Assalamu Alaykum Warahmatullahi Wabarakatuh!
Madayaw ug maayong adlaw kaninyong tanan.
Magandang araw sa inyong lahat.
Importanteng mabigyan natin ng suporta ang kampanya ng Department of Health laban sa dengue.
Nakakamatay po ang sakit na dala ng lamok na may dengue na maaaring namumugad sa ating mga pamamahay at mga komunidad.
Lahat tayo ay nanganganib na maging biktima ng sakit na ito.
Magkaisa po tayo sa adhikain na makontrol ang pagdami o paglaganap ng mga lamok na may dalang dengue.
Ngayong Dengue Awareness Month, tandaan natin na bilang mga mamamayan, mahalaga ang ating papel para sa pagsugpo ng dengue.
Tiyaking walang lamang tubig at malinis ang mga paso, bote, drum, lumang gulong at iba pang bagay kung saan posibleng mangitlog o magpadami ang mga lamok.
Sa loob ng bahay, i-check ang mga kurtina, drawers, ilalim ng sofa, aparador, at mga bagay at lugar na posibleng pagbahayan ng lamok. Proteksyon din laban sa lamok ang mga screen sa bintana at pintuan at kulambo.
Magsuot ng tamang damit katulad ng long sleeves at pantalon, lalo na tuwing madaling araw at dapit-hapon.
Nakakatulong din ang paggamit ng insect repellent.
At sa ating mga komunidad, lumahok tayo sa mga clean-up drive.
Ang aksyon laban sa dengue ay proteksyon ng bawat isa sa ating pamilya.
Ang lahat ng ginagawa natin ay para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino.
Shukran.
SARA Z. DUTERTE Vice President of the Philippines