This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard.

WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/

Accessibility Features

Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser.

  • Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key)
  • For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key)
  • For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter)
  • On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key)
  • Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys.
  • Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage.
  • Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page.
  • FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page.
  • Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries.
  • Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page.
  • Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page.
  • Search (Combination + S): Shortcut for search page.
  • Click anywhere outside the dialog box to close this dialog box.

    Wednesday, January 15, 2020, 4:39:12 PM Press Conference of VP Leni

    7 November 2016

    Office of the Vice President, QC Reception House VP LENI: Magandang umaga sa lahat, iyong sinabi ni Tin, iyong pinaka sadya ng imbitasyon ngayong umaga, dalawang bagay: Una iyong tungkol sa status ng Yolanda resettlement kasi iyong HUDCC iyong chair nung resettlement cluster at bukas gugunitain natin iyong Yolanda anniversary. Isasama na din namin iyong updates sa Angat Buhay, you were with us last October 10 sa Angat Buhay. Marami nang developments na nangyari after doon. Siguro umpisahan natin iyong updates sa Angat Buhay, ibibigay ko iyong microphone kay Geo Ann. GHY: Magandang umaga sa inyong lahat, nakasama po namin kayo nung Angat Buhay, alam po natin nung October 10 nagkaroon tayo nung Partnerships Against Poverty kung saan mahigit 1000 participants iyong dumating sa SMX para malaman iyong plano ng Office of the Vice President pagdating po sa pagbibgay nang tulong sa pamilyang nasa laylayan, lalong lalo na iyong tulong para sa pangkabuhayan, o iyong livelihood programs. At noong pong Angat Buhay, nakakuha tayo ng 715 pledges mula sa mahigit ssa 300 na companya, at ito po ay 634 pledges from local organizations, mostly ito ay mga private companies, corporate foundations, non-government organizations at balanse po, mayroon tayong pledges na nakuha, 37% sa Luzon, 28% sa Visayas at 35% sa Mindanao, so all areas natin sa Angat Buhay, mayroon tayong 50 Local Government Units na pinili, lahat po ng Local Government Units ay nakatanggap ng pledges at commitments mula sa mga partners at kung mabibigyan ko po kayo sana ng update ngayon, mayroon na tayo na nagsimula na. So nag turn over tayo ng libro sa mga kabataan, si VP Leni ay last week bumisita sa Agutaya at Culion, Palawan. Iyong isang partner natin, Canvas PH ay nag bigay ng mga children’s books para sa mga elementary schools. May bumisita na sa-iyong Philippine Toy Library–mayroon bumisita na sa Maribojoc, Bohol para magtayo ng toy library para sa kabataan. Sa usapin ng negosyo o ng livelihood, iyong po Nestle Program for Agri Entrepreneurs ay nakipagpulong na rin sa mga lokal na pamahalaan at farmers sa Tampakan, South Cotabato, coffee and cacao farmers. At ang kanila pong maitutulong iyong pong technical assistance sa agri entrepreneurship, sa pagtatanim ng coffee at cacao at pagkatapos po noon ay magkaroon ng mercado iyong kanilang mga produkto. Kasama din po sa tumutulong sa mga pangkabuhayan ay iyong Jollibee Group Foundation, iyong farmer entrepreneurship program, na nais nila iparating iyong tulong sa pangkabuhayan sa mga farming communities. Hindi lang tayo tumututok sa farming communities, marami ng Angat Buhay LGUs ay nasa fisherfolks na nakikita natin talaga kung minsan