This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    VP Leni, nananawagan para sa ganap na proteksyon ng mga Overseas Filipinos

    VP Leni, nananawagan para sa ganap na proteksyon ng mga Overseas Filipinos

    Nakipagpulong si presidential aspirant Vice President Leni Robredo nitong Linggo, ika-8 ng Enero, sa halos limandaang Pilipinong naninirahan sa labas ng bansa sa isang online meeting, kung saan binigyang diin niya ang kahalagahan ng pagbibigay ng ganap na proteksyon sa mga Overseas Filipino Worker (OFW).

    Dumalo ang 465 na participants mula sa 36 na bansa mula Americas, Europe, Middle East, Asia and the Pacific at Oceania sa virtual na pagtitipong inorganisa ng Robredo People’s Council (RPC).

    Sa dalawang oras na meeting, sinabi ni Robredo na ang Republic Act No. 11641 o ang Department of Migrant Workers (DMW) Act na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Disyembre 2021 ay isang hakbang tungo sa pagbibigay ng full-cycle protection para sa mga OFW.

    Nilikha ang batas para maging one-stop shop para sa mga OFW dahil pinagsasama na sa DMW ang iba’t-ibang mga ahensya ng national government at mga unit na tumutugon sa labor at migrants.

    DMW ang magpapabilis ng pagproseso ng mga dokumento, paghain ng reklamo, paghingi ng tulong at iba pang mga pangangailangan ng mga OFW bago pa sila ma-deploy sa kanilang trabaho, on-site o habang nasa pinapasukan, hanggang sa kanilang pag-uwi sa Pilipinas.

    Dagdag pa ni Robredo, kapag siya ay nahalal bilang Pangulo sa 2022, ay magkakaroon siya ng executive order na minamandato ang pagbuo ng Migrant Resource Center sa bawat lokal na pamahalaan, kagaya ng Naga City Migrant Resource Center. Layon ng executive order na paigtingin ang RA 11641.

    Ayon sa Bise Presidente, bagamat malaking ginhawa ang naipaaabot ng Naga City Migrant Resource Center sa mga pamilya ng mga OFW, nais pa rin niyang pagandahin ang programa lalo’t marami pang pwedeng pagbutihin sa ganitong klase ng hub para sa mga pamilya ng mga OFW.

    “Yung social cost ng pag-aalis, grabe yung sakripisyo diba? Yung sa inyo (overseas Filipinos) at sa families niyo. Grabe yung sakripisyo. Nung nag-aabogado pa po ako, marami ako kliyente na mga OFWs. Ang shine-share nila, may hinanakit na: ‘Hindi naiintindihan ng family ko yung gaano kahirap yung buhay ko dito. Maraming demands sa akin’,” sabi ni Robredo.

    Naniniwala si Robredo na mapupunan ng Migrant Resource Center ang kakulangang ito.

    Sinabi rin ni Robredo na hihingi siya ng tulong mula sa private sector partners ng kaniyang flagship program na Angat Buhay para gabayan ang mga nagbabalik na OFW at kanilang mga pamilya.

    Nangako din si Robredo na magsusulong ng mga programang gender-responsive, bunsod ng mga dinaranas na karahasan ng mga babaeng OFW, lalo na ng mga domestic worker.

    Noong 2019, mayroon nang 10.2 milyong overseas Filipinos sa 200 na bansa: 4.8 milyon dito ay permanent migrant o overseas Filipinos; 4.2 milyon ang temporary migrant o OFW o contract-based; habang 1.2 milyon ay irregular migrations.

    [End]

     

     

     

     

     

     

     

     

    Posted in Press Releases on Jan 10, 2022