This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    VP Leni Robredo Interview with DZRH

    Office of the Vice President

    27 June 2017

    Q: Ang Pangalawang Pangulo ay nagtungo sa Lanao kaya lang po ba, ang target po nila ay puntahan ang Marawi City kaya lang hindi pa safe. Kaya instead na Marawi ang napuntahan, ay mukhang ibang lugar ang napuntahan nila Vice President Leni Robredo para po sa kanilang relief and aid mission. Madame Vice President ma’am, Dios Marhay na aldaw sa indo gabos, Madame Vice President. VP LENI: Yes, marhay na aldaw sa inyo, magandang umaga po sa lahat ng nakikinig sa atin ngayong umaga.

    Q: Ayan, Ma’am, talaga bang ang target ninyong puntahan kahapon ay Lanao del Sur sana, Marawi, pero hindi po yata kayo pinayagan? VP LENI: Oo, Deo. Last week pa na nagpapa-sked din kaming pumunta. Iyong gusto sana naming puntahan Maraw. In fact iyong nauna na team sa akin, Deo, nakapasok silang Marawi. Nakapunta sila doon. Pero may incident yata 3 days ago, na mayroong sniper shot na nangyari kaya ni-lock-down ulit nila. Kaya noong, before ako pumunta Deo, alam kong na hindi kami makakapunta ng Marawi. Kaya pinuntahan nalang namin iyong mga iba’t ibang mga evacuation centers sa labas ng Marawi. Gaya kahapon pumunta kami doon sa Balo-i, tapos pumunta din kami sa Tubod sa Iligan para bisitahin iyong mga evacuees natin na nandoon.

    Q: Sa Iligan po ata ang maraming evacuees, Madame Vice President. Ano po ang inyong nasaksihan? Ano po ang kuwento ng ating mga kababayang nag-evacuate mula sa Marawi City, Madame Vice President? VP LENI: Medyo maayos ang napuntahan namin doon, Deo. Ang pinuntahan namin isang evacuation center doon sa Balo-i. Itong Balo-i parang two towns away siya from Marawi. Kaya napakarami iyong, Lanao del Norte ito Deo, pero napakalapit na niya sa Marawi. Parang doon lang sa town na iyon 26,000 plus na mga evacuees ang nandoon. Pero ang pinuntahan namin Deo, ito nakakatuwa naman, kasi mas maayos na siya nang di hamak ngayon. Kasi second time ko na ‘tong bumisita. Noong first time medyo parang balisa pa lahat, pero ito maayos na maayos na. Nandoon iyong napakaraming volunteer workers, nandoon ang DSWD, nandoon ang buong pamunuan ng Munisipyo ng Balo-i. Mayroong mga tents, mayroong mga classrooms na ginagamit, kasi parang nasa isang Islamic school itong evacuation center na ito. Maayos sila. Napakalinis, pero mayroong mga kaunting problema. Halimbawa mayroon kaming nadatnan na napakalaki na ng tiyan, akala ko nga noong una buntis. Iyon pala hindi na daw siya nada-dialysis, apat na, parang apat na beses nang na-miss niya ang dialysis. So kahapon pinapunta namin sa ospital para madialysis kasi kailangan natin magpadialysis two times a week pero siguro dahil sa kaguluhan hindi naman siya naasikaso. Mayroong nagka-mild stroke, mayroong may atakeng diabetes, iyong mga sakit, Deo. Pero mayroong medical team, actually kasama namin kahapon iyong parang MHO ng Balo-i na nagaasikaso naman. Mayroon doong mga babies na pinanganak sa evacuation center, pero iyon talaga Deo, kahit na nangangailangan ng pagkain, nangangailangan ng damit, halimbawa iyong mga bata, pumasok ako sa isang classroom na parang nagpsychosocial intervention para sa mga bata, ang pinasabi sa amin, kailangan nila ng school supplies kasi hindi pa sila naguumpisa magaral, tapos marami sa kanila wala na silang tsinelas. Kailangan mga tsinelas. Pero ito Deo iyong mas minor. Pero pag kinausap mo sila, ano iyong pinakakailangan, lahat sila sasabihin sa iyo, gusto na namin bumalik.

