This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Transcript of VP Leni Robredo’s Q&A with priests at Sa Tahanan ng Mabuting Pastol

    7 February 2017

    VP Leni: We’re trying to pool people together for our voices to be louder and to be heard. Pero parang may prevailing sentiment ngayon na takot. May prevailing sentiment na mas mabuting tahimik na lang. May prevailing sentiment na huwag na muna.

    Naiintindihan po natin kung saan nanggagaling ang sentiment na iyon. Pero mayroon na tayong more than 7,000 deaths, parang kasalanan na ata na tahimik pa din tayo.

    Ang akin lang iniisip, siguro kung mas maaga tayo nag-ingay, baka hindi umabot ng 7,000. Pero it is not too late. And again, we are so happy that the Church has come up with a pastoral letter last Sunday.

    So many of our countrymen look up to the Church for guidance. Iyong ganoong pastoral letter, nakakapagbigay siya ng lakas ng loob.

    Alam po ninyo, noong Biyernes may pumunta sa aming mga 30 or 40 na mga community leaders from Manila. May mga barangay captain, may mga head ng mga NGO. And it is different when you listen to their stories – when you hear the stories straight from the source. Kaysa sa napapanood lang natin sa TV, o nababasa sa dyaryo o social media.

    Kapag sa kanila naririnig, the sense of urgeny is there. And i-neencourage po namin sila to be more vocal. Pero ang sabi nila sa amin, kami handa kami. Pero kami lang iyon, karamihan sa aming mga kasama natatakot. Parating gustong magkuwento ng kanilang kuwento, pero lahat natatakot kasi kanino pa kami lalapit, sino pa ang magpoprotekta sa amin?

    Mahirap din sagutin because the prevailing controversy involving the Philippine National Police and many other law enforcement agencies. Pero siguro ang pinaka-assurance basta marami tayo at magkakasama tayo, baka walang dapat ikatakot.

    Q: Magandang umaga po. Sa kabila po ng mga negatibo na ipinapahayag at pinaparatang sa ating Simbahan sa kung saanmang taong naninidigan, ang tanong ko po, ano po ang inyong tugon bilang VP sa mga pinaglalaban ng mga taong ito lalong higit sa mga isyung pang moral. At ano naman po ang puwede ninyong posibleng maging tugon sa mga tao o pamilya na naging biktima ng tinatawag nating extra judicial killings?

    VP Leni: Ang sagot ko noon, siguro mas base din sa sarili kong karanasan. Kasi lately nakikita natin the Church is under attack, whether personal or institutional. Parang nauna ako sa inyo in the sense na sobra na iyong pag-atake sa akin.

    Pero inisip ko lang, sino ba naman ako para atakihin. Ano ba naman ang kapangyarihan ng pangalawang pangulo para pagtuunan ng pansin.

    Pero I think ang pinanggagalingan nito ang pagiging vocal kasi in itself a threat. And perhaps, ito ay, sa aking pagninilay baka dito nanggagaling. Baka sakali na kung tayo ay under attack, panghinaan tayo ng loob na lumaban.

    So sa akin, ang pinaka-challenge siguro sa ating mga ina-atake, na despite the viciousness and the hate, magra-rise up to the challenge pag hindi tayo huminto sa pagpaabot ng boses.

    Marami na tayong mga kasama na ayaw lumahok kasi baka sila naman ang atakihin, pero pag ganyan kasi lahat ang ating pakiramdam, sino pa ang magiging boses.

    Ang sa akin lang, we have to learn how to drown out the noise and focus on what we need to do. Iyon na lang ang parati kong pinagdadasal. Maraming ingay sa kapaligiran pero dapat focused tayo sa kailangan natin gawin.

    Ang Simbahan may sarili siyang misyon. Ako may mandato rin ako, mandatong manindingan. Hindi dahil maraming atake from all sides, hihinaan ko o ibabahala ko iyong aking pagsilbi. Siguro iyong Simbahan, ganoon din.

