Search

National Disaster Resilience Month

Assalamu Alaykum Warahmatullahi Wabarakatuh!

Madayaw ug maayong adlaw kaninyong tanan.

Magandang araw sa inyong lahat.

The Philippines faces over 20 typhoons yearly. Last year's storms were stronger, and this year may be more unpredictable due to the increasing impacts of climate change.

Under former President Rodrigo Duterte's administration, the Philippine government shifted its approach from mere disaster awareness to actively building disaster resilience.

Prayoridad natin ang masigurong ang mga komunidad ay handa at kayang tumugon sa mga kalamidad, upang maiwasan ang pagkawala ng buhay at malawakang pinsala sa mga ari-arian.

Ang ating kahandaan laban sa mga kalamidad ay ang pundasyon ng ating lakas bilang isang bansa.

Magtatagumpay tayo kung tutulong tayo sa pagsiguro na ang bawat pamilya sa ating mga komunidad ay may sapat na kaalaman hinggil sa mga sakuna.

Kabilang na dito ang kaalaman sa tama at ligtas na paglikas o evacuation.

The Office of the Vice President's PagbaBAGo: A Million Learners and Trees Campaign planted over 300,000 trees last year, creating natural shields from floods and landslides.

This National Disaster Resilience Month, I call on every Filipino to become proactive stewards of their communities. Plant trees and join our organized clean-up drives.

Turn on NDRRMC alerts. Build your family’s emergency kit. Join earthquake drills. Know your nearest evacuation center. Share awareness posts—your stories could save lives and inspire others to prepare.

Mas marami pa tayong magagawa sa ating pagkikipagtulungan sa isa’t isa.

Sa ating pagkilos, sa ating paghahanda, nariyan ang pangako ng isang ligtas at matatag na kinabukasan na maipapamana natin sa ating mga anak.

Mahalin natin ang Pilipinas—para sa Diyos, sa Bayan at pamilyang Pilipino.

Shukran.

SARA Z. DUTERTE Vice President of the Philippines