    Q: Wow. Opo. VP LENI: Kahapon, Deo, Day 35. Talagang ano na sila, una iyong malaking pangamba na wala na silang mababalikan, pangalawa, marami doong mga bata, matatanda na nawalay sa mga family members. May mga bata na nawala sa magulang, mayroon kaming, oo, nagkahiwalay sila dahil nagmamadali sa pag-evacuate at hindi pa nahahanap iyong mga magulang. Mayroong isang PWD na lalaki na nawalay sa asawa niya, hanggang ngayon hindi pa nahahanap. Kaya pinapakiusap namin sa mga teams na naiwan doon na hanapin. Para naman mabigyan ng kaunting katahimikan kasi hindi nila alam kung ano nangyari sa family members, iyong mga ganoon. Pero iyong pinaka-concern ng mga matatanda, gusto na nilang maging normal na ang kanilang buhay. Mayroong isang umiiyak kasi iyong hanapbuhay nilang mag-asawa parang, tailoring. Nasunog daw ang kanilang bahay, so iyong, alam mo iyon, iyong hindi alam kung pagbalik namin, totoong nasunog iyong bahay namin, pero papaano mag-uumpisa ulit at magnegosyo? Mayroon kami doon Deo na tinutulungan, even before, pabalik-balik kami sa Marawi, may tinutulungan kami na mga women weavers sa Brgy. Dayawan. Kahapon bumalik kami, hinahanap namin sila, nasa isang bahay sila, isang bahay more than 10 families iyong nadoon, nasa isang bahay sila at iyong tulong na binigay namin na mga makina, mga sewing machine, Deo, mga two days before tumiklab iyong gulo, galing sila dito sa office, kasi nagbigay sa kanila ng financial assistance si Metrobank Foundation, binili nila ito ng mga tela at nag-taxi sila, nagtatahi sila ng mga damit, nagtatahi sila ng mga hijab, kasi karamihan sa mga lumikas wala talagang nabitbit na damit at iyon ang pinagsisimulan nilang negosyo ngayon. Iyong hinihingi lang nila sa amin din tulong, makahanap silang murang mabibilhan kasi lahat ngayon mahal doon siguro dahil sa hirap ng pagdala din ng mga goods, pero iyong kahilingan talaga na din namin masagot ay kailan ba ito matatapos? Iyon talaga iyong hindi namin masagot, so ia-assure natin na sa lalong madaling panahon, pag secure na silang makabalik, talagang tutulungan natin sila makapag simula muli. Pero iyong parang desperation na pakiramdam din, iyong parang napakahirap na sagutin.

    Q: So ano, Ma’am, kakayanin ba ng Office of the Vice President itong tulong, unang-una siyempre kung matapos iyong problema diyaan, iyong pagsisimula ulit ng kanilang buhay, hanapbuhay, kakayanan ba ito na maturungan lahat ma’am ng Office of the Vice President o kailangan niyo rin pong humingi ng tulong sa Pangulong Duterte? VP LENI: Kailangan talaga, Deo, iyong humingi ng tulong, in fact lahat naman ng mga government agencies, karamihan sa kanila, mayroon namang representative doon, alam natin na pagdating sa livelihood, iyong DSWD saka DTI, mayroon silang livelihood component, in fact noong linggo, naging guest ko iyong isang USec. ng DTI, at kinukwento niya, mayroon siyang programa na tinatawag T3, ito iyong parang livelihood assistance ng DTI, hindi lang para sa Marawi, pero para sa mga mahihirap na mga kababayan natin, puwedeng i-request nga natin sa kanila, sa DTI, na baka puwedeng gumawa ng special window para dito sa Marawi. Ito talaga Jay, iyong saamin kasi pag puno, iyong mga hindi matutugunan ng mga government agencies, kasi umaasa kami sa private sector. Iyong mga sinasabi kong naumpisahan ng livelihood ng women weavers ng Barangay Dayawan, iyon ay galing sa mga partners namin sa private sector. Pero sabi ko kanina, iyong seed money nila galing sa Metrobank Foundation, iyong kanilang mga sewing machine, galing sa Negros Volunteers for Change, saka mga grupo na tumutulong, mayroong tumutulong sa pagtrain sa kanila, pero ito lahat, lahat ito private. Mas makakabuti sana kung iyong government agencies tsaka private sectors natin, magtulungan na.