    Sana hindi panghinaan na iloob iyong, iyong the Church as a whole and the priests individually, sa pagboboses ng, you know, sinasabi ko nga kanina, so many people are looking up to you for guidance.

    So many people are depending on you for strength. So ang atake na iyon, is really meant to weaken resolve eh.

    Siguro pareho din sa akin, pareho din sa inyo, sana hindi tayo maapektuhan kasi alam naman natin kung ano ang totoo, at hindi, you know, mula kasi noong naging very strong ang social media, ano eh. Parang iyong atake hindi na lang galing sa isang direksyon, iyong atake galing na sa dami.

    I-shashare ko lang, kasi in the, I started serving June 30, maraming naglalabasan ng mga hindi totoo. And iyong aming, ang Opisina namin, unang resolve namin, pag hindi totoo, huwag nang patulan, hayaan na lang, kasi it will die down a natural death, kaso mukhang mali.

    Mukhang nagkamali kami sa strategy. In the sense na iyong sinungaling, nagiging totoo. So ngayon, dahil na drown out na rin kami, pag mali kailangang i-correct.

    Hindi nag-mamatter kung ilan ang nakikinig sa iyo kasi sobrang dami pa din nila, pero kailangan pa ding i-wasto ang mali.

    So ngayon, kung may lumalabas na hindi totoo, I will try to correct already. Pero not in the manner na ginagawa nila, iyong mga negative na lumalabas sa akin, you try to grab them and turn them in to something positive.

    Because sa social media pa ang ano, uso ngayon iyong mga hashtags. Maraming mga hashtag ang ginagamit sa akin, na paninira.

    So ang challenge sa amin ay kung paano mo ba gagamitin iyong ginagamit nilang negative, and turn it in to something positive.

    Hindi madali iyon, pero it’s an effort to do that, and to keep up also with the times. Para sa akin, hindi na nag-wowork iyong pababayaan mo na lang. Parang ang definition dati ng maintaining the high ground, kailangan mo din na kinocorrect na ang ganun.

    Ano ulit yung second part ng tanong?

    Q: Iyong tungkol nalang po doon sa mga nabiktima ng EJK?

    VP Leni: Ah. Alam mo, iyong nakakalungkot, we have organized a team of lawyers, we have organized a team of volunteer lawyers to help the families of those who were victimized, pero kakaunti iyong gustong, kakaunti iyong naglalakas ng loob na mag-file ng kaso, for fear na baka balikan din sila.

    Iyong kailangan talagang mas maraming tao na nagpapalakas ng loob. We have listened to their stories and unbelievable iyong iba.

    For example, may mga urban poor leaders na pumunta sa Office namin, at ang tanong nila ganito: Ma’am tinuruan po kami, ng mga abugado, na pag may totokhang po sa amin, may mag-sesearch ng mga bahay namin, ang una po naming hihingiin, search warrant.

    Pero pag humingi naman kami ng search warrant, ang sabi sa amin ng mga pulis, we do not deserve that privilege, kasi skwater lang kami, at hindi namin pag-aari ang ating mga bahay, kaya wala kaming karapatan na humingi ng search warrant.

    Pag ganoon, wala na silang magagawa. And so many stories na, pinapatay sa harap nila, mga barangay captains who tried to protect their constituents, pero sila ang kinakasuhan.

    Maraming mga ganoon na kwento, na for I think 6 months, 7 months, was already too long a time na nanahimik ang maraming tao.

    Ngayon talaga is a time na magkaisa tayo at palakasin natin yung loob ng mga pamilya. Kasi iyong mga pamilya, while gusto nilang mag-seek ng justice, natatakot sila na baka mas malaki ang babalik sa kanilang hati-hati.

    Kaya iyong sa akin lang, I think the pastoral letter last Sunday could be a tipping point, na kapag naramdaman ng tao na kakampi namin ang Simbahan, baka sakaling mas lumabas iyong kanilang mga kuwento.

