Assalamu Alaykum Warahmatullahi Wabarakatuh!
Madayaw ug maayong adlaw kaninyong tanan.
Magandang araw sa inyong lahat.
Sa araw na ito, buong puso nating parangalan at pasalamatan ang Hukbong Dagat ng Pilipinas.
Sa maraming dekada ng inyong paglalayag, kayo ay nananatiling matatag na haligi ng Sandatahang Lakas at matapang na tagapagtanggol ng ating karagatan.
Maraming salamat sa inyong tapat na serbisyo at sa walang sawang pagmamahal sa bayan—lalo na sa inyong tungkuling pangalagaan ang ating teritoryo laban sa anumang banta sa seguridad.
Bilang huwaran ng disiplina, dedikasyon, at dangal, kayo ang patuloy naming inspirasyon sa pagtindig at paglilingkod para sa kapayapaan at kalayaan ng ating bansa.
Maligayang Araw ng Hukbong Dagat ng Pilipinas!
Mabuhay kayong lahat.
Ang lahat ng ginagawa natin ay para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino.
Shukran.
SARA Z. DUTERTE Vice President of the Philippines