    Q: Sabagay ang Pangulong Digong, ay nangako yata ng 10 billion o 20 billion na ilalaan para sa mga biktima ng mga kaguluhan sa Marawi, at sabi nga yata manggagaling pa yata sa PAGCOR iyong pondo na 10 hanggang 20 billion na ibibigay diyan sa Marawi City, madam Vice President ma’am. VP LENI: Ang alam talaga natin Deo, na nangako naman iyong ating pangulo na maglalaan na talaga ng pondo para doon, iyong pinakaconcern lang talaga ngayon, iyong papaano magsisimula muli. Kasi halimbawa, marami sa kanila na nasunugan ng bahay. Marami sa kanila na iyong parang buong pundar nila, nawala nila. Tungkol sa kung paano sila makakapagsimula muli, ngayon ang concern doon ay kasama namin sa Regional Vice Governor at ang Mayor ng Marawi. Iyong pinaka-concern nila ay ang mga IDPs sa iba’t ibang evacuation center, dagdag pa nang dagdag at mas malaki na siya kaysa sa buong population ng Marawi. Ibig sabihin, may mga nag-eevacuate na hindi taga-Marawi pero kasi nandiyan sila sa karatig na munisipyo, at ang kanilang… kasi ang pinaka… Parang nakasentro ng pinagkukunan ng pagkain at negosyo nasa Marawi so bakit naka-lock down pa ang Marawi, wala na silang pagkain. Ang pinakaconcern dito na gusto nilang ipaabot ko nga sa mga nanunukulan, kung kaya lang naman po na dahil confined naman sa apat na barangay nalang ang na iyon, puwedeng i-clearing na din ang Marawi, tapos makapag-umpisa na. Pati ang sinundan nila Deo, hanggang andito pa kami sa mga evacuation centers, parang, hindi ka po makapag-umpisa. Totoo na libre ang pagkain kasi may nagbibigay, pero iyong pinakaconcern pa rin nila ni Deo, iyong babalikan at makapag-umpisa na. Kaya ang sa kanila, kung alin sana iyong puwedeng lumipat na, gusto na nilang lumipat. Ine-explain naman natin sa kanila na hindi iyon ganoon kadali, kasi siyempre hindi naman sila papalipatin na wala pang kasiguruhan. Pero sila talaga, makikita mo din na makapag-simula din.

    Q: So isa po Ma’am, ano pa ang immediate na pangangailangan nila? Ano ang maaring mahinging tulong sa private sector? Siguro kasi, alam mo na kapag may mga kalamidad, kung anu-ano idodonate ang ating mga kababayan–mga damit, mga kumot, mga banig, o kaya kung anu-ano pa. Ano ang maari nating itulong mula sa private sector naman, ma’am? Kasi alam naman natin na andiyan ang government, ang DSWD. Sa panig ng private sector, ano ang puwede nating maitutulong sa kanila? VP LENI: Iyong iyon kahapon Deo, iyong hinihingi talaga sa amin, halimbawa sa mga bata. Pinakamahalaga sa kanila ngayon ay ang mga school bags, school supplies, at saka iyong mga tsinelas. At dahil ano naman, maglalagay ng mga temporary learning centers, iyong ibang mga paaralan sa Iligan at saka mga paaralan sa Lanao del Norte, nagbukas na ng June 19. Pero marami pa naman mga bata sa mga evacuation centers na hindi pa nakakapagsimula kasi alam mo na lahat sila lumipat sa walang kahit ano.

    [Overlapping talking]

    VP LENI: Wala, wala. Ang karamihan sa kanila, mga kaunti lang ang damit ngayon, ukay. Mga ukay-ukay. Tapos iyong mga iba naman ay mga bigay. Kaya iyong ang mga kinakailangan. Pero hindi sila namomroblema sa damit Deo dahil marami naman daw ang bumibigay. Iyong talagang kailangan nila ang kung ano ang pangangagaral sa mga bata. Iyong mga sa pamilya naman, iyong pagkain. Iyong suggestion nga doon, Deo, maraming nagbibigay naman pero parepareh yatao. Bigas, sardinas, noodles, ayun yata iyong parati. Iyong biruan nga namin kahapon ay na-mimiss na nila ang ibang ulam. Iyong sa kanila mayroon na daw enterprising naman na evacuees na nagluluto na at binibenta sa ilang mga evacuees. Ang pagkaalam ko, Deo, iyong DSWD nagdesisyon yata magbibigay ng 1000 pesos, hindi ko alam kung sa bawat pamilya ito. Parang very welcome iyong. Very welcome iyon para sa kanila. Kasi nabili nila iyong mga kailangan, iyong pinaka kinakailangan nila. Iyong iba pang bili nila iyong ng mga pagkain. Iyong iba naman ang mga pangangailangan. Tapos sinasabi naman nila kung mayroong umiikot na sana na pera, iyon na iyong pambili na nila, para marami na ang makikinabang. May multiplier effect na. Ang isa pang hinahanap nila ay tubig.

