Search

Mensahe para sa Araw ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas

Assalamu Alaykum!

Isang maligayang ika-pitumpu't walong taong anibersaryo sa Hukbong Himpapawid ng Pilipinas. Nakikiisa ako sa inyong pagdiriwang ng araw na ito na sumisimbulo sa inyong matapang na dedikasyon na protektahan ang himpapawid ng bansa at pangalagaan ang kapakanan ng sambayanang Pilipino.

Ngayong araw na ito, ako ay sumasaludo sa inyong magiting na serbisyo sa bayan, na inyong patuloy na ipinapakita sa inyong katatagan at sakripisyo, anumang oras at panahon. Nawa’y manatili kayong sandigan ng tapat na paglilingkod at matibay na saligan ng kapayapaan at kalayaan sa ating bayan.

Mabuhay ang Hukbong Himpapawid ng Pilipinas! Mahalin natin ang Pilipinas - para sa Diyos, sa bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino.

Shukran.

SARA Z. DUTERTE Vice President of the Philippines