This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Vice President Leni Robredo on the Martial Law Declaration (Filipino)

    26 May 2017

    Buo ang ating pagsuporta sa AFP at PNP sa pagtugis ng mga masasamang loob na nasa likod ng terorismo sa Marawi City, pati na rin sa pagbabalik ng kaayusan doon sa lalong madaling panahon. Dapat tayong magkaisa sa pagkondena sa anumang uri ng terorismo sa ating bansa.

    Nakasaad man sa ating Konstitusyon na ang desisyon ng pagdeklara ng martial law ay nakaatang sa Pangulo, marami pa ring tanong ang ating mga mamamayan sa basehan ng proklamasyon at mga tuntunin para sa implementasyon nito.

    Pangunahin dito, dahil epektibo pa ang dating deklarasyon ng state of lawlessness, anong mga hakbang ang nangangailangan pa ng dagdag na kapangyarihan sa ilalim ng Martial Law?

    Sa ganitong mga pagkakataon, kinikilala ng ating Konstitusyon ang pagkuwestiyon at pagkilatis ng pagpapatupad nito. Para sa ikapapanatag ng loob ng lahat ng ating kababayan, nararapat na mabigyan ng sagot ang mga sumusunod na tanong:

    1. Sa ulat na isinumite ng Pangulo sa Kongreso, nakasaad na ipapatupad ang Martial Law “until such time that the rebellion is completely quelled.” Ano ang ibig sabihin ng administrasyon sa “completely quelled?” Ano ang dapat mangyari bago nito bawiin ang pagtakda ng Martial Law, pati na ang pagbabalik ng writ of habeas corpus? Binibigyan ng Martial Law ang ating administrasyon ng extraordinary powers, at nasa ikabubuti nating lahat na maibalik sa lalong madaling panahon ang mga regular na demokratikong proseso.
    2. Ano ang itatatag na mga mekanismo para masigurong hindi mauuwi sa abuso at hindi lalabag sa anumang batas ang pagpapatupad nito?
    3. Nagkaroon na ng mga pagkilos ang mga terorista sa ating bansa, tulad ng kamakailan lang na paglusob sa Bohol, at agaran naman itong naagapan nang hindi kinailangan ang pagdeklara ng Martial Law. Ang militar mismo ay nagbigay na ng pahayag, na sa kabila ng kakayahan ng mga grupong ito na magsagawa ng pag-atake, limitado lamang ang mga galaw nito. Kung ganito ang sitwasyon, dapat pa bang asahan ang paglawak ng sakop at pagtagal pa ng deklarasyong ito? Hinihimok natin ang mga bumubuo ng ating Kongreso na gampanan ang kanilang tungkulin sang-ayon sa Konstitusyon na suriin at husgahan ang katibayan ng deklarasyong ito. Nananawagan rin tayo sa ating mga kapwa Pilipino na patuloy na maging mapagmatyag sa mga panahong ito.

    Sama-sama nating tutulan ang terorismo at patuloy tayong makipagtulungan sa pulis at militar para tuluyang matugis ang mga local terrorist groups na ito sa lalong madaling panahon. Ang layunin natin ay agarang maibalik sa normal ang buhay ng ating mga kababayan, kung saan maisusulong natin ang pangmatagalang kapayapaan sa bansa at maiaangat ang buhay ng lahat.

    Posted in Press Releases on May 26, 2017