Search

Pahayag ng Pangalawang Pangulo para sa pagdiriwang ng Eid al-Adha

Assalamu Alaykum Warahmatullahi Wabarakatuh!

Madayaw ug maayong adlaw kaninyong tanan.

Magandang araw sa inyong lahat.

Isang maligaya, pinagpala, at makabuluhang Eid al-Adha sa ating mga kapatid sa pananampalatayang Islam.

Sa okasyong ito, nawa’y magsilbing paalala sa ating lahat ang kahulugan ng sakripisyo, pananampalataya, at kabutihang-loob — mga bagay na mahalaga hindi lang sa ating pananampalataya kundi maging sa ating pang-araw-araw na buhay bilang isang sambayanan.

Ang diwa ng Eid al-Adha ay nagsisilbing paalala ng lakas ng loob, pagbibigayan, at malasakit sa kapwa—mga katangiang lubhang mahalaga sa kasalukuyang panahon.

Ang aking pakikiisa sa inyo ay pinagtitibay ng kapatiran, paggalang, at pagtanggap.

Tanggapin sana natin ang biyaya ni Allah sa lahat ng panahon.

Eid Mubarak!

Ang lahat ng ginagawa natin ay para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino.

Shukran.

SARA Z. DUTERTE Vice President of the Philippines