Search

Statement for Father's Day 2025

Assalaamu Alaikum

Maligayang Araw ng mga Ama sa lahat ng tatay, papa, itay, at sa mga lahat ng mga taong nagsisilbing haligi ng tahanan at pinagmumulan ng lakas at tibay ng bawat isa.

Sa araw na ito, kinikilala natin ang inyong sakripisyo, sipag, at walang kapantay na pagmamahal.

Maraming salamat sa inyong katatagan na siyang pundasyon na nagbibigay ng seguridad, katiwasayan, at daan para maging responsable, disiplinado, at produktibong indibidwal ang mga anak.

Ang inyong pagsisikap ay nagpapaalala sa amin ng inyong dalamhati at pagmamahal sa pamilya.

At ito rin ang nagiging magandang halimbawa na nagbibigay ng inspirasyon sa mga kabataan.

Maraming salamat sa inyong katatagan sa panahon na ang pamilya ay nahihirapan.

Maraming salamat sa inyong patnubay sa mga panahong tila walang katiyakan.

Maraming salamat sa inyong pagmamahal.

Sa bawat ama na patuloy na lumalaban, naglilingkod, at walang pagod na itinataguyod ang pamilya sa kabila ng hirap — hangad ko ang inyong tagumpay.

Happy Father's Day!

Mahal namin kayo.

Shukran