mas mahirap pa ang antas ng kanilang buhay dahil na rin sa mga bagyo na kanilang kinakaharap. So iyong isang partner natin diyan ay iyong Wold Vision Foundation na may economic development program na ibibigay sa Agutaya at kasama po sila ni VP Leni last week at ginawa na nila ang baseline data para makapagsimula na iyong tulong. Pag dating naman sa food security and nutrition, isang halimbawa lang po na gusto kong ibigay iyong Negrense Volunteers Program for Micronutrients for malnourished children. At nagsimula na sila na magpulong sa Lambunao, Iloilo kung saan nagawa na nila ang baseline data na may 689 malnourished children na mula sa 6mos hanggang 36mos. Bakit po namin kinekwento ito? Kasi para sa napakahalaga na wala pang isang buwan na matapos iyong Angat Buhay ay nagsimula na po iyong konkretong pag implement ng mga pledges na natanggap natin at inaasahan natin na bago magtapos ang taon na ito ay patuloy na gagalaw ang ating nabuo na partnerships at ito po ay ang natatanging ambag ng aming opisina, ni VP Leni, at ng Office of the Vice President sa Anti-Poverty Agenda ng ating administrasyon, ito po ay ating kinoordinate with Sec. Evasco at noon nga pong Angat Buhay ay nangdoon si USec. Gloria Mercado mula sa CabSec. At ito pong ginagawa namin, iyong pakikipag ugnayan sa private sector at civil society ay pagkikita namin na may idadagdag pa o may mai-augment sa kung ano na iyong ginagawa ng ating pamahalaan sa ngayon. Patuloy po namin na pagbibigyan suporta iyong 50 Local Government Units ng Angat Buhay sa pamamagitan ng mga trainings, at ng mga coaching, mentoring at techincal assistance ng LGU at sisiguraduhin natin through proper monitoring and evaluation system malalaman po ninyo regularly kung ano na ang nangyayari dito. So iyon lang po, maraming salamat. VP LENI: Siguro dadagdagan ko lang, iyong last two weeks na provincial trips ko, kasama ko na iyong mga partners natin from Angat Buhay. Sinabi na ni Geo Ann kanina iyong Nestle, kasama ko sila sa Tampakan, South Cotabato at magsisimula sila ng tulong doon para sa mga magsasaka, pagdating sa cacao at sa coffee. May nadiskubre pa kami sa kanilang kailangan doon, halimbawa sa kanilang bamboo, pwedeng tulungan ng gobyerno. Nakausap na namin ang DOST, willing tumulong. Iyong last weekend, pinuntahan ko iyong Agutaya, kasama ko ang Andres Soriano Foundation at saka World Vision, sila din iyong mga partners natin doon, at tiningnan namin, more than sa mga kailangan na na report nila, marami pa kaming nakitang pangangailangan na pwedeng tulungan. Actually, pag alis ko sa Agutaya, nagkaroon ako ng meeting with Governor Alvarez, sinabi ko sa kanyang pangangailangan, at sinabi niya na province na iyong magaasikaso. Pag punta ko naman sa Culion, dalawa iyong partners na kasama natin doon, iyong isa, doon isang barangay, kasama natin doon Habitat for Humanity, iyong maitutulong nila iyong water system ng Culion. Iyong doon naman sa isang okasyon, kasama natin iyong Culion Foundation Incorporated, sila naman tutulong sa kabataan, kalusugan, at kalikasan na programa ng Culion. So this is an ongoing thing na hopefully sa susunod na bisita natin sa probinsya, lalo na kung may bibistahin tayo na partner LGU, kasama na din natin ang partners na pupuntahan. Na mention ni Geo Ann iyong Philippine Toy Library, pumunta na sa Maribojoc, Bohol. Iyong mga kaklase ko din nag volunteer din, galing na sila sa Taisan, Batangas, hindi lang tayo nakasama dahil conflict sa ibang okasyon, pero parang pinapakita dito, very encouraging iyong results ng Angat Buhay, hindi pa matagal pero iyong level of interest at passion na pinapakita ng partners natin nandoon. Pero iyong next part ng presscon, iyong updates sa housing, if you recall doon sa mga earlier press con na sinabi ko na iyong housing requirements