This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    VP Leni Robredo Ambush Interview in Iligan City

    Office of the Vice President

    29 May 2017

    VP LENI: Iyong pagpunta ko kasi, iyong una kong pinuntahan iyong mga namatay na sundalo. At nakakalungkot iyong mga kuwento na napulot natin. Galing din tayo doon sa Adventist hospital, binisita natin iyong mga sugatan at lahat sila nagkwe-kwento kung ano iyong pinagdaanan na kahirapan. Iyong sa akin lang, malungkot iyong lahat na kuwento, at nagpapasalamat ako na nagkaroon ako ng pagkakataon na ako mismo iyong pumunta para marinig galing mismo sa kanila, kasi ito din iyong pagpapahayag sa mga kababayan natin kung ano iyong mga sakripisyong pinagdadaanan ng ating mga sundalo. Ito ngayon dito sa evacuation center, nagpapasalamat tayo maraming tumutulong, pero pinaabot rin sa atin iyong mga tulong pang kailangan. Humihingi sila ng mga damit, meron namang nagbibigay ng mga pagkain, pero iyong iba humihingi pa ng lutuan kasi kulang pa iyong lutuan. Nakita rin natin medyo kulang iyong banyo, kaya mananawagan rin tayo baka puwedeng may magpahiram ng mga portalets. Parating kailangan ng tubig. Pero halos lahat ng nakausap ko ang inaalala nila hindi iyong pang-araw-araw, pero iyong inaalala nila kung may babalikan pa sila. iyong iba alam na nilang nasunog iyong mga bahay nila, at pumunta sila dito ng walang kahit anong gamit. Iyong gamit na naandito sa kanila ngayon lahat bigay. Kaya mahirap kasi iyong tanong nila sa akin, ‘Hanggang kailan ba kami dito?’ Siyempre wala tayong kasagutan. Iyong masasagot lang natin, na sisiguraduhin natin na aalagaan sila ng pamahalaan. At nagpapasalamat tayo sa Barangay Maria Cristina, na iyong mga barangay officials at mga volunteers pinakita naman talaga na alagang alaga nila iyong ating mga evacuees. Nakakaawa, nakakaawa kasi hindi lang iyong hirap na dinanas, hindi lang iyong takot na pinagdaanan. Marami dito nagkukwento naglakad lang sila papunta dito. Pero iyong uncertainty. Hindi nila alam kung ano iyong mangyayari sa kanila, hindi nila alam iyong hanapbuhay nila. Iyon iyong mahirap sagutin. Ang ano lang talaga, mabuti lang talaga na kaming mga naglilingkod, bibigyan ng oras sila dito para ipaalala lang na hindi sila nakakalimutan ng pamahalaan.

    Q: Ma’am nabanggit po natin na medyo marami sa kanila iyong nagsasabi mas concerned sila doon sa tirahan nila, wala na sila mababalikan. Tayo po, bilang dating housing chief, sa tingin po ninyo isa ba ito na dapat tutukan ng pamahalaan kung paano sila magrelocate? VP LENI: Dapat talaga siyang tutukan ngayon pa lang kasi noong nasa HUDCC ako, nakita ko na iyong nakakabagal ng proseso talaga yung requirements ng gobyerno. Bago ako umalis may ginawa kaming parang orders, pumasok kami sa Memorandum of Agreement sa iba’t ibang agencies na ‘pag ganitong parang emergency na mga sitwasyon… hindi lang ganito, pero pati bagyo o kung ano pa man, na nawala iyong tirahan sa hindi naman… hindi nila kasalanan. Dapat mas maluwag iyong pagproseso ng mga papeles. Kasi iyong pinakamahirap talaga sa kanila iyong hindi nila alam kung kailan, kahit matapos na iyong laban, hindi nila alam kung gaano sila katagal maghihintay. Iyong mga andito sa evacuation centers, karamihan sa kanila ito talaga iyong mga walang wala. Kasi iyong mga medyo may kayang konti, may nakausap ako doon, nag-arkila sila ng bahay dito sa Iligan, iyong iba naman merong kamag-anak. Iyong mga iyon, kahit malaki rin iyong pangangailangan, at least parang may pantawid. Pero iyong mga walang wala talaga, iyon iyong dapat asikasuhin, papa’no natin masisiguro na pagkatapos nito, meron kaagad silang masasandalan.

