sa kanilang lupa at magtanim ng iba’t-ibang produkto na hindi lamang mais.

    Pinondohan din ng Office of the Vice Presideng (OVP) ang organic vegetable farming ng mga vegetable grower sa Sumilao; nagpatayo ng apat na silid-aralan sa Sumilao Elementary School at Sumilao Tribal School, at dalawang dormitoryo sa Sumilao National High School – Vista Villa Annex; at marami pang ibang mga proyekto para sa kabataan, pampublikong edukasyon, kalusugan, kababaihan, at rural development.

    “Iyong programa naman natin sa mga farmers ay hindi 'yun programa para sa eleksyon, pero matagal na kasi natin itong pinapakipaglaban,” pahayag ni Robredo. “Marami na, pero marami pang pinapangarap.”

    Pumirma si Robredo at ang Sumilao farmers ng kasunduan kung saan nakasaad ang plano ng kaniyang administrasyon para sa mga magsasaka at mangingisda kapag nanalo sa eleksyon.

    Kabilang sa sampung punto ng kaniyang adhikain ang planong baguhin ang kaisipan ng pamamahala sa repormang agraryo at agrikultura na inuuna ang pagsuporta sa lokal na produksyon kaysa sa pag-angkat ng mga dayuhang produkto; maglaan ng sapat na pondo at magbigay ng komprehensibong suportang panlipunan para sa pagpapabuti ng mga repormang agraryo at agrikultura; at tiyaking ipatutupad ang Philippine Action Plan for Family Planning ng mga ahensya na nagsusulong ng karapatan at kapakanan ng mga magsasaka sa agrikultura.

    Isusulong din ni Robredo ang agarang pagsasabatas ng National Land Use Act; pag-alis sa mga sagabal sa agarang pamamahagi ng humigit kumulang 500,000 ektaryang lupang agrikultural na saklaw ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa mga magsasaka; at pagrebisa sa Rice Tarrification Law na maging mas kapaki-pakinabang at magsilbi sa pangunahing interes ng karapatan ng mga maliliit na magsasaka.

    “Ang pinakasadya kasi ng Rice Tariffication Law, bumaba 'yung presyo ng bigas. Tama naman 'yun. Bumaba 'yung presyo ng bigas pero hindi at the expense of the farmers. Kasi noong bumaba, hindi naman siya bumaba sa level na pinapangarap. Bumaba nang konti pero ang nawala sa mga farmers milyon-milyon. ‘Pag tinignan natin, sino ba 'yung nakinabang? 'Yung nakinabang 'yung mga traders, hindi 'yung mga naghihirap. So, ito, talagang rerepasuhin ito,” pagtitiyak ni Robredo.

    Si Bajekjek Orquillas, na bente uno anyos lamang noong 2007 nang sumama sa mga magsasaka sa pagmartsa hanggang Malacañang, ay nangakong mangangalap pa sila ng mas maraming suporta para kay Robredo sa pagnanais na maisakatuparan ang mga planong ito.

    “Naipanalo natin siya noong 2016. Ngayon pa kaya tayo magpapatalo? Kung naipanalo natin si Ma'am noon, ipapanalo natin ngayon sa 2022,” saad ni Orquillas.

    Sagot ni Robredo: “Ang akin pong promise sa inyo, na patuloy na ipapakipaglaban natin 'yung karapatan at kabuhayan ng bawat magsasaka saka mangingisda. Ang akin pong assurance na kasama ninyo ako every step of the way. Hindi pa nga ako Pangulo kasama niyo na ako, lalo na ‘pag binigyan tayo ng pagkakataon na mamuno.” [End]

    Posted in Press Releases on Feb 23, 2022