    Q:

    VP Leni: I think it will also be unfair to many members of the police force who have been very, iyong fidelity to their work is unquestionable.

    Pero iyon nga, I think the danger really was, the blanket authority given to them opened a lot of doors to many abuses na could have been foreseen in the first place.

    Q: Ayun nga po, maraming ginagawa ngayon, na nanghihinayan na po sa workforce ng mga members, instead na totally tumalikod, doon po muna kami sa masa. At least, ang grupong diretso pa rin, sa mga tropa mo ditong pari, at atin ding i-entertain iyong pag- ng mga members dito, kasi ito ho ay lifetime integration sa system. Iyong UBAS, lifetime integration sa system of governance, sa gobyerno. Mawawala tayo kung tayo ay papasok ng ganyan, ito, parang, paano natin i-reredirect kung ayaw natin ang sistema? We will not be cowered by this development.

    VP Leni: Saka ano din, Father, puwede pa din iyon ituloy, pero may dire-direction lang sana ng paraan. Kasi ang problema ng una, talagang halos nabigyan ng parang seal of approval iyong paggamit ng violence.

    Iba ang pagtingin sa drug addiction. Kami naman po, parating ang tingin namin, it is a health issue eh. Iyong addiction was always a health issue, na kailangang hanapan ng paraan.

    Totoong hindi madali, pero hindi rin pagpatay ang paraan. Iyong sa akin po, I’ve been visiting jails now, kasi ang mga jails po dati pa siyang congested, lao na ngayon na maraming huli.

    Pero one of the things that I want to pursue na hindi pa namin nasisimulan na gusto ko pong i-pursue, na parang makatulong din po kami sa mga illegal drugs campaign, na ang mga nakukulong sana, hindi lang- kasi, halos lahat ng jails ngayon, ang majority sa inmates, because of drugs.

    Pero wala siyang rehabilitation program inside specifically for drug addicts. Mayroon siyang mga classes-classes, mayroon mga bible study, mayroon mga livelihood skills, pero walang rehabilitation programs for drug inmates.

    Halimbawa sa Women’s Correctional ng Quezon City, napakaraming inmates na kababaihan are there because of drugs, tapos nagrereklamo ang warden na pag ni-release iyan, after a while babalik iyan, huli na naman. So sinasabi ko pong, parang sinasayang namin ang time na nandoon sila sa loob.

    Dapat sana ginagamit na iyan for rehabilitation para huwag nang bumalik. Pero kung kinulong lang sila, kasi walang acceptance na ang addiction is a health issue, so hindi na-aaddress, so talagang pauli-uilit lang iyan.

    Pero iyon nga po, ang problema ngayon, parang wala pang isang programa kung ano iyong gagawin sa kanila. Early on, we asked for a briefing from the government offices about the situation, maaga pa, ang sabi po sa amin, sa dami nang nag-susurrender, only about 10% of the surrenderees are eligible for institutional rehabilitation.

    So kahit tayong mag put-up na mag put-up ng mga institutions, hindi naman eligible iyong karamihan, kasi hindi naman sila drug-addicts in that sense. Ang iba naman sa kanila, gumamit, pero hindi naman addicted.

    So we really need to put up an honest to goodness community rehabilitation program for them. And I think that that’s one of the things that the Church can be very active in.

    Magbuo po sana tayo ng community rehabilitation program for all of those na hindi naman, hindi pa naman necessarily institutional rehabilitation. Pero I think the first step kasi is acceptance na it is an illness, na it is a health issue that needs to be addressed.

    Kasi pag hindi ganoon iyong pagtingin, iba din ang response. Pero I think po the Church, kasi parang lahat ng barangay nasa isang parokya. All barangays belong to one parish, it is something we can really paint an active participation in.

    Posted in Transcripts on Feb 06, 2017