    Q: Tubig, oo. Kasi daw nagkakaroon ng diarrhea iyong mga bata. VP LENI: Kasi hindi mo maiwasan kasi congested masyado. Nagkaroon kami din ng partner, UP PGH at ang Physicians for Peace, isang foundation nagbigay sila ng maraming mga water filtration machines. At iyong ay dinistrubute na namin sa mga evacuation centers. Pero kulang pa din. Kaya iyong makakatulong po sa tubig, kasi malaking bagay para sa kanila. Tsaka iyong mga nanay ang mga hinihingi ay mga kitchen utensils. Kasi iyong mga pinaghahandaan, ngayon kasi naglulutu-luto sila doon. Mayroon din nagbigay ng kaunti pero hindi lahat ng nabigyan mayroong lutoan. Kaya ano naman, iyong ang mga hinihingi nila. Kung mayroong mga kitchen utensils, kung mayroon ngang tubig, at pagkain. Iyong biroan nga doon dahil mayroon nga doon na parang dahil Day 35 na, parang iyong nalasahan ng lahat na nandoon iyong mga noodles at sardinas, sa loob ng 35 days. Kaya noong nagbigay ang DSWD ng 1000 nagbilihan na ng mga ulam na matagal na nilang hindi nalalasahan.

    Q: Lalo na noong linggo, Eid’l Fitr. VP LENI: Kaya nga. Kahapon. Kahapon actually iyong end ng Ramadan. Kaya ngayon mas buelo na silang kumain. Ano naman kung titingnan mo, maayos talaga iyong kalagayan kahit congested. Maayos, malinis. Pero iyon nga iyong uncertainty lang, Teo. Hindi alam kung kailan matatapos. Iyon ang nakakadown sa kanila.

    Q: So kailan po kayo babalik ng Lanao or Marawi, Madame Vice President? VP LENI: Sa palagay ko pabalik-balik lang ako Deo. Siguro sa susunod na linggo, pupunta na naman. Iyong promise namin doon. Kasi Angat Buhay area namin Deo iyong Marawi o iyong Lanao del Sur. Iyong promise namin na kung makakabalik na sa Marawi, magbababad talaga kami para tumulong sa re-building. Iyon naman iyong ano namin. Ngayon kasi Deo kahit magbabad doon, halos wala ka pa masyadong magawa kasi marami pang bawal puntahan. Kaya kung nandoon ka ay ang mapupuntahan mo lang talaga ay iyong mga evacuation centers. Kami, pumunta kami doon sa parang disaster coordinating headquarters ng national. Mayroon din iyong national. OCD iyong nandoon kahapon at iyong ibang ahensya. Mayroon ding local para sa ARMM at sa Marawi. Pareho nating pinuntahan. At ano naman. Maayos na maayos iyong pagpatakbo, nafafacilitate talaga iyong pangangailangan. Iyong pinakaconcern lang talaga ng lahat. Ito iyong sa local. Ito Deo, iyon ngang si Regional Vice Governor mismo sa si Mayor iyong nakikiusap na kung puwedeng liitan na lang iyong area na naka-lock down para makapagsimula na. Sabi natin ididiscuss na natin iyon pero naiintindihan naman nila iyong security concern.

    Q: Tama po lalo na’t may mga snipers daw doon. Pero, isang tanong pa Ma’am, Madame Vice President. VP LENI: Sige, sige, Deo.

    Q: Kumusta po kayo ni Mister President. Nag-uusap po ba kayo ng Pangulong Digong. VP LENI: Huli ko siyang nakausap, noong graduation pa ng PNP. PNPA pala.

    Q: Oo. VP LENI: Graduation ng PNPA. Iyong huli nga naming usapan nag-schedule kami ng dinner.

    Q: Oo nga po. VP LENI: Pero hindi pa rin natutuloy. Hindi pa rin natutuloy Deo kasi sunod sunod iyong mga problema.

    Q: Iyong mga kaguluhan. VP LENI: Sunud-sunod iyong biyahe. Sunud-sunod ng kaguluhan. Kaya siguro umaasa pa rin tayo kapag siguro kapag matapos-tapos na ito. Siguro matutuloy pa rin ito.

    Q: Hindi ba kayo nag-tetext-text? VP LENI: Hindi ata Deo nagce-cellphone si Pangulo.

    Q: Ah ganoon ba? VP LENI: Parang wala siyang cellphone na sarili.

    Q: Hmmm. Wala siyang hawak na sariling cellphone. VP LENI: Oo.

    Q: Okay, Madame Vice President Ma’am, maraming salamat sa iyong paliwanag at good luck po sa inyong muling pagbabalik doon sa Lanao para matulungan itong ating mga kababayan nating naapektohan ng problema diyan sa Marawi City. Thank you very much po. VP LENI: Maraming salamat, Deo.

    Q: Mga kaibigan, Madame Vice Ganda, Madame Vice President Leni Robredo. Ayan.

    – 30 –

    Posted in Transcripts on Jun 27, 2017