natin sa Yolanda is 200, 128. Noong huli kong report, iyong data natin as of June was 25,000 na iyong nagawa, 2,500 iyong occupied. Ngayon, slightly nagbago na iyon, mayroong konting improvement pero hindi pa tayo kontento. Pero iyong improvement lang as of September 30, 2016 iyong fully completed na is 20,661 houses, iyong partially completed is 20,287 houses, iyong occupied from 2,500 ngayon ay 4,278 na siya. Gusto natin bisitahin as many sites as possible kasi mayroon tayo na iyong 2,500 houses parang wala siyang inventory ng mga pangalan noon, kundi estimate lang. So gusto natin maasikaso sana natin yung pag-aayos. Ang nabisita ko pa lang, some parts of Eastern Samar, Tacloban, Palo, tomorrow pabalik ako sa Palo saka sa Tacloban, pero pupuntahan ko din yung Tanawan. Nabisita ko din when I went to Northern Palawan, nabisita ko din yung, nagkaroon kami ng meeting with the mayors, may 8,000+ units na kailangan sa Northern Palawan, pero ni isa wala pang nangyayari. I-uupdate kayo ni Paolo on what we have been doing so far, pero kung may mga questions later, we will be open to questions. ATTY. PAOLO SALVOSA: Magandang hapon po. On November 15 po, icoconvene na po ang HUDCC ang resettlement cluster para nga talakayin po yung mga naging iba’t ibang challenges po sa housing component ng recovery sa Yolanda. May mga nagiging challenges, nagkaroon kami ng mga press release, pagdating po sa mga titled lands medyo mahirap po hanapan yan sa mga affected areas para sa iba’t ibang housing sites, kaya nga pong meron pang mga, around 73,000+ units na hindi pa po nasimulan. Naging problema din po ang lack of source of water supply sa mga iba’t ibang units, at pati ang lack of power. At ang isa din pong problema, kaya din sa low occupancy level po ay yung access po to livelihoods sa iba’t ibang housing sites. Kaya din po sa resettlement cluster, iimbitahin din po ng HUDCC ang National Electrification Administration, ang Local Water Utilities Administration, at pati na rin po ang Department of Trade and Industry para po talakayin itong mga issue na ito at maging mas maayos po ang execution ng catch-up plan. Sa mga challenges naman po sa delay ng permits, nag-press release na rin po ang HUDCC dito na, last November 3, na nagpirma po si VP together with the NHA and BIR ng Memorandum of Agreement para mapabilis po ang pag-issue ng mga certificate of exemptions sa, of tax exemptions, para sa urgent socialized housing projects. Kaya naman po. Pagdating naman po sa problema po sa mga titulo, sa ngayon po meron nang working group ang HUDCC, DENR, DILG, NHA, SHAFC, saka ang Land Registration Authority, na napropose po sa Presidente na Executive Order, na kung saan pumapayag po ang pag-gamit ng mga rights-based security of tenure instruments, o mga alternatives po sa title since mahaba po talaga ang proceso kung pipilitin ho na kailangan magka-title muna ang lupa. Inaasahan po dito ay mapabilis nga po sana at mapasimulan na yung mga ibang proyekto po, sa Yolanda. Sa NHA naman po, na-strengthen na po ng NHA ang mga consultation nila, with Local Government Units, at inincrease na rin po nila ang frequency ng mga field inspections and meetings with Local Government Units. And inline po with itong thrust na palakasin pa po ang coordination, ng HUDCC naman po, ay magseset-up ng Technical Working Group na magfufunction bilang secretariat ng resettlement cluster. At mangyayari po, ang mga tao po rito ay full time na pong tututok sa kailangan po na coordination sa mga iba’t ibang bagay na maari pong beyond sa regular mandate po ng NHA o beyond sa allocated funding po nila. Bale, tututok po sila full-time hanggang matapos po ang resettlement activities. At yung technical working group din po na ito, mag-aadminister ng EMPATHY system, is po itong Electronic