Assalamu Alaykum Warahmatullahi Wabarakatuh!
Madayaw ug maayong adlaw kaninyong tanan.
Magandang araw sa inyong lahat.
Noong taong 2021, mahigit 11,000 na Pilipino ang nasawi dahil sa aksidente sa kalsada. Karamihan sa kanila, mga pedestrian, motorista, siklista, at pasahero ng traysikel. Marami sa mga biktima ay kabataang edad 15 hanggang 29.
Ang road safety ay hindi lang trabaho ng traffic enforcers. Tungkulin ito ng bawat isang mamamayan, pribadong sektor, at pamahalaan.
Mga kababayan, sumunod tayo sa batas-trapiko. Gamitin ang tamang tawiran. Iwasan ang paggamit ng cellphone habang nagmamaneho o naglalakad. At i-report agad ang mga panganib sa daan. Simpleng disiplina, malaking ambag sa kaligtasan.
Sa pribadong sektor, siguraduhing may sapat na training ang mga drivers. Panatilihing maayos ang mga sasakyan. At seryosohin ang mga polisiya para sa kaligtasan. Hindi lang ang inyong empleyado ang napoprotektahan—pati ang bawat taong nasa kalsada.
Tungkulin naman ng gobyerno na panatilihing ligtas ang mga imprastraktura. Mahigpit na ipatupad ang batas trapiko. At palaganapin ang kaalaman tungkol sa road safety.
Ngayong Land Transportation Safety Month, magtulungan tayo para sa mas ligtas, mas maayos na biyahe para sa lahat.
Ang lahat ng ginagawa natin ay para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino.
Shukran.
SARA Z. DUTERTE Vice President of the Philippines