This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    VP Leni, babalik ng Cebu bitbit ang planong “Hanapbuhay para sa Lahat”

    VP Leni, babalik ng Cebu bitbit ang planong “Hanapbuhay para sa Lahat”

    Nakatakdang bumisita si Vice President Leni Robredo sa Cebu sa Huwebes, ika-24 ng Pebrero, bilang kandidato sa pagka-Pangulo bitbit ang planong “Hanapbuhay para sa Lahat”.

    Kasunod ng dalawang araw na pagbisita sa Northern Mindanao, makikipagpulong si Robredo sa mga Cebuanong volunteers at tagasuporta, mga religious groups, at mga miyembro mula sa iba't ibang sektor, gayundin ang pagdalo sa mga people’s rallies, upang pasalamatan ang kanyang mga tagasuporta at ibalangkas ang kanyang mga plano kung mahalal na Pangulo.

    Ang pagbibigay ng trabaho sa mga tao, lalo na ang mga apektado ng COVID-19 pandemic, ang pangunahing bahagi ng plano ni Robredo na “Hanapbuhay Para sa Lahat,” na naglalayong magbigay ng trabaho para sa lahat ng Pilipino sa pamamagitan ng paglinang ng mga pangunahing industriya sa bansa. Ang mga ito ay technology, manufacturing, maritime, at climate industries.

    Sa isang naunang pagbisita sa Cebu City, nakipagpulong si Robredo sa mga pinuno mula sa sektor ng IT-BPO at nangakong gagawa ng isang komprehensibong plano para sa industriya ng teknolohiya sa bansa. Ang Cebu ay mayroong halos 200,000 manggagawa sa sektor ng IT-BPO. Sinabi rin ni Robredo na uunahin ng kanyang administrasyon ang upskilling ng mga manggagawa.

    Ang eco-tourism ay isa pang napagkukunan ng kita para sa Cebu. Isusulong ni Robredo ang pagpapaunlad ng green industry upang protektahan ang kapaligiran at lumikha ng mga trabaho sa rehiyon. Makakatanggap din ang mga local government unit ng tulong teknikal sa paggawa ng green development bilang haligi ng kanilang mga local development plan.

    Si dating Supreme Court Chief Justice Hilario Davide Jr., ang kanyang anak at kapangalan, Cebu Vice Governor Hilario Davide III, at ang Cebu-based local political party na Bando Osmena Pun dok Kauswagan (BOPK) ni dating Cebu City Mayor Tomas Osmena, na ang asawang si Margot, na tumatakbo sa pagka-alkalde ngayong halalan, ay lahat ay nag-endorso sa presidential bid ni Robredo.

    Hindi bababa sa 20 grupo sa Cebu ang nagsanib-puwersa sa tinatawag nilang "Maka-Leni sa Sugbo," at nagmula sila sa iba't ibang sektor, kabilang ang kabataan, manggagawa, pagbabangko, transportasyon, at maging ang mga pasahero. Nakasuporta sila kay Robredo matapos makita ang masigasig na gawaing ginawa niya para sa bayan.

    Sa kabila ng maliit na budget, nakapagsagawa ang Office of the Vice President (OVP) ng kabuuang 276 na proyekto sa 41 local government units sa lalawigan ng Cebu na may kabuuang P59.3 milyon.

    Nakapagbigay din ang OVP ng P20 milyon sa tatlong ospital sa Cebu City, Mandaue City, at Talisay City bilang bahagi ng Medical Assistance program nito, gayundin ng 370 sako ng bigas na nagkakahalaga ng mahigit P190,000 sa mga nawalan ng tirahan sa Cebu City bilang bahagi ng kanilang Relief Assistance initiative.

    Pagkatapos ng Bagyong Odette noong Disyembre, bumisita si Robredo sa Cebu wala pang 48 oras matapos ang paghagupit ng bagyo. Binigyan ng OVP ang mga apektadong pamilya sa Cebu at iba pang naapektuhang mga lalawigan sa Visayas at Mindanao ng Shelter Repair Kits, na magagamit nila upang simulan ang muling pagtatayo ng kanilang mga tahanan. [End]

    Posted in Press Releases on Feb 23, 2022