Platform para sa Accountability and Transparency Hub po for Yolanda, or EMPATHY for short. Isa siyang centralized system po para sa pag-track ng mga expenditures, at yung progress ng recovery at saka rehabilitation program. I-iidentify niya rin po based sa system na ito ang mga iba’t ibang choke points na kailangan pang talakayin ng resettlement cluster, or ng mga iba’t ibang agencies, at magbibigay siya ng real-time dashboard sa HUDCC, para mas mapabilis po ang decision making at pag-eexecute po ng catch-up plan. Yung EMPATHY system po ay isang system na nadevelop ng last administration sa tulong po ng UNDP at saka ang USAID. At ihohouse na po yung system na po iyan sa HUDCC. Bale ayun po, parehong HUDCC and NHA have taken stock ng mga lessons learned in the past two years. At ang program po, tulad po ng sinabi ni VP, ang plano is to finish all yung mga kailangan pang mga reporma para mas mabilis na po ang execution ng mga plano next year. Pati po ang NHA, meron na rin silang catch-up plan, at tatalakayin din po iyan sa board meeting ng NHA pagdating po sa November 16. Ayun lang po, sa Yolanda. VP LENI: Dagdag ko lang po, if you will recall, nagkaroon na tayo ng report early on, kwinento namin sa inyo na, base dun sa aming observations, sa mga pagbisita sa mga sites at pakikipag-usap sa mga supposed beneficiaries at saka mga representatives din ng government agencies, yung nakakatagal doon sa Yolanda housing, hindi naman talaga yung kakulangan sa pera kasi yung pera nandoon, pero yung nakakatagal yung requirements din ng gobyerno. Ang una dito, kinakailangan kasi maconvert from agricultural to residential yung mga lupa, kasi kung hindi siya residential, hindi siya magagawan. Yung conversion lang mismo yung nagpapatagal. Pangalawa, merong policy anh NHA na para makasimula ng housing project, kailangan titled yung property. Yung pagpapatitulo lang, parang two to three, it takes about two to three years para lang magpatitutlo. Ito talaga yung nakakatagal, kaya kung titingnan niyo yung figures sa Yolanda, ang dami-daming nangangailangan ng bahay pero kakaunti pa lang yung natatapos, dahil yung nakakatagal hindi yung construction ng bahay, pero nakakatagal yung pag-umpisa dahil yung lupa hindi pa magamit dahil doon sa mga requirements sa dokumento. Pagbalik ko dito, during the cabinet meeting, nagreport ako kay Pangulo, sinabi ko na ito yung mga problema, tapos nag-request tayo kay Pangulo na baka pwedeng magpatawag siya ng meeting with the government agencies, nagpatawag agad, si Presidente nagpatawag agad siya the same week na nagreport ako sa kanya. Ang pumunta doon, BIR, Land Registration Authority, COA, at saka NHA, at saka kami. Nasettle doon na yung mga choke points pagdating sa lupa ay kailangan asikasuhin. Halimbawa yung problema, isa sa nakakatagal yung BIR, yung pag-iisues niya lang ng certificate of tax exemption, sobrang tagal. So nung Monday, Monday ba iyon? Noong last week, nag-MOA signing kami ng BIR, ng NHA at saka kami na bibilisan na iyon. Bale yung dating apat na opisinang pinupuntahan, isang opisina nalang ngayon. Nagpromise yung BIR na hindi na siya ganoon katagal. Marami tayong naayos na mga kailangan, halimbawa yung requirement ng titling, meron na kaming draft executive order to be signed by the President, na hindi nalang title yung proof of ownership, pero magkakaroon na ng alternative na mga proof of ownership. Tawag natin dito, na parang yung Rights Based Security of Tenure na document, na pwede na yung ibang proof of ownership other than title. Kasi sa probinsiya, ito din yung problema sa Palawan, ito din yung problema sa Region VIII, kaya sobrang tagal kasi karamihan sa lupa walang titulo. So yung pagpapaconvert lang, yun din yung dahilang kung bakit nag-oppose tayo sa absolute moratorium na prinopose