    Q: Balikan ko lang po, siyempre iyong sa Martial Law, naka anim na araw, nakabuti ba o na-resolve ba iyong problema somehow po? VP LENI: Tingin ko kasi maaga pa para sabihin. Maaga pa para sabihin. Parati ko namang inuulit na tingin ko kailangan tayong magkaisa. Hindi ito panahon para mag-away-away tayo, kasi iyong terorismo iyong kalaban dito, hindi tayo. Pero sa pagsabi niyan, siyempre pinapahayag din natin iyong pangamba ng karamihan, na may pinagdaanan na kasi tayong isang madilim na kabanata sa kasaysayan ng ating bansa at ayaw na natin iyong maulit. Kaya iyong parati nating… pinapahayag natin iyong pangamba sa pagnanais na sana ma-assure naman tayo ng Pangulo, ma-assure tayo ng AFP at saka ng PNP, na kahit nagdesisyon na ganitong drastic na deklarasyon, masiguro sana na wala nang pang-aabuso, masiguro na hindi ito magiging daan para mas maging madilim pang ulit iyong pinagdaanan natin. Dahil iyong mga kababayan natin napakarami nang sakripisyong pinagdaanan, napakarami nang laban na pinagdaanan, na sana wala nang pang-aabuso na kailangan pang asikasuhin.

    Q: Earlier on, nabanggit niyo na iyong suporta sa Martial Law ni Presidente, tama po ba? VP LENI: Iyong pagpahayag ko ng suporta, suporta iyon sa ating Pangulo at saka sa AFP sa paglaban ng terorismo. Sa atin, ginagalang natin iyong mga desisyon nila. Pero gusto nating magkaroon ng assurance na hindi ito magagamit sa pang-aabuso. Kaya ko lang ‘to nasasabi kasi ito iyong pangamba ng marami nating kababayan, dahil noong huling nagkaroon tayo ng Martial Law, noong panahon ng diktaduryang Marcos, maraming pinagdaanan na pang-aabuso iyong ating mga kababayan. At tingin ko kailangang pakinggan din ng pamahalaan iyong pangamba ng ating mga kababayan.

    Q: Lately, noh, nagbigay ng talumpati iyong Pangulo at iyong ilan nagbigay na ng reaction, sa ilan na sinabi niya, isa sa pagbanggit niya na rape joke, pangalawa na nabanggit niya sa Camp Bautista, na kayo naman ay nagdadaldal lang, to that extent, nagdadaldal lang, would you like to comment on that or…? VP LENI: Sa akin kasi iyong rape, hindi iyon biro. Iyong rape, karumal-dumal na krimen iyon. At inaasahan kami, iyong lahat nang alagad ng… Lahat na naninilbihan, lahat na alagad ng batas, mula sa Pangulo hanggang sa akin, hanggang sa pinakakadulu-duluhan—siguro hanggang sa barangay tanod… Inaasahan kami na siguruhin na hindi ito mangyayari, at kung mangyayari man, sisiguraduhin namin na napapanagot iyong mga salarin. Kaya parang hindi tama na ginagawa siyang biro. Unang una, dahil tingin ko parang hindi rin ito makatarungan sa mga miyembro… sa ating mga sundalo. Hindi makatarungan na magkaroon ng implikasyon na dahil panahon ng Martial Law, parang iniisip nila o binibigyan silang lisensyang gumawa ng isang bagay na ganiyang kasama. Kaya tingin ko hindi siya nakakatulong dahil panahon ito para iyong lahat na pangamba ng ating mga kababayan ay parang may assurance sana na hindi mangyayari. At iyong ganito, whether biro man iyon o hindi, hindi siya maganda. Hindi siya maganda dahil panahon ito na iyong ating mga sundalo nangangailangan ng suporta. Panahon ito para iyong pinakamataas na respeto para sa kanila, kinakailangan nila.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on May 29, 2017