This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    VP Leni: Ang budget ng OVP ay para sa pagtugon sa pandemya

    VP Leni: Ang budget ng OVP ay para sa pagtugon sa pandemya

    Sinabi ni presidential aspirant Vice President Leni Robredo, Huwebes, ika-20 ng Enero, na tiniyak niya na ang budget ng Office of the Vice President (OVP) – gaano man ito kakaunti – ay tutugon sa pandemya.

    “We already made sure that our budget, the budget of the OVP, is already a COVID budget,” ani Robredo sa panayam kay Mike Navallo ng ANC.

    “We are very mindful that we’re in the middle of a crisis and we make sure that our budget is responsive to the crisis we’re going through,” dagdag niya.

    Ayon kay Robredo, ang OVP ay nakatutok sa pangangailangan ng mga tao habang ang bansa ay nakararanas ng pandaigdigang krisis pangkalusugan. Anumang bagay na walang kaugnayan sa COVID-19 ay tinawag niyang "non-essential" para sa OVP. “We won’t focus on them anymore, muna,” ayon sa Bise Presidente.

    Ang OVP ay may budget na P699.88 milyon noong 2020. Noong 2021 naman, mayroon itong P908.79 milyong taunang budget. Para sa 2022, nagbigay ang Department of Budget and Management (DBM) ng P713.41 milyong annual budget sa OVP, mas mababa ng 21 percent sa 2021 na budget ng opisina.

    Hindi nagpa-apekto si Robredo dito at nagpatuloy siyang pamunuan ang pandemic response ng OVP.

    Ang OVP ay nakapamahagi na ng mahigit 10,000 COVID-19 care kits mula nang ilunsad ang Bayanihan E-Konsulta program noong nakaraang taon. Ang Bayanihan E-Konsulta ay isang libreng telemedicine service kung saan sinuman ay maaaring mag-book ng libreng konsultasyon sa isang volunteer doctor para sa anumang karamdaman. Ang mga nagpositibo naman sa COVID-19 ay pinadadalhan ng libreng care kit. Nagbibigay din ang OVP ng libreng RT-PCR test sa mga pasyente depende sa rekomendasyon ng mga boluntaryong doktor.

    Ang care kit ng OVP ay naglalaman ng mga gamot, isang oximeter, isang thermometer, isang bote ng alkohol, isang disinfectant cleaner, garbage bags, at isang monitoring sheet.

    Ayon kay Robredo, bumibili rin ang OVP ng COVID-19 antigen test kits na ginagamit para sa OVP Swab Cab. Nagbibigay ang inisyatibong ito ng libreng COVID-19 test sa publiko.

    Sinabi ni Robredo na nakikipagtulungan ang OVP sa kanilang private at development partners para sa Angat Buhay, ang kanilang anti-poverty program. Nang nagsimula ang pandemya, naging katuwang din sila ng OVP sa kanilang mga inisyatiba sa pagtugon sa krisis pangkalusugan.

    “Angat Buhay is our anti-poverty program and the main design of Angat Buhay is really collaboration between our office and many private and development partners. So, because we have a network of volunteers, we have a network of partners already, it was really easy for us to ask help from people who can give help,” ani Robredo.

    Sinabi rin ni Robredo na sanay ang mga kawani ng OVP na rumesponde sa mga krisis mula pa noong 2016. Mayroon silang Disaster Risk Reduction (DRR) team na nagpatunay na ng kanilang kakayahan sa pagtugon sa mga kalamidad.

    “Since 2016, we already have a DRR team, na paparating pa lang halimbawa, ‘yung bagyo, nagpre-preposition na kami. These are men and women who have been trained to act very, very urgently,” dagdag pa niya.

    Ang Swab Cab ng OVP, ang Bayanihan E-Konsulta, at ang Vaccine Express na isa pang inisyatibang nagbibigay ng libreng bakuna laban COVID-19, ay ang mga kasulakuyang proyekto ng OVP na tumutugon sa pandemya.

    Umaasa si Robredo na papayagan ng Commission on Elections (Comelec) ang OVP na ipagpatuloy ang mga mahahalagang serbisyo-publikong ito magsimula man ang kampanya sa darating na Pebrero 8. [End]

     

    Posted in Press Releases on Jan 20, 2022