ng DAR, kasi isa sa nakakatagal nga dito sa Yolanda yung pag-convert ng agricultural lands in to Residential lands. Basta yung sa atin naman, while nag-aagree tayo sa DAR na kailangan merong mga parameters, kasi paminsan naaabuso ito, yung sa atin lang yung hindi na nagagamit for agriculture talaga sana, lalo na kung gagamitin nito for socialized housing, sana hindi na makasali sa moratorium, kasi pag naging absolute yung moratorium, lalong tatagal yung resettlement. Yung pag tiningnan natin yung plano na ginawa during the past administration, kailangan by the end of 2018 tapos na’to lahat, tingin namin kaya. Tingin namin kaya pa naming habulin despite na grabe na yung delay. Kaya yung naging resolution namin, magcrecreate kami ng taskforce, parang project monitoring office, hindi lang siya secretariat, pero monitoring lang siya, pero yung request namin magtatalaga kami ng tao, hindi lang yung HUDCC pero yung lahat ng shelter agencies magtatalaga ng mga tao na walang gagawin kundi Yolanda related lang. Ang problema kasi ngayon, naka-assign doon sa Yolanda related na mga ginagawa, marami pang mga ibang obligasyon sa opisina. So kami, hihiwalayin namin ito yung sinasabi ni director Paolo na project EMPATHY, it was a project of the UNDP at saka USAID, na dati nakahouse siya sa OPAR, pero nung nadissolve yung OPAR, nalipat siya sa NEDA, parang wala nang house yung EMPATHY, so sabi namin, pwede bang HUDCC na yung mag house ng project EMPATHY. Kasi until now walang mga pangalan yung 205,000 na nangangailangan. So talagang halos pupunuan yung karamihan sa mga gaps na nandoon. Question: Iyong pagbalik po ng mga nakatira sa dangerzones… VP LENI: Actually bahagi siya ng gagawin nung PMO na establish namin ito talaga kasi marami talagang ahensiyang involve actually yung hindi pagpabuild ulit LGU yung asign soon, pero magmemeet kami ni Mayor bukas, ni Mayor Romualadez, mayroon akong imbitasyon na natanggap sa kanya and I will take this up with her actually may binisita din ako doon yung pangalan niya richview, malaking malaking relocation site siya pagpunta ko maraming problema, isa sa mga problema dito tubig pangalawang problema, may nirereklamo yung beneficiaries kasi, may phase 1 and phase 2, yung phase 1 okay yung construction pero yung phase 2 maraming mga problema, marami silang nirereklamo pero tingin ko yung general na reklamo sa tacloban yung binigay kasing relocation site nasa north medyo malayo siya sa city, yun yung problema natin pag yung relocation site masyadong malayo sa hanap buhay kasi yung tendency ng mga tao bumabalik talaga kaya ito yung kailangang nating harapin na problema ngayon na nakaset na siya doon sa north tacloban, ano ba iyong permanent na solution na ibibigay natin sa kawalan ng trabaho ng mga tao, kasi malayo nga talaga siya tapos may problema nga talaga siya sa tubig, kaya nga tayo makikimeet din kay Mayor tomorrow, para idiscuss sa kanya kung ano yung long term na effects pero gusto natin i-activate yung (LIAP??) yung local na coordinating team, kasi tingin natin mahalaga talaga na may tumututok dito hindi lang yung may maisipan pero may tumututok talaga, mayroon na kami ngayong kinakalap na parang report nang lahat ng problema ng lahat ng relocation sites, hindi lang yolanda pero lahat ng mga relocation sites. at paunti unti nahahanapan na natin ng daan papunta sa solusyon, halimbawa iyong namention ko sa inyo before yung lahat ng relocation sites sa bulacan may problema sa tubig, ngayon nagmeeting na tayo dito with yung mga water companies para maghanap ng mas permanenteng solusyon, pero ito tomorrow ito yung pinakasadya natin sa tacloban to discuss with the local government units kung paano namin pagtutulungan yung lahat ng problema, pero yung pagbalik , parang yung manila din na problema, marami tayong