This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    VP Leni: Comprehensive empowerment, susi para suportahan ang Gender-Based Violence (GBV) survivors

    VP Leni: Comprehensive empowerment, susi para suportahan ang Gender-Based Violence (GBV) survivors

    Kung siya ay mahalal bilang Pangulo ng Pilipinas, uunahin ni Vice President Leni Robredo ang pagbibigay ng holistic empowerment para sa mga survivors ng Gender-Based Violence (GBV).

    Ang virtual forum na “Kamustahan with Leni” kasama ang Bataan for Leni, Olongapo for Leni 2022 Coalition, at Kakampinks mula sa Zambales noong nakaraang linggo ay dinaluhan ng mga multi-sectoral group na kumakatawan sa mga kabataan, mangingisda, magsasaka, LGBTQIA+ community, senior citizens, at PWDs.

    Tinanong ni Alma Bulawan, isang GBV survivor at miyembro ng Coalition Against Trafficking of Women - Asia Pacific (CATW-AP), kung paano tutugon si Robredo sa kanilang mga pangangailangan at isyu, lalo na ang mga biktima ng sexual exploitation.

    “Ako talaga number one kasi sa akin talaga, Alma, economic empowerment, kasi ito 'yung nakita ko na pinakamabisa saka pinakamabilis na paraan na 'yung babae nalalampasan niya 'yung trauma na pinagdaanan niya, pag siya ay nabibigyan ng malaking opportunity para magkaroon ng sarili niyang hanapbuhay,” ani Robredo.

    Humuhugot si Robredo mula sa kanyang karanasan sa paghawak ng mga kaso ng karahasan laban sa kababaihan at mga bata nang magsilbi siyang boluntaryong abogado sa Sentro ng Alternatibong Lingap Panlegal (SALIGAN) bago siya pumasok sa pulitika noong 2013.

    Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng RA 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Children Act pati na rin ang iba pang mga batas na nagpaparusa hindi lamang sa physical at sexual violence, ngunit kasama rin ang psychological at economic abuse na kadalasang nararanasan ng mga kababaihan.

    Bukod sa economic empowerment, pinahalagahan din ni Robredo ang holistic empowerment, kabilang ang healing mula sa trauma, gayundin ang adbokasiya at self-organizing, bilang mga kritikal na aspetong kailangan para matagumpay na matugunan ang inequalities.

    Para kay Robredo, ang pagbibigay access sa mga organisasyon para sa kababaihan upang magkaroon sila ng suporta mula sa mga kaibigan, eksperto, at mga tulad nilang survivors ay nagdaragdag proteksyon din para sa mga nakaligtas sa pang-aabuso.

    “Pero ako, ang naging mabisa para sa akin, in my observation Alma, napakaimportante ng mga organisasyon on the ground, organisasyon na mga kababaihan na pag merong nagiging biktima, may sumasalo sa kanila at may napupuntahan sila kasi ito 'yung nagpapalakas ng loob nila,” sabi ni Robredo.

    Plano ni Robredo na palakasin ang capacity-building para sa mga organisasyong ito upang lumikha ng mas maraming espasyo ng suporta at feminist na pangangalaga para sa mga nakaligtas sa GBV.

    Sa isang online forum kasama ang Financial Executives Institute of the Philippines (FINEX), sinabi ni Robredo: “Women empowerment is the one weapon that women need for them to thwart the abuses that they have been getting from their abusers.”

    Dagdag niya rin na kaakibat ng women empowerment ang economic autonomy, na makakamit lamang kung bibigyan sila ng pantay na access sa mga oportunidad.

    “And when we say opportunity, it’s really access. It’s access to skills training, it’s access to capital, it’s access to mentoring, it’s access to markets,” paliwanag ni Robredo.

    Sa panahon ng pandemya, nakipag-ugnayan ang OVP sa mga grupo ng kababaihang mananahi hindi lamang para tumulong na tugunan ang pangangailangan para sa mga PPE, kundi para masuportahan din ang kanilang kabuhayan.

    Si Robredo ay kilala bilang isang masugid na tagapagtaguyod ng women empowerment, isa sa mga prayoridad ng Angat Buhay, ang kanyang flagship anti-poverty program.

    Noong 2018, inilunsad ng Office of the Vice President (OVP) ang #RespetoNaman, isang kampanya sa buong bansa laban sa gender-based violence. Sa pakikipagtulungan ng University of the Philippines Center for Women and Gender Studies (UP-CWGS), nilikha din ng kanyang tanggapan ang Angat Bayi, isang programang nakasentro sa capacity-building para sa mga babaeng lider pampulitika.

    Ang OVP ay nagsagawa rin ng mga workshop para sa mga aspiring women entrepreneurs.

    Dumalo sa online meet-and-greet ang isa sa mga benepisyaryo nito na si Maricel Pontillas at ibinahagi kung paano nakatulong ang OVP workshop sa kanyang negosyo na mabuhay sa panahon ng pandemya.

    Nangako si Robredo na ipapatuloy niya ang kanyang mga programa at palalawigin pa ang mga ito kapag siya ay nahalal na Pangulo. [End]

     

     

     

     

     

     

     

    Posted in Press Releases on Jan 24, 2022