mga relocation sites na ginagawa sa labas tinatanggap lang nila, pero bumabalik din sila doon sa dati, bumabalik sila sa dati kasi doon sa bagong relocation site wala tayong naooffer na alternative na hanap buhay so kailangangang harapin natin ito at hanapan ng mas pangmatagalan na solution. Question: Gaano karami pa ang nasa transition house.. VP LENI: Actually sobrang dami pa siya, of the 200,5000 ang nakakalipat palang 4000, 4278, so talagang ano pa sobrang dami pa, mayroon nang mga fully completed sites na hindi pa naooccuppy, ito yung tinitignan natin iba’t iba yung dahilan yung ibang dahilan pati inventory nang beneficiaries hindi kumpleto, yung pangalawang dahilan may mga problema pa yung mga lilipatan ano talaga medyo yung catching up na kailangan gawin malaki laki, pero kung 4278 palang ang nakakalipat as of September 30, talagang sobrang dami pa, like I said galing ako sa Palawan 8000 houses not 1 gumagalaw, yung lahat ng problema sa lupa, may mga papeles na hinihingi so talagang ano yung sabi ko naman sa office, yung paghanap namin ng solusyon icacase to case na namin kasi iba iba, iba iba yung problema, pero karamihan talaga yung location yung problema parang dahil sa documentary requirements sa suitability ng location yun talaga yung grabe Question: Ano po ang laman ng draft EO? VP: Actually yung sabi ko kanina yung BIR nagpirmahan na po kami last week, yung NHA, COA patungkol po doon sa requirement, na ang problema po kasi natin may batas na ito po yung requirement kailangan titled yung property, yung draft natin na executive order tapos na isisign nalang po ito ni pangulo, yung executive order po parang nirerelax niya, parang nirerelax niya po yung requirement na if the law states na yung requirement lang as proof of owenership titled yung property, ito pong rights based… perhaps you can give them a copy of the draft, we can give you po a copy of the draft of the executive order na sinasabi na hindi lang title yung proof of ownership pero mayroon pang iba, yung NHA po saka yung COA po yung may problema doon. yung LRA po mayroon na po silang commitment kasi yung problema po namin sa LRA parang sobrang dami yung pending sa kanila, inadmit po nila na nagkaroon daw sila ng problema sa sistema nila beofre pero they said na they were able to fix it already and maghahabol din sila, so hopefully ang target po namin ay before the end of the year maayos na po ito lahat, para po next year lahat nalang Build build build, pero yung problema po talaga namin hindi lang HUDCC saka Shelter agencies yung invlove pero marami pa pong ibang opisina, halimbawa po iyong, if you are familiar po with bantayan saka camotes islands, ano po yun nasa may northern cebu po siya yolanda site din siya, hindi din po kami makastart doon kasi yung buong dalawang lugar po ay protected yun, environmentally protected under the DENR, nagkaroon na po ng usapan with DENR na magiissue sila ng another certification in lieu of the ECC kasi hindi sila makakaissue ng ECC, pero noong nagissue na yung DENR nagkaroon naman po ng court orders stopping them, so talagang masalimuot, ang problema po natin yung bantayan saka camotes wala tayong alternatives kasi mga isla po yung walang malilipatan ang mga tao, so hanggang ngayon adoon parin sila sa mga relocations site, yung palawan nga po lalo na yung Coron mas masalimuot po kasi yung mga nayolanda nasunugan po sila last week, kaya eto po kinausap na po natin si governor nakahanap na po tayo ng staging area mas maayos ayos, kasi pagpunta po namin doon hiwahiwalay sila mayroon mga sa gym meron sa mga covered court, doon sila nakatira, parang twice na yung dagok sa buhay nila ngayon po magtatayo po tayo with the help of DSWD, with the provincial government and the city government, magtatayo po tayo ng mga temporary shelters sa sports complex ng coron so talagang ano po very complex pero kaya. Question: Where are you getting the data? VP LENI: Actually yung data doon sa lupa na I mentioned before nasa amin na ngayon, its with us already,it was a study comissioned by the land registration authority and it basically identifies the government lands in metromanila that may be available for housing. yung pinakaproblema namin ngayon what we want to do sana is to match the need with the availability, para kung may mga kailangan sa mga government lands na iyon na applayan for proclamation sites, we can apply for it already pero wala kasi tayong inventory ng informal settlers. yun talaga yung pinakamalaking problema ngayon what were doing is were asking the help of lGUs pero may mga LGUs na mat ready na yung listahan pero may mga LGUs na wala, in fact just before this kaya ako nalate I was talking to some members of the city council of Manila yun yung dinidiscuss ko sa kanila na wala talagang ready na inventory, ang ginagamit namin ngayon to compensate yung national household targeting system kasi nakaidentify naman doon kung sino yung mga homeless pero napakahirap niya kasi parang napakadaming data na kailangan to come up with a really detailed comprehensive roadmap but we’re making do with we have so ngayon ang nandiyan sa amin yung NHTS yung sporadic na mga listahan ng mga informal settlers tapos yung mga government properties available, infact this month we’re calling for a meeting among the metromanila mayors, I discussed it already with Senator JV,sinabi ko na kay senator JV becuase he’s the head of the committee on housing in senate and we plan to partner also with congressman albie benitez who’s the chairman of housing sa house of representatives na parang unahin namin yung metromanila mayors para magkaroon ng joint planning, kasi para hindi siya pwedeng basta basta lang, kasi kapag basta basta lang naghahanap lang ng paraan na mailikas na wala namang talagang maayos na plano, kaaya sabi ko this time baka mas mabuti magplano kami sabay sabay, hinhintay lang talaga namin yung data ng mga informal settlers na available, gaya ng sabi ko may mga lugar na available yun may mga lugar na wala, pero doon sa mga lugar na wala hindi nadin kami maghihintay gagamitin na muna namin yung NHTS na data. Question: Iyong sa LRA gaano karami pa ang available ngayon? Iyong MOA with HLURB paano makakatulong? VP LENI: Ibigay ko muna siguro kay Paolo iyong detalye ng MOA. MOA with BIR and NHA. IYong with HLURB nagkaroon din ng MOA with HLURB, SHFC and us, magbababa ng documentary requirements na kailangan and SHFC mas pinakapurpose noon is to facilitate and streamline the process. Iyong mga documents they lowered it down to nine. Hopefully mas mabilis bilis na. Iyong HLURB may request ako sa kanila during the board meeting. Iyong nakita ko, iyong produktong mayroon tayo sa housing parang hindi niya natatarget ang poorest of the poor. That is my impression. Karamihan kasi ng financing natin, iyong Pag-IBIG membership iyon. Iyong iba naman mortgage based at dahil mortgage based siya, iyong mga pinakamahirap hindi accessible sa kanya iyon. Tignan natin ang backlog natin, ang bulk noon mahihirap. Parang hindi mo rin sinasagot ang pangangailangan. Ang request ko sa HLURB, their IRR sa balanced housing law, di ba sa balanced housing law sa bawat development, housing project, 20% of that should go to balanced housing for socialized housing. Ngayon na-ammend iyon, 15% na lang pero may vertical tayo na 5%. Noong tinatanong ko iyong HLURB, kung paano iyong iniimplement, parang hindi deliberate na ang sineserve niya ay iyong mga pnakamahihirap. So I am asking them to review their policy and to come up with an ammendment na iyong compliance sa 5% and 15% na balanced housing strictly na para sa mga mahihirap. Hopefully mangyari iyon soon. ng hinihintay namin iyong LRA, pero wala pa siyang commitment kung ilang days bago makalabas iyong mga nakapending sa kanya. Inadmit niya na last two years nagkaproblema sila sa computerization at kung ano ano. Pero ngayon hopefully magkaroon na kamin ng signing with them kasi ang meeting namin last month pa. Patuloy din. Patuloy iyong mga meetings nila with the staff pero siguro si Director Paolo ang magbibigay ng detalye. Atty. Paolo Salvosa: Iyong land system po na ginagawa ngayon ng HUDCC, wala pa po sa akin ang datos kung ilang hectares pero on going na po ang system. Hopefully by early next year or within the year ang phase 1 matapos sana atleast sa Metro Manila makita ang available lands at bilang ng mga informal settler families based on NHTS or any available data of local government units. Iyong MOA po with BIR and NHA, naging usapan po doon, bago ang MOA, ang processing ng certificate of tax exemption isang office lang po sa BIR na centralized po siya nationwide ang pinoprocess. Iyong napagkasunduan po sa MOA, pagnagcertify po ang HUDCC na ang isang socialized housing project ay urgent dahil ang mga pamilya ay nakatira sa danger zones, ipoprocess na po directly ng office of the commissioner, expadited na po siya pero only for urgent socialized housing projects. Iyong ibang socialized housing projects na hindi naman po urgent ay dadaan pa rin po sa regular process. VP LENI: Iklaro ko lang no, sabi ko kanina nasa amin na iyong LRA na study sa available land, iyong study kasi ng LRA ibinigay niya mapa. Mapa ng mga available government properties in Metro Manila so ngayon, itong sinasabi ni Paolo na phase 1, binibigyan ng detalye iyong mapa. Ano iyong use , alin doon ang puwedeng available for proclamation. Tapos tinitignan namin kung among sa properties, may occupied na ba ng informal settlers? Kasi kung may occupied na ng informal settlers baka puwede na lakari na magkaroon na ng procalmation na maibigay na sa knaila. Iyon iyong proseso a nangyayari ngayon. Hopefully soon. Ang phase 1 target nito by the end of the year sana tapos na ang phase 1. Question: (On the dismissal of Bongbong’s case) VP LENI: Iyong sa akin expected namin iyong dismissal kasi wala naman talagang… I think COMELEC naman is able to explain kung bakit ganoon ang proseso. I think it is a matter of time para makita kung ano talaga ang totoo. Question: (On FM burial being packaged with BBM electoral protest) VP LENI: Maraming nagsasabi na ganoon. Na pinapackage, na may pera involved. Pero ako doon ako palagi sa positive. Ako umaasa na iyong tama pa rin ang lalabas. I have always been very vocal about my opposition to the burial. Pati iyong election cases, ako I try to remain optimistic, huwag natin pangunahan ang Supreme Court, sana… Ano naman to e… Sa aking paniniwala, sa katapusan ng lahat, talagang tama pa rin iyong magpreprevail. Question: (Duterte statement in China: If manalo sa kaso, si Bongbong ang VP…) VP LENI: Ako iyong fear parating nariyan pero gaya ng sabi ko kanina, parati akong umaasa na iyong tama iyon ang magpreprevail in the end. Minamanage ko din iiyong burden na kung ano ba iyong kaya ko in the end? Iyong kaya ko in the end, magtrabaho ng mahusay. Keep my eye on the ball, andaming problema sa housing, itong Angat Buhay namin, iyong lahat ng energies ko andoon. Hindi naman kami nagpapabaya sa kaso. Ang mga abogado namin trying to protect the case pero parang hindi ko din pinapakain iyong takot sa akin kasi baka wala na akong magawa. Iyong sa akin, maraming mga bagay na kontrolado ko iyon ang gagawin ko pero iyong mga hinid ko kontrolado, tingin ko wala din akong magagawa doo. Pero parati ang hope na tama ang magprevail in the end.

    Posted in Transcripts